Two

4 0 0
                                    

Kahit mabigat ang nararamdam ko ay pilit kong pinalakas ang aking sarili dahil para saan pa't hindi nalang isantabi ang aking paghihirap kong kaya naman itong tiisin?.

Iniwala ko muna ang sarili sa mga isipin na hindi naman na dapat pang isipin. Kung tapos na ay tapos na. Wala na kaya kalimutan nalang ito.

Iniayos ko ang mga ipinasang proyekto ng mga estudyante ko at itinabi na muna, hindi ko muna ito sa kanila ibabalik dahil tinatamad pa akong dalhin ang mga ito.

Nagtuturo ako sa Unibersidad ng Camarines Norte State College. Ang aking subject ay Arts. Simula bata palang ay nakahiligan ko nang magpinta. Hindi ako lumaki na mulat sa maraming pera at may bahay na malaki. Dahil ako lamang ay galing sa munting ampunan, doon na ako lumaki at nagka isip dahil walang nagtangkang umampon sa akin, ayos lang din yon dahil hindi ko kailangan ng mga magulang na magbibigay ng pagmamahal sa akin sa mga oras na iyon.

At nang nasa tamang edad na ako ay naghanap ako ng mapagtatrabahunan ko para may pang buhay ako sa sarili ko at nang may pang paaral ako sa sarili ko. At nang nakaahon ako sa sarili kong paghihirap ay napalitan ng kasiyahan iyon dahil sa kanya at sa pagsisikap kung makapagtapos.

Napailing nalang ako at tsaka pinaandar ang sasakyan.

"Magandang umaga, Binibini.."

Ngumiti ako at tumango bilang pagbalik bati sa kanila, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng guro dito sa paaralang ito na nais kong ipatawag sa mga estudyante ko sa akin ay binibini dahil maganda iyon pakinggan.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay naramdaman kong may tao sa aking likodan.

"Binibini, nais ko lang po na magtanong.."

Tumango ako at iniwan ang ginagawa ko sa aking lamesa.

"Ano iyon?.."

"Di ba po ay may ibinigay ka sa amin na palaisipan at sa oras na malaman namin ang siyang kahulugan nito ay magagawa nanamin itong ipinta?."

Tumango ako sa kanya.

"Ngunit napakalalim ng palaisipan na iyong binitawan Binibini..."

Napahinga ako ng malalim at sinalubong ang kanyang mga titig.

"Sinadya ko iyon palalimin dahil sa oras na malaman niyo ang palaisipan na yon ay magpapakilala ako sa inyo ng pormal.."

Tumalikod na ako sa dalagitang may gusto pang itanong ngunit hindi na niya itinuloy dahil alam niya sa sarili niya na wala na siyang makukuhang sagot mula sa akin. Ngayon ay misteryo parin sa kanila kong ano ang tunay kong pangalan at pinili kong hindi ipakikila ang sarili dahil sa nais ko lamang gawin ito.

Nang narinig ko na ang pag ring ay siyang hudyat na sisimulan na namin ang pagkaklase.

Sa bawat magulong isipan.

At sa bawat pagkalito ng puso

Magagawa mo bang tuklasin kong ano ito?.

Magulong sistema, magulong puso at magulong isip ang siyang suliran na iyong dapat iwasan.

Habang binibigyan ko sila ng tula ay tila nagiging interesado ang kanilang mga mata.

Hindi sa lahat ng oras ay mga tekstura ang kailangan ituro sa larangan ng sining, kailangan din itong maiugnay sa mga palaisipan at kung ano pa man, dahil dito nabubuo ang isang portrait na may malalalim na kahulugan.

Minsan na akong nakagawa ng sarili kong sining na siyang kinikilala bilang pinakamagandang sining sa mundo, ngunit hindi nila kilala ang tunay na pintor non dahil wala sa bukabilaryo ko ang magpakilala. Hindi ko nanaisin na maging tanyag at kilalanin para pagsilbihan.

To be someone's last love is more important right?.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chaos LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon