*Gem's POV.
"Dad! Pwede namang kami nila kuya ang sumabak sa ganung misyon! Hindi sila! Hindi ang kapatid ko! Ang kapatid namin!" Sigaw ko kay Dad.
"Axel. Anak. Hindi naman pwedeng kayo, kayo ang magbabantay sa estudyante dito." Sagot ni Dad.
"DAD. Hindi mo ba alam na mas delikado si Dria sa Mage Forest at sa mundo ng tao?!" Sabat ni kuya Stones.
"Stones, poprotektahan ng Mage Forest si Dria. Prinsesa siya. Hahanapin lang naman nila si Anna Mae Guevarra." Sabi ni Dad.
"Yun na nga Dad! Hahanapin nila si Anna na 'yon. Tapos ano? Malalaman mo bang ligtas sila pagbalik? Alam mo naman Dad kung anong pwedeng mangyari at kung sino ang pwedeng kumuha sakaniya! Dad nasa kanya ang Golden Diamond Crest. Nasa kanya ang Golden Gem. Dad! Maraming pwedeng kumuha kay Sapphire!" Pagalit na sabi ni kuya Blue Topaz.
"Tama ang desisyon ko. Wala na kayong magagawa, andun na sila. Kayang proktektahan ni Sapphire ang sarili niya. Isa pa, wala ba kayong tiwala kay Sapphire? Kapatid niyo siya kaya niya na ang sarili niya." Sabi ni Dad.
"That's not the point here Dad. Si Sapphire pwede siyang malagay sa panganib!" Sabi ko.
"Axel." Sabi ni Dad sabay iling.
*Third-person's POV.
Naglakad lang ang walo hanggang sa may makita silang maliwanag na parte di kalayuan sa kanilang kinatatayuan. Walang nag-salita dahil pagod sila kaka-lakad. 'Eto na ba'yon?' Sa isip ng walo.
Naglakad sila papalapit sa ilaw na 'yon at nakakita sila ng kalsada at mga sasakyan.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi pamilyar ang apat na dalagita sa dinadaanan nila? Na lagi naman silang pumupunta sa Mansion ng mga Lee? Simple, dahil sa kabilang pintuan sila lumabas, at yun ay ang Mage Forest. Iba ang daanan ang madadaanan sa Mage Forest. Iba rin ang lagusan 'don.
Hindi sila gutom, kundi pagod lang.
"Hindi na 'to parte ng Mage Forest kaya dito muna tayo magpahinga. May puno ako na nakita na pwede nating gawan ng tree house, na kasya sating walo." Sabi ni Amethyst.
Kung wala na sila sa parte ng Mage Forest edi safe ang pito. Safe nga rin ba si Sapphire kung wala na sila sa Mage Forest?
Naglakad sila papalapit sa isang puno na limang gusali ang tangkad. Ikinumpas ni Amethyst ang kanyang mga kamay upang mag-buo ng isang malaking tree house. Tinulungan na rin siya ng kanyang Power partner na si Flora. Ng magawa iyon, agad silang umakyat sa taas.
"Ako na bahala sa mahihigaan natin, pati ang force field na proprotekta sa'tin." Sabi ni Sapphire.
Ikinumpas ni Sapphire ang kanyang mga kamay at nagbuo iyon ng mga maliliit na single beds at mga barrier para sakanilang walo. Sa mga bintana ay makikita nila na may nabubuong dome para litas sila sa panganib sa gubat na ito.
Hindi sila madaling matunton ng tao dahil ang puno ay tago mula sa siyodad.
"May pagkain ba kayong dala? Ngayon lang ako dinalaw ng gutom eh." Sabi ni Fire. *Grrrrrrmp* (tunog ng gutom na tiyan)
"Hahaha, halata naman." Sabi ni Emerald.
*Chuckle* -Sapphire
"Pfft." Pagpipigil tawa nila Amethyst at Crystal.
"Aish. Kailangan ko ng sagot, hindi tawa." Iritang sabi ni Fire sabay padyak sa tree house.
"Hooyy! Hinay hinay. Hindi tile na sahig yan. Kahoy lang yan." Sabi ni Amethyst.
YOU ARE READING
Magic Mages University
Teen FictionSapphire Lee, siya ang pinaka-mayaman sa grupong Four Wings (siya rin ang leader), meron siyang tatlong matatalik na kaibigan, si Sapphire ang nag-mamay ari ng school na Magic Mages University. Sila ang grupong napupuno ng cold vibes pero maaari kay...