One

6 0 0
                                    

Sa mga nagdaang taon kahit kailan ay walang nagtangkang manligaw sa akin, hindi ko rin naman nanaisin na magkaroon ng manliligaw dahil lubos na kilala ko ang sarili ko na pagdating sa ganiyang bagay ako ay higit na masasaktan at matagal makalimot.

Habang pinagmamasdan ang bawat nadadaanan ng aking mata ay hindi ko maiwasang humanga dahil sa nakapalibot na mga magagandang naipinta ng aking mga estudyante. Napangiti ako dahil sa taglay na galing nila at malawak na pag-iisip.

Pinagmasdan ko lang ito hanggang sa mag sawa ang aking mata sa pagmamasid.

Kung sa bawat guhit ng kamay ay katumbas ng libo libong alaala.

Kung sa bawat pagkumpas ng kamay ay kasabay ng pagluha.

Kung sa bawat imahe na iginuguhit ng kamay na akala mo'y bihasa sa ganitong gawain.

Aking  ba'y mapapaunlakan' muling umibig?.

Kakayanin 'bang muling masaktan at madurog ng paunti unti?.

Mula sa mga ala alang aking pilit na kalimutan ay tila bumabalik nanaman na parang sirang plaka. Bakit sa nagdaang araw ay parang hindi naman humihilom?. Pilit na kalimutan ngunit ito'y laging bumabalik. Muli kong naramdaman ang luha kong nagpapatakan sa aking pisngi.

Wala na ba itong kasawaan?. Habang buhay ba na ganito nalang lagi ang ganap sa aking buhay?.

Sa nagdaang taon ba ay may progreso ang pag usad ng aking pagkalimot sa kanya?. Bakit tila pakiramdam ko ay pinaglalaruan nalang ako ng aking sarili at ng tadhana?.

Kusang naglakad ang sarili at natagpuan na lamang ang sarili ko'y ngayong nakahiga sa aking kama at mabigat man ang nararamdaman ko ngayon ay ipinikit ko nalang ang aking mata, kailangan ko ng magpahinga dahil maaga pa ako bukas.

Nanatili akong nakapikit at pinapakiramdaman ang sarili, dahil sa matindi ring pagod ay kusa nalang nagpaubaya sa pagka antok ang aking sarili para tuluyan ng makapag pahinga.

-

Sa bawat nadaraanan ng aking paa na walang saplot. Heto ako at nasa isang lugar kong saan ko siya unang natagpuan at kong saan una ko siyang naipinta gamit lamang ang aking lumang lapis.

Nagsimula akong maglakad patungo sa malaking puno. Libo libong alaala ang siyang nakaukit sa punong ito. Kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam sakin na nag-iisa ako. Nang nakalapit na ay pinagmasdan ko lamang ang malaking puno kong saan nakaukit ang aming pangalan.

"Mahal ko..."

Napatingala ako ng naramdaman kong may pumatak na tubig sa kamay ko. Lahat ng alala ay siyang nabubuhay sa munting paraisong ito na kahit gusto munang limutan ay ibabalik at ibabalik ito gamit lamang ang iyong mga mata na nakamasid sa kabuoan ng lugar na ito.

"Andito na ako mahal ko..."

Sa bawat hakbang ko ay pakiramdam ko na andito siya at pinagmamasdan niya ako habang hinahanap siya ng aking mga mata.

Mahirap limutin ang pag ibig lalo na at ngayo'y nangungulila ka sa presensya niya.

Inisa isa kong pagmasdan ang lugar na kay tagal ko ng iniwan. Wala na akong rason na bumalik pa rito dahil wala na ang nais kong makasama dito.

Mula sa napakalinis na ilog at mga ibong humuhuni kasabay ng pag ihip ng kalmadong hangin ay hindi ko napigilang muling may maglandas na luha sa aking pisngi.

"Bakit mahal ko?.. Bakit pakiramdam ko andito ka at nagtatago lang?."

"Bakit sa tuwing ikaw ay lilimutin bumabalik lahat ng sakit?."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa araw araw na pamumuhay ko mahal ko..."

"Bigyan mo ako ng rason para ipagpatuloy ko ito."

Napaluhod na ako dahil sa pangangatal ng aking tuhod. Ibinuka ko ang aking mga braso at sa imahenasyon ay iniisip na yakap ko siya sa aking bisig.

Ang paglimot ba ay siyang kasagutan sa matinding paghihirap?

"Nais kong bitawan lahat ng alaala natin ngunit nangako ka sa akin mahal ko at hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko parin ang mga salitang binitawan ng iyong labi."

Nagising ako ng narinig ko na tumunog na ang aking orasan.

Napapuyos ako ng aking mukha at ramdam ko na lumuha ako. Bakit sa dami ng mapapanaginipan bakit yon pa?.

Kung ang iyong pigura ay aking ipinta, ika'y babalik pa kaya?.


The Chaos LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon