Enjoy reading!
-------------------------------
'WHO KILLED MR. CHOI'
Niyakap ko si Papa at hindi ko inalintana ang malansang dugo na nagkalat sa sahig at balot na balot nito ang katawan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko at kung paano nangyari ito. Hihingi ba ako ng tulong? Paano kung ako ang pagbintangan nila?
Dali dali kong kinuha ang cellphone ko sa bag at hindi ko pinansin ang pangangatal ng kamay ko. Agad akong nagtipa sa aking cellphone ng number ni Riley at hinayaang mag-ring iyon. Hindi ko na rin inalintana ang dugo ni Papa sa aking kamay na ngayo'y bumabalot na rin sa aking phone. Ilang beses kong tinatawagan si Riley pero hindi nya ito sinasagot. Naramdaman ko ang unti unting pagsikip ng dibdib ko at ang pagbigat ng aking paghinga.
Panay lang ang tulo ng luha ko sa aking pisngi at hindi ko na rin mapigilan ang aking hikbi, "Papa," Naramdaman kong gumalaw sya at agad na nagtama ang mata namin. Namumungay ang mga mata nya at nahihirapan sa kalagayan nya ngayon.
"Papa, I'm sorry. I don't know what to do. I'm scared," umiiyak na sabi ko. Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata nang nakita ko sa kanyang mata ang unti unting pagkawala ng buhay nito.
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha habang yakap ko ang malamig na katawan ni Papa. Hindi ko alam ang kahihinatnan ng buhay ko ngayong wala na si Papa.
Agad kong naitulak ang katawan ni Papa ng mapagtanto kong patay na ito. Walang buhay na katawan ang niyayakap ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot. Nagsimula nanamang mangatal ang kamay ko at umikot ang paningin ko. Nanlalamig ang buong katawan ko at unti-unting nagtataasan ang balahibo ko sa katawan.
Isang bangkay ang nasa harap ko ngayon. I can't believe it! Kaming dalawa lang ang nasa loob ng kwartong ito. Paano kung ako ang pagbintangan nila?
Nanginginig ang buong katawan ko sa takot at napaatras ako habang naka-upo. Dali dali akong gumapang sa isang sulok at umiyak. Natatakot ako na may katawan ng tao akong kasama sa kwartong ito, isang katawan na walang buhay. Nananakit ang ulo ako, nakakakita ng mga scenario na hindi ko alam kung saan nagmula.
Nanatili lang ako sa pagkakaupo ko sa isang sulok habang walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. Pinalibot ko ang aking mga braso sa aking binti at doon ko inihilig ang aking ulo. Hindi ko magawang tingnan ang bangkay na nasa harapan ko dahil dumadagdag lamang ito sa nararamdaman kong takot.
"Ellen!" napabalikwas ako sa pagkakaupo ko ng narinig ko si Kuya Riley na tinatawag ako. Hindi ako maka-alis sa kina-uupuan ko sa takot sa katawan ni Papa na nakaharang sa may pinto.
I heard his loud gasp, "Ellen!" sigaw nya na may halong awtoridad. Agad akong tumayo. My knees trembled as I see my Papa's body lying on the floor. Lifeless and bloody.
The door swung open. "What the fuck?! Ellen?!" nanlalaki ang mata nyang pabalik balik ang tingin sa akin at sa katawan ni Papa.
"R-riley," I said while crying.
"What the hell did you do?!" he said, accusing me.
"R-riley not me. I-I-I s-saw him here. That's w-why I'm calling y-you," my mind does not function well so my words came out nonsense.
Tiningnan niya ang katawan ni Papa. I saw how nervous and shocked he was. Nag aalinlangan pa siya kung lalapitan niya ang katawan ni Papa, pero agad niya rin namang nilapitan ito, shaking it a bit on his shoulders. Itinapat niya ang likod ng kanyang palad sa ilong ni Papa. Hindi pa nakuntento at itinapat niya naman ang kanyang tenga sa ilong ni Papa. Napailing sya and I saw a tear roll down his cheeks.
Nangangatal pa rin ang tuhod ko kaya napa-upo muli ako sa sahig. I watch him get his phone and dialed something. Why is he so calm? I mean, Papa is his biological dad and I'm only adopted. How come he did not even panic?
BINABASA MO ANG
Unveiling Identity
Misterio / SuspensoThere are times when Ellen opens her eyes, she finds herself in different places -- until she found herself standing in front of her adoptive father's dead body.