Kabanata 1

5 0 0
                                    

Kabanata 1

"Kain ka muna 'nak ng almusal bago ka pumasok sa school." Sabi ni Nanay habang tinuturo ang lamesa na puno ng masarap na pagkain na niluto niya para samin.

"Wow naman sarap ng almusal natin!" So yummy. My favorites!

Maraming nakahanda sa lamesa kahit na tatlo lamang kaming kakain. May hotdog, fried rice, at may pandisal din! 'Di mawawala ang paborito kong tortang sardinas. Masarap magluto si nanay. 'Di lang masarap kung hindi, sobrang sarap.

Favorite ko lahat ng luto ni nanay. Kahit pa piniritong hotdog or egg lang ang iluto ni nanay ay favorite kona. Basta luto ni nanay. Mapa-prito, nilaga, inihaw, o ano pa mang luto. Masarap! Basta luto ng nanay kong pinakamaganda sa buong mundo. The best!

Super sarap niya magluto makakalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo luto niya.

Si Tatay ay tamang pandesal at kape lang. Si nanay naman ay may kape rin pero kumakain siya ng kanin. Ako naman ay ineenjoy ang pagkain na niluto ni nanay.

Ang inumin nila ay kape sa 'kin naman ay Milo.

Milo everyday.

Sabi nga sa patalastas ng milo, mag Milo everyday.

Yummy yummy milo. Simula pagkabata ay hindi ako umiinom ng gatas. Ewan ko ba. Sabi ni nanay at tatay noong baby palang ako hindi ako umiinom ng gatas. Gatas lang ni nanay ang iniinom ko. Mas maganda na 'yon. Mas masustansya ang gatas kapag galing sa ina. 'Yun ang sabi nila.

"Mmm! super delicious," I said while eating the fried hotdog together with the fried rice. Yummy yummy.

"Ganyan na rin ang ulam mo sa lunch mo Aryan." pag-inform sa 'kin ni nanay.

Ako naman ay napaisip kung ano ang tinutukoy ni nanay. Kaya naman pagkatapos ko sumubo ng sinangag ay tumingin ako kay nanay habang nginunguya ang pagkain ko.

"Ang alin po 'nay? Itong hotdog? Or itong tortang sardinas?" Tanong ko kay nanay. "Hindi bale parehas ko naman pong gusto ito." sunod kong sinabi pagkatapos ko magtanong at nagpatuliy na ulit sa pagkain.

"Hmm, hulaan mo ulam mo." Nanghahamong sabi ni nanay. Paulit ulit niyang tinaas baba ang kanyang kilay sa akin.

Ano ba naman tong si nanay. Mukha ba akong manghuhula? Grabe si nanay sa 'kin ah. Kapag to nahulaan ko dadagdagan niya dapat ang bagon ko. Naku ka talaga nanay ha.

"Kapag Hotdog ang ulam ko, dadagdagan mo ng 10 ang baon ko nanay. Kapag tortang sardinas naman ay 15 ang idadagdag mo!" Nanghahamong ko ring sabi kay nanay at ginaya ko ang pagtaas-baba ng kanyang kilay.

"Aba napakadaya mo naman ata sa nanay mo Aryan." Singit ni tatay habang tumatawa.

"Oh sige 'tay ikaw nalang magbigay." sabi ko sa kanya at tinaas baba ang aking mga kilay. Si nanay naman ay natatawa sa aming dalawa ni tatay.

"Your tatay is right Aryan. Mapa-Hotdog or Tortang sardinas ang ulam mo ay ikaw ang panalo ah. Ang galing namang pustahan yan." nanay said and she laughed out loud.

Si tatay ay patuloy sa pagkain ng pandisal. Ang ibang kinakain niyang pandesal ay nilalagyan niya ng kaunting hotdog, ang iba naman ay tortang sardinas. Pero mas madalas ay sinasawsaw nalang niya sa kaniyang mainit na kape.

Kill 'em with kindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon