Chapter 2: In The Middle Of The Forest
Nicole Jane’s POV
I only have forty minutes left before my first class starts. Kaya naman ay dali-dali akong nag-asikaso pagkapasok sa kuwarto ko. Hindi ko muna tinanggal mula sa maleta ang mga gamit ko dahil wala na akong oras para isalansan pa ang mga ito. Kung bakit naman kasi saktong unang araw pa ng pasukan nila ako dinala rito.
I am now standing at the side of my bed with my arms crossed, staring at the necklace and bracelet lying down on it.
May isang kama pa na nandito na malapit naman sa bintana ang puwesto. Kaya nasisiguro ko na dalawang estudyante ang maaaring umokupa sa iisang kuwarto. Pero mabuti na lang at kahit papaano ay wala pa akong kasama rito.
“Kahit ano pa ang mangyari ay wag na wag mong tatanggalin ‘yan.”
“That will serve as your protection, so you must always wear it.”
Hanggang ngayon ay tila naririnig ko pa rin ang mga paalala nila sa ‘kin na hindi ko lubos na maintindihan kung para saan ba.
But I just realized. If these two were really that important, then I shouldn’t wear it and just keep it in a safe place instead. Because I just might lose it in the end.
Napangiwi naman ako nang muling tumuon ang mga mata ko sa bracelet na ibinigay ni Butler Lin. Sa totoo lang, ang isa pang dahilan kung bakit ayaw kong suotin ito ay nang dahil sa weird na design ng pendant nito.
So in the end, I just have decided not to wear both of it. Itinago ko na lamang ang mga ito sa pinakaibabang bahagi ng cabinet at saka ni-lock. Pagkatapos ay pinasadahan ko ang sarili sa harap ng isang full-length mirror para sa huling pagkakataon.
“Kahit ang kulay ng uniform nila ay kakaiba. Mabuti na lang at cool sa ‘kin ang kulay itim,” pagkausap ko sa sarili habang inaayos ang bahagyang gusot sa palda ko.
Kulay itim at puti ang above the knee at checkered na palda. Habang ang coat naman ay kulay itim din na napapalooban ng long sleeve na puti. Mayroon din itong kulay pula na ribbon.
Naglagay lang ako ng polbo at liptint bago inilugay ang wavy at light blonde kong buhok na hanggang beywang ang haba.
When I’m finally satisfied with my looks, I took my bag and the list of my schedule, then went off.
Sa totoo lang ay puwede naman daw akong mahuli sa klase ngayong araw. Ayon na rin sa sinabi sa ‘kin ni Butler Lin kanina dahil kadarating ko lang din naman. Pero ayoko naman ng ganoon.
Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay siya ring pagbukas ng sa katabi kong kuwarto sa kaliwa. Pareho kaming natigilan nang magtama ang aming mga paningin. Hanggang sa unti-unting kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa ‘kin.
Then suddenly, a smile slowly formed on her lips as she waved her right hand on me.
“Hello! You must be the new student!” she greeted cheerfully.
“Well, I guess so?” alanganin kong sagot dahil hindi rin naman ako sigurado kung ako nga lang ba ang bagong estudyante rito.
Natawa naman siya. Nagkibit balikat lang ako at nagsimula ng maglakad. Akmang lalampasan ko na siya dahil wala naman akong balak na makipagkuwentuhan sa kanya nang bigla siyang humarang sa daraanan ko.
“Wait!”
Tinaasan ko siya ng kilay. “What?”
She started to walk towards me, then extend her right arm. “By the way, I’m Mikan. You are?”
![](https://img.wattpad.com/cover/36072757-288-k678368.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Published) ✓
VampireVampire Prince Series #1: Marrying the Vampire Prince (Completed | Published) Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But even though she has the privilege to do whatever...