A.T.U-28

4.6K 198 13
                                    

"Ahhhhhhhhhhhhhhh!!!" sigaw ko nang magsimula ang zip line ride habang hawak ko ang kamay ni Ezra.





Sa totoo lang, hindi talaga ako takot sa heights. Namumutla kasi siya kanina kaya ako nalang ang sumigaw para mawala ang takot niya. At mukhang effective naman dahil nakatingin nalang siya sa akin sa buong ride.






"Mahal, di ako marunong kumanta kaya wag mo akong tawanan ulit. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang sinisigaw ng puso ko." I gave him a heads up.






Fuck, this is the first time na kakanta ako sa harap ng kahit na sino. Hindi naman kasi maganda ang boses ko. Mas pasok pa nga akong rapper kesa singer. Gusto kong malaman niya ang laman ng puso ko sa kantang Forevermore.





Kung papalarin ako, gusto ko iyon yung maging themesong namin kapag kinasal na kami. Kasal na agad yung plano ko, hindi pa nga niya ako sinasagot.






"Take your hands off him!" I warned Brett when I saw him holding Ezra's wrist.






"Why would I do that? Sino ka ba?!" he blurted.





Sino nga ba ako kay Ezra?






Ano bang karapatan kong magselos?






Binigay ko kay Ezra ang dala kong payong at iniwan siya kay Brett. Basa na ako ng ulan pero di ako nakaramdam ng lamig. Pakiramdam ko'y manhid na ako. Nakatulala ako habang mabilis na nagmamaneho.
Nagulat ako nang biglang mag-overtake ang isang SUV sa harap ko mabilis ko naman iyong iniwasan at bumunggo ang kotse ko sa poste.






Akala ko ay patay na ako nang bigla kong narinig ang boses ng mahal kong umiiyak. "Mahal, gu-gusto kong malaman mo na sinasagot na kita. Alam kong huli na ako, pero tandaan mong hindi na ako ulit magmamahal kung di lang din ikaw."






Hindi ko na napigilang ngumiti. Kailangan ko pa palang maaksidente para sagutin niya ako. Kung alam ko lang ay sana dati ko pa sinadyang maaksidente.







"T-Talaga?! Gusto mo akong kasama dito sa bahay mo?" tanong ko sa kanya.






I wanted to clarify if I heard it correctly. Gusto daw niya akong makasama. I didn't expect to hear that from my love. Akala ko kasi, ako lang yung nangangarap na makasama siya sa pagtanda. Akala ko, di ako kasali sa mga plano niya. Sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya, napakaswerte ko dahil ako ang pinili niya...






"M-Mahal, I'm sorry." Ezra said, looking guilty.






Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan nung mapanood ko ang video na kahalikan niya si Brett. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na trabaho lang yun pero, alam kong hindi lang trabaho ang nasa isip ni Brett. Alam kong mahal niya rin si Ezra.







"M-Mahal, maniwala ka sa akin. Hindi kita magagawang lokohin." pagmamakaawa niya.






"Mahal, sawa na ako. Sawa na akong nakikita na napapalapit ka sa lalaking yon!" sigaw ko sa kanya. Matagal ko na itong gustong sabihin at ngayon ko lang nasabi.






"I think it's time for you to stop with modelling. Mahal, ano bang kailangan mo? Bahay? pera? pagmamahal? Lahat kaya kong ibigay sa'yo." I know I'm being unreasonable. Pero ang hirap sa akin na nakikita siyang napapalapit sa lalaking iyon. Hindi malabong magkamabutihan sila at mahulog sa isa't-isa. At kapag nangyari 'yon, maiiwan na naman ako.







"You know what? Let's break up. Baka di talaga tayo para sa isa't-isa." Ezra said while looking at my eyes.







Simula nun, bumalik ako sa dating ako. Nag-party ako, nag-club at nambabae ulit pero siya pa rin talaga. Kahit anong gawin kong paraan ay hindi ko magawang makalimutan siya. Natapos ko ng gawin ang dream house niya pero hindi na siya nagpakita sa akin.








Iniwan niya ako ulit.






"Dad, here's Valerie. My fiancee." I said while holding the waist of my ex.







My dad is suffering from Lung Cancer stage 4. He said that he wants to see me get married before he leave this world. My mom suggested Valerie as my fiancee kaya pumayag nalang ako. Inamin ko kay Valerie na hindi ko na siya mahal at sinabi niyang subukan daw namin, dahil baka magustuhan namin ang isa't-isa. She's a nice girl. Maganda, matalino at sigurado akong mahal ako pero, hindi ganon ang nararamdaman ko para sa kanya.







Yung tanging laman ng puso ko hanggang ngayon ay si Ezra pa rin.







I couldn't help but to feel proud when he started to have his own clothing brand. Hindi ako kumakanta pero ginawa ko para sa kanya noon. At ngayon pati pagsho-shopping sa sarili niyang shop ay ginawa ko na. Gusto ko siyang suportahan kahit sa maliit lang na bagay.






Hindi na rin nagtagal ay iniwan na kami ni dad. I don't remember having a serious conversation with him before but, it happen the day before he died.






"A-Anak, I may not be a good dad but I know when you're happy and when you're not. Hanapin mo yung taong nagpasaya sa'yo dati. Yung taong totoo mong mahal hangga't hindi pa huli ang lahat. Wag kang gumaya sa akin na hanggang ngayon ay umaasang makita siyang m-muli." he advised while keeping his eyes open to see me.






Dad was badly in love with Terrence's biological mother. He and my mom are forced to marry each other because of a business deal. I know my mom truly loves dad at nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang umiiyak tuwing gabi. Sadyang hindi matuturuan ang puso kahit gaano pa katagal kung mayroon na itong ibang tinitibok.






Nung narinig ko yun kay dad ay mas lalo akong nagsumikap to be a better man for Ezra. Gusto kong maging proud din siya sa akin. Gusto kong ipagmalaki niya ako gaya ng ginagawa ko sa kanya.






This time I'm willing to support him no matter what.






Starting from now, I'm willing to chase him again.







I made an oath to myself that I will attain the unreachable.







I will win you back, mahal. That's my number one goal.






---------

🌈💅

Attaining The Unreachable (Crossing The Line Series 2) ✅Where stories live. Discover now