Chapter 22

203 2 1
                                    

Elle's POV

Nagising ako ng maaga at nag-impake gamit. Oo, aalis ako. Kailangan kong lumayo muna pagkatapos ng mga nalaman ko.

Nagsinungaling si Mama sa mga bisita na nagkaroon ako nga 'dalaw' at sobrang sakit ng puson ko kaya hindi na ako bumababa pagkatapos magkulong sa kwarto. Ilang beses pa ngang nagtangkang pumasok si Louis sa kwarto pero mabuti naman at napigilan siya ni Mama. Natatakot na ako kay Louis dahil sa nalaman ko. Alam kong hindi niya naman yun sinasadya pero hindi ko maiwasan na matakot sa kanya.

Gumuwa ako ng isang letter at iniwan ito sa mesang katabi ng kama. Para ito kay Mama at sana siya lang ang makabasa. Ingat akong lumabas ng mansion at naglakad at humanap ng taxi. Nagpahatid ako sa bus terminal at sumakay ng bus papunta sa probinsya ng Lola ko. Gusto ko munang magkaroon ng tahimik na buhay.

"Apo, hindi ko inaasahan na bibisita ka pala" sabi ni Lola nung dumating ako. Nagmano ako sa kanya

"Gusto ko lang naman po makatakas muna sa stress" sabi ko at ngumiti pero hindi ko alam kung totoo ba yun o hindi

"Teka, alam ba 'to ng nanay mo?" tanong niya.

"Alam niya po" Pero hindi niya alam na dito ako pumunta.

"Oh sige. Dun kana magpahinga sa katabing kwarto namin ng Lolo mo" at tinuro ang isang pinto. Pumasok na ako dun at nahiga sa matigas na kama. Pumasok muli sa isip ko yung mga nalaman ko kagabi at naiyak muli. Di ko namalayan na nakatulog ako.

"Elle, lumabas kana diyan at kakainin na tayo ng hapunan" sabi ni Lola sa labas. Bumangon na ako at inayos ang itsura saka lumabas ng kwarto.

"Anong nangyari sa mata mo, apo?" tanong ni Lolo. Nagmano ako sa kanya saka umupo.

"Antok pa po kasi ako eh, hindi po ako nakatulog sa byahe. Marami na po kasing pasahero" sabi ko at kumain na

"Oo nga pala, Huwebes Santo na pala bukas"

"Kailan ba susunod dito ang mama at kapatid mo?" Napatigil naman ako nang magtanong si Lola.

"Ang totoo po kasi niyan eh..."

"Lumayas ka ba?" pagputol ni Lolo sa sasabihin ko. Yumuko ako.

"Hindi naman po sa ganun" pagpapaliwanag ko

"Ayos lang yan, apo. Naiintindihan naman kita" sabi ni Lola. Hindi pa nga ako nakakapag-explain eh, pero ayos na yun.

"Pero sabihin mo sa nanay mo na nandito ka. Baka mag-alala yun" sabi niya pa

"Opo" at tinapos na namin ang pagkain. Pagkatapos nun ay naghugas na ako ng pinggan.

"May ipapakilala pala ako sayo Elle bukas. Sa palagay ko'y pwede kayong maging magkaibigan" sabi ni Lola. Pumayag nalang ako. Pagkapasok ko sa kwarto ay tinext ko si Mama na nandito ako kila Lola pero nagmakaawa ako na wag niyang sasabihin kahit kanino, kahit kay Louis. Kailangan ko muna ng time and space.

*1 month later*

"Elle, may sasabihin ako sayo" seryosong saad ng lalaking nasa harap ko. Nandito kami ngayon sa strawberry farm ni Lolo't Lola

"Ano yun?"

"Nafa-fall na ata ako sayo" sabi niya sabay kamot sa batok niya. Ang cute haha, wait WHAT?!

"A-ano?!"

"Nahuhulog na ako sayo!" sabi more like sigaw niya

"Ah..Ba..Ka..Da.." sabi ko habang iniisip kung ano ang isasagot. Napatingin naman ako sa nasa tabi namin. Kinuha ko yun at...

The Inside JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon