I'm Margaretta Leonell, famous, beautiful and rich. Iniidolo at hinahangaan ng lahat. Everything seems so easy to me. I can get what I want, whenever I want. Except for one thing, that is to be loved by someone I love.
He is Angelo Grey, snob, smart and a nerd. Top of his batch. He isn't the kind of guy na mahilig sa mga relasyon. May pagka suplado. He can do everything if only if he wanted to.
And yeah, as cliche as it may sound but I fell in love with him. Some would think na dapat ay sa kagaya ko rin ako mainlove. But no, there is something about him that draws me in.
The bad news is that he doesn't like me as in literally. As a person. It hurts. Worse, iit is rumored that he like someone else. Matagal na. His long time best friend, Lorraine. Siya lang din ang palaging nakikitang kasama ng lalaki. The way he talks, he laughs. Nakikita ko ang ibang side niyang hindi niya madalas pinapakita sa iba.
I always find a way to see him or even talk to him. Like for example, kunwari mabubunggo ko siya at may dala siyang libro. Tutulungan ko siya at mag so sorry. He is gentleman kahit na snob ay hindi siya nambabastos ng babae. Kaya madalas tatango lang siya at aalis na.
One time, sa sobrang disperada ko ay kinulong ko ang sarili ko kasama siya sa banyo ng mga lalaki. Don't get me wrong, wala namang kung anong nangyari. Sadyang masyado lang akong na fu- frustrate na hindi niya napapansin ang beauty ko. Ako na isang Leonell.
"Ahm. Sorry. May naghahabol lang sa akin," at kunwari ay nahihiya pa ako sa kaniya.
He just stare at me as if this is nothing to him. Pagkatapos niyang magpunas ng kamay ay pumunta na siya sa pinto at nilagpasan ako.
Sinubakan niyang buksan pero wala. Syempre plano ko to. Matagal tagal bago niya tinantanan ang pinto bago nagpasyang lumingon sa akin.
"Mukhang maghihintay pa tayo bago may gumamit ng Comfort Room."
Napatanga lang ako. Sa sobrang kalma niya ay parang hindi naman ako threat. Na parang hindi siya maakit kahit dalawa lang kami dito.
Katahimikan ang namagitan sa amin sa unang tatlumpong minuto, bago ako nagsalita.
"Congrats nga pala. Rinig ko nakapasok ka daw sa Delsan University," Tumikhim pa ako dahil natuyo ang lalamunan ko.
"Yeah, thanks."
Tumango-tango lang ako.
"Ahm.. ano," Hindi ko alam ano ang sasabihin ko. I feel like everything seems so surreal. Hindi ko alam kung kailan ulit niiya ako kakausapin kaya itatake advantage ko na ito. Kung kaya ko lang sabihin ang nararamdaman ko.
Tumingin siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.
"K-kayo b-ba ni... L-lorraine..?"
Ni hindi ko kayang tignan siya pabalik. Init ng pisngi ko. Para akong matutunaw.
Bago pa siya makasagot ay bumukas na ang pinto at pumasok ang isa sa mga classmate niya. Nagulat pa ito sa nakitang tagpo.
Halos hindi pa nakakapagsalita ay linagpasan ko na siya at lumabas.
Nagmamadali ako pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang nang makita ko si Lorraine. Nagulat siya dahil nakita niya ako mula sa Men's CR.
"Na sa loob ba si Gelo?" Nakabawi siya ng tanungin niya ako.
Tumango lang ako at linisan ang lugar.
Hindi ko alam bat ako nasasaktan pero, sa isiping may relasyon sila, na mahal na mahal nila ang isa't isa kaya malaki ang tiwala nila sa isa't isa at wala dapat ipagselos si Lorraine. Kahit na makulong pa kami ni Angelo sa isang room ng napakatagal.Gusto kong tigilan ang kahibangan ko na ito. Sana kaya ko nalang pakawalan ang nararamdaman ko.
Three days. It's been 3 days simula ng mangyari iyon. And it's been 3 days at iniiwasan ko lahat ng maaaring daanan niya o nilang magkaibigan. I miss him but I don't want to see him yet, Im not ready. I have to start on something if I want to forget about him.
And fate seems too cruel to me because that day ay talagang hindi ko siya maiiwasan. Of course, he is the President of student government in school kaya wala akong kawala dahil representative ako ng year level namin, kaya ending nasa meeting nila ako pero panay naman ang tago ko. Pero maiitatago mo ba ang gandang to?
Sa loob ng halos dalawang oras ay panay ang hanap niya ng aking tingin.
Hindi ko alam kung bakit. Kaya naman ng natapos na ay isa ako sa mga naunang lumabas. Lakad takbo ang ginawa ko."Margie!" May tumawag pa sa akin pero di ko na nilingon.
That was the last day na nakita ko siya. He became busy. Kasi ga-graduate na siya at marami siyang inaasikaso.
For days my life seems so dark. I'm brokenhearted. Pero hindi ang araw na iyon.
Graduation, bawat isa ay busy dyan, dito. Picture doon. Picture dito.
Pumunta ako dahil gusto ko ibigay ang gift ko for the last time. A watch.Pero ako ang nasupresa ng bigla sa open area ng campus ay nakatayo siya at may megaphone.
"Margie! Margie!"Panay ang libot niya ng tingin hinahanap ako. I'm sure ako yon. Ako lang naman ang may neckname na ganon.
Lumabas ako sa kumpol ng mga tao. Napatingin siya sa akin. The people made a circle, with us at the center.
"Hey," And for the first time ngumiti siya sa akin. Gusto kong maiyak.
"Congrats," Ngiti ko rin at naiiyak na talaga.
Lumapit siya sa akin. Sabay bigay ng bulaklak na ngayon ko lang napansin. Binaba niya ang megaphone.
"For you,"
Tinanggap ko iyon at sabay bigay din ng regalo ko.
"My gift."
Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa gift. Inalis niya ang gift at hinawakan ng buo ang aking kamay. Tuluyan nang nahulog ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil. I'm so overwhelmed with my feelings for him.
"Bat ka umiiyak?" He chuckled.
"Tseh!" Hinampas ko siya ng bulaklak na bigay niya.
He chuckled. Hinila niya ako at niyakap.
"Why are you crying? Hindi pa naman ako nagsasalita."
"Yabang."
"Baby, I've been so inlove with you, and you don't even know that. Hindi ba dapat ako ang umiiyak ngayon," At nagawa niya pang tumawa. Kumalas siya sa yakap at hinanap ang aking tingin. Nahiya ako kaya hindi ko siya pinagbigyan. Nanatili akong nakatingin sa sahig.
"Ikaw ba? Ako lang ba nakakaramdam nito?"
Hindi ko rin natagalan dahil panay ang sigawan ng audience namin. Sa huli ay tumingala ako sa kaniya.
"Hindi pa ba obvious? Hindi naman ako iiyak dahil lang sa bulaklak."
He just stared at me. Maya't maya ang punas niya sa pisngi ko.
"Angelo Grey, I love you so much!"
And we live happily ever after.
Di joke lang. Moment ko lang iyon, day dreaming kasi ang talent ko eh. Ang totoo ay isa akong taong hindi pansinin dahil una panget ako pangalawa hindi naman ako kailangan ng mga tao sa paligid panghuli hindi naman ako matalino para maging popular.
Ang totoong pangalan ko ay Margreth Elize Rivera.
