TIP: Don't skip chapters if you want a better experience of reading the story. Thank you and happy reading!
-------------------------
"Ma'am Ellen, anong pong klase ng makeup ang gusto mo?" tanong sakin ng make-up artist na ipinadala ni Mommy. Tonight is the celebration for the 30th anniversary of Papa's company. I don't really want to attend, I feel sick, pero as if I have a choice.
Tumunghay ako at tumingin sa kanya, "Hmm, what do you think?" Tumayo ako lumapit sa salamin para makita ko ang sarili ko. "Siguro, natural lang pero may dating. Can you do it?" sabi ko saka ngumiti.
"Yes po," saad nya at saka ngumiti.
Nakalatag na sa vanity ko ang mga gagamitin niya para sakin. Umupo na ako sa upuan at sinimulan na niya akong ayusan. Naglalaro muna ako phone ko habang inaayusan ako, nahihiya kasi akong makipag-usap sa kanya. She seems like a serious person.
"Ma'am pikit po para sa eyeshadow," sabi nya. Ibinaba ko ang phone ko at pumikit. Nararamdaman ko ang kiliti na hatid ng brush sa aking talukap. Pero bakit kaya pag ako naman ang nag mamake-up sa sarili ko, hindi ako nakikiliti?
Nawala rin bigla ang kiliting nararamdaman ko sa aking mata. Tapos na agad yung eyeshadow? Isinantabi ko ang naiisip ko ng makaramdam ako ng pag-uga ng aking inuupuan.
Nang imulat ko ang aking mata, laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko sa loob ng sasakyan.
Teka, paanong nandito ako?
"Ellen, are you okay?" sabi ni Mommy. Madali niyang hinawakan ang ang aking kamay dahil naka-upo sya sa aking tabi. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.
"Nagising ba kita dahil sa driving skills ko, Ellen?" sabi ni Kuya Rey ng nakangiti, sya ang aming driver. Napalingon sakin si Riley na naka-upo sa passenger seat. Ngumiti lang ako at umiling, "Hindi naman po Kuya Rey."
Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas, observing people while we're stuck on traffic. Di ko mapigilan mag-isip, minemake-upan lang ako kanina diba? Hindi 'yon panaginip, sigurado ako. I opened my phone na hawak ko pa rin, katulad ng pagkakatanda ko na hawak ko rin ito kanina. Nagulat nalang ako sa mga messages my friends sent me.
mariamira replied to your story.
"Omg! I like your dress. See u sa party, mwua!!"
hendrixxx replied to your story.
"Dude ang hottie, kaya ka crush ni Jay e. Enjoy d party!!!"
ailiankate replied to your story.
"Your dress is a bomb!! Who's the designer?"
jennievivian reacted to your story.
jennievivian replied to your story.
"Ohmy, I forgot you're Mr. Choi's daughter. I'm going to your Dad's party with my parents, see you!"
I clicked what story I've posted. I don't remember posting something on social media.
Nakita kong isa 'yong mirror selfie showing my outfit for the night. I'm wearing a champagne-color bodycon dress, nude heels and a Chanel bag. Kita sa rin sa picture ang aking wavy black hair na nagco-compliment sa damit ko. It also has a caption saying, 'Happy 30th anniversary Great Choi Company! Cheers for more years to come!!'
"Fuck!" Bakit hindi ko maalala ang nangyari kanina? I don't remember posting a picture on my story. I also don't remember wearing my outfit. Fucking weird. Napahawak nalang ako sa sentido ko at napapikit. Bakit ganto?
BINABASA MO ANG
Unveiling Identity
Mystery / ThrillerThere are times when Ellen opens her eyes, she finds herself in different places -- until she found herself standing in front of her adoptive father's dead body.