Ang Perfect Boyfriend!

248 5 17
                                    

     Ako si Rose, at meron akong boyfriend si Riann. Pareho kaming college student at mas matanda siya sa akin. Kung tatanungin niyo kung anong itsura at ugali niya ABA! baka mamaya niyan agawin niyo siya sakin ah! (hehe biro lang) heto ang check list:

Matangkad (inggit nga ako eh)

AVERAGE (kumbaga hindi siya pangit hindi gwapo)

Kayumanggi (ayaw ko rin kasi ng sobrang puti parang bakla na tignan)

Killer Smile (isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan, nakakatunaw kasi!)

Head Turner (kahit sinong babae aysus! Mapapalingon ka sa kanya)

Mabait (kahit sino tinutulungan)

Magalang (lalong lalo na sa mga nakakatanda)

     Kung tatanungin na ninyo kung paano kami nagkakilala, nagsimula ang lahat ng nakasama ko siya sa isang school project, nagkataon kasi na siya ang kapartner ko.

     Noong una, ayaw ko siya kasi parang suplado, yung dating niya parang ipapahiya ka niya kapag mali mga sinasabi mo, pero nagulat ako ng siya mismo ang lumapit sakin. Nalaman ko na kalog pala siya, at pag nakausap mo na for sure tatawa ka ng tatawa sa mga corny jokes niya. Dahil school project, kailangan namin makontak ang isa’t isa, kaya nagbigayan kami ng cell number, at syempre, ano pa bang susunod eh di ayun naging text mate kami. Pag nagkikita kami sa campus, kahit hindi kami nagkakamustahan ng malapitan ay binibigyan niya ako ng killer smile niya, at grabe! Noong una niya akong ningitian, akala ko pa nga hindi ako iyong tinitignan niya, buti na lang nagmasid ako sa paligid at ako lang ang tao dun, kaya nalaman ko na sakin siya nakatingin.

At isang araw niyaya niya akong mag lunch……..

“Rose! Saglit!”

“oh Riann ikaw pala bakit? male- late na ako sa klase ko..”

“uhmmmmm ano kasi mamaya pwede bang sabay tayo mag lunch?”

     At dahil late na nga ako hindi ko na nilagyan ng malisya yung pag aya niya sakin kaya sabi ko

"KKB ah? Wag mo ko i-libre baka mamaya niyan eh gawin mong utang di ko namamalayan!?"

     At tumawa lang siya sa sinabi ko……..

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 

     Sakto after ng 11:30 class ko, nagtext na siya………

*text* hi rose sa harap ng lobby wait kita ah *with smiley face*

     Hindi na ako nagreply at agad ko siyang pinuntahan sa lobby, feeling ko tuloy isang date ‘yun, pero siyempre assumerang palaka lang ang peg ko (haha).

     Nang makarating kami sa isang Fastfood chain na may malaking bubuyog sa harap (oh alam na!) sabi niya siya na ang kukuha at magbabayad muna ng order ko, kaya naghanap na lang ako ng mauupuan namin. Maya maya ng mahanap na niya kung saan ako, parang sa mga pelikula parang huminto lahat ng nasa paligid ko at siya habang papalapit ng papalapit sakin bumibilis naman ang tibok ng puso ko at may slow motion effect pa susme! kaya pumikit ulit ako at dinilat ko. Thank goodness back to normal. Hindi ko tuloy malaman kung anong nangyayare sakin.

Ang Perfect Boyfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon