Chapter 1

573 8 0
                                    

ELLE MONTEVERDE'S POV

Nandito ako ngayon sa mall with my boyfriend, si Louis Collins. As, usual naka-disguise nanaman kami para hindi kami makikilala ng mga tao. One year na kami pero aaminin ko mahirap magka-boyfriend ng isang celebrity. I mean DUH, ang gwapo and hot kaya ng boyfriend ko! He's so sweet, handsome at nasabi ko na bang HANDSOME siya? Ghaad. Ang ganda ko talaga!

"Si Louis Collins ba yun?" tanong ng isang babae habang nakaturo sa kasama ko ngayon.

"Di ko alam friend eh, pero may hawig nga siya kay Louis" sabi naman nung isang babae

"Oh well, ang gwapo kasi niya baka kamukha lang. Alam mo na, ginagaya siya ng mga lalaki ngayon" sabay lakad nila papalayo. Oh see? Hindi madedeny na gwapo nga ang boyfriend ko.

"Babe, do you want to go elsewhere?" tanong ng boyfriend ko.

"Bakit?"

"People are staring at us. Its creeping me out at baka makilala nila tayo at saktan ka nila" Aww. Concerned ang boyfriend ko.

"Ayos lang, basta kasama kita" sagot ko naman. Masyado bang corny? Mainggit nalang kayo!

"Ang corny mo talaga babe" he pinched my nose. Ghaad. Kinikilig ang lola niyo!

"Teka babe, may ice cream ka sa gilid ng labi mo" Kumakain kasi kami ng ice cream ngayon at HHWW ang drama namin. Pinahiran niya yung gilid ng labi ko sabay subo nung daliri niya. Namula naman ako sa gawi niya.

"Namumutla ka babe! Dali, hahalikan kita para mamula ka sa kilig" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa labi niya. Namumula na nga ako, he's gonna make it worse pa! Eto na ba 'yun? 'Yung first kiss namin?

5 inches.....

4 inches....

3 inches...

2 inches..

Ayan na, hahalikan niya na ako!

1 inch.

.

.

.

.

.

"Elle" kumunot yung noo ko. Nag-iba ata yung boses niya.

"Hmm?" Ang tagal niya naman!

"HOY MARIA ELLE MONTEVERDE! BUMANGON KA NA DIYAN AT PAPASOK KA PA!" Nabalikwas ako ng bangon sa kama at nakita ko ang tita ko na namumula sa galit. Di ko maintindihan ang tita kong 'to kung bakit palagi niya akong sinisigawan. Siguro epekto ng pagiging menopause niya.

"Opo!"

"Tama na kasi sa kapapantasya sa crush mong artista. Kahit makita ka nun, hindi ka pa rin rin papansinin nun!" at umalis na si Tita sa kwarto ko.

"Ate, wag mong paniwalaan si Tita. Kapag nakita ka ni Louis Collins, maiinlab agad yun sayo. Hindi lang ngayon kasi ang haggard ng itsura mo" sabi ni Yssa, kapatid ko. Binato ko siya ng unan ngunit nasalo niya ito.

"Che! Lumabas ka na nga at maliligo ako!" Dali-dali naman siyang lumabas ng kwarto. Kumuha na ako ng undergarments at pumasok na sa banyo.

Ako si Elle F. Monteverde. Complete name? Maria Elle F. Monteverde. 'Wag niyo nang isali ang Maria, nasisira ang ganda ko. I'm 22 years old at graduating student sa Olympus Academy. Culinary Arts ang kinuha kong course dahil mahilig akong magluto ng kung ano-ano. Akala ko madali lang yung pagiging college student pero ghaad napepressure ang beauty ko! Anyway, yung babaeng sumigaw kanina ay ang Tita Andrea ko. Siya yung kumupkop sa aming magkapatid simula nung iniwan kami ng nanay ko. Hindi naman madrama ang life ko. Hindi naman siya yung tipong nawalan kami ng parents at inaapi ako nung kumupkop sa amin. Nasaan ang nanay ko? Aba, di ko alam. Ang pagkakaalam ko ay nagtatrabaho siya sa bang bansa para lang makapagtapos kami ng pag-aaral. Yeah, nagpapadala siya pero di ko feel eh. Galit ako sa kanya. I mean, naaalala niya pa bang umuwi dito sa Pilipinas para sa dalawa niyang magandang anak? Psh. Yung tatay ko? Patay na daw eh.

About naman sa aking love life hihi. May boyfriend ako, si Louis Collins, ang pinaka-HOT at pinakasikat na artista sa Philippines. Ang masaklap lang kasi ay boypren ko lang siya sa panaginip ko. Pero hindi ako nanawalan ng pag-asa noh! Makikita ko rin in person si Louis my labs at sisiguraduhin kong mala love at first sight siya sa akin! Just imagine, picture naming dalawa ang nasa front page ng newspapers at headline sa TV na ikakasal na kami. Edi magiging Elle Monteverde-Collins na ang name ko, ang ganda 'di ba? Of course, maganda rin kasi ako.

"Tama na bes sa pagpapantasya, maligo ka na at baka malate pa tayo" sabi naman ng isang boses sa labas ng banyo. Siya ang bestfriend ko, si Alexis Reyes. Maganda rin siya (pero walang tatalo sa ganda ko noh), medyo kinulang nga lang sa height hihi.

"Oo na" sabi ko naman at naligo na.

After five minutes, natapos na rin ako. Aabutin ko na sana yung towel ko pero... Ano ba yan!

"Bes.." binuksan ko ng bahagya ang pinto para marinig niya ang boses ko. Ganito ba talaga ang epekto ng pagiging maganda? Nagiging makalimutin? Connect niyo guys bilis haha.

"Oh eto. Laeche, bawas-bawasan mo na kasi ang kakaisip sa Collins na yan!" pagsesermon niya sa akin sabay abot ng isang towel. Sinarhan ko naman ulit yung pinto at saka nagbihis.

"Don't worry bes. Tiwala lang, matutupad rin yung dreams ko at kapag natupad yun ikaw ang gagawin kong maid of honor sa kasal namin hihi"

"Talaga bes? Waah pramis mo yan ha! Te-teka, wag mo nga akong isali sa mga kalokohan mo!" bulyaw niya sa labas at napatawa na lang ako.

---

The Inside JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon