Chapter 43: One Fine Day
Nicole Jane’s POV
“Ate! Let’s go to the mall!”
“Kaya nga. Please, Ate!”
Exam week has just ended. Katatapos lang ng pinakahuli naming exam at pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng classroom ay nagulat na lang ako nang makita ang dalawang makukulit na prinsesa na ‘to.
I looked at Kyle over my shoulder. Bakas sa mukha niya ang pagkairita. Gusto kong matawa sa hitsura niya pero pinipigilan ko lang.
“Can we? Maaga pa naman, eh. Isa pa ay hindi naman kami magpapagabi masyado.”
The two princesses gave him a puppy eyed look. Kyle heaved a deep sigh and glared at them. “Fine. Pero sasama ako.”
“What?” they both shouted.
Natampal ko na lang ang noo ko. Pasaway talaga kahit kailan. Pero napangiti ako nang may biglang maalala.
“Kyle, wag na. We can manage. Besides, I was thinking of giving Kuya Gino a call so that we can hang around as well.”
Tama. Tutal ay lalabas na lang din naman kami ay pagkakataon ko na rin ito para makasama naman ang kapatid ko.
Mula kasi noong bumalik siya rito at ipinakilala sa ‘kin ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon pa para mag-bonding. Naging abala rin kasi ako nitong mga nakaraan at ganoon din siya dahil tumutulong na siya sa negosyo ng pamilya.
Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Kyle at napatango. “Right. I will not ruin your day then. Just please come back at least before nine in the evening or else...”
I raised my brow and crossed my arms. “Or else?”
He winked at me. “You’ll be severely punished. And I swear that you’re going to like it and scream for more.”
Nanlaki ang mga mata ko at marahas akong napalinga sa paligid. Nang mapansin ko na nasa amin na naman ang atensyon ng lahat ay mahinang hinampas ko siya ng libro sa braso.
“Ang bibig mo talaga kahit kailan! Tatahiin ko na ‘yan, eh!”
Tinawanan lang ako ng loko. Napangiwi naman ako nang makita ang reaksyon nina Miley at Rei. Are they blushing?
Habang si Hiro naman ay nakangisi lang at si Kira ay tila walang ideya sa nangyayari. So never mind.
Oh, hell. This is all Kyle’s fault and his big mouth!
***
“Salamat, Ate! Sa wakas ay makakagala na ako ulit!”
I looked up at Rei from the rearview mirror. “No worries. Ang totoo niyan ay bigla ko ring namiss mamili at gumala.”
Magmula pa lang kasi talaga rati ay wala na akong ibang ginawa kung hindi ang mag-shopping. Besides, I have been so stressed these past few days, so I badly need to relax.
But this time, I’m really free to do it. Hindi katulad rati na palagi na lang mayroong nakabuntot sa ‘kin.
“Pero ayos lang po ba na kasama mo kami? I mean, kami nga po ang nagyaya. Pero you know, puwede naman po kayo mag-bonding ni Kuya Gino at humiwalay sa ‘min,” Miley said.
Napailing naman ako bago iniliko ang sasakyan pakanan at patungong siyudad. “No. Wag n’yo ng isipin ‘yon. The two of you are like my siblings anyway. That’s why you can treat Kuya Gino as your own older brother as well.”
“Thank you, Ate!” they both said cheerfully.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na rin namin ang pinakamalapit na mall. Dahan-dahan ko namang ipinarada ang sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/36072757-288-k678368.jpg)
BINABASA MO ANG
Marrying the Vampire Prince (Published) ✓
VampireVampire Prince Series #1: Marrying the Vampire Prince (Completed | Published) Nicole Jane Parker is an incoming grade twelve student who lives in luxury and enjoys her freedom as much as she can. But even though she has the privilege to do whatever...