PROLOGUE

5 0 0
                                    

"CRINGCRINGCRINGCRING—"

*Phone Ringing.....*
.
.
.
.
.
*Phone Ringing.....*

Arghhh disturbo naman oh, kitang ma'y natutulog, ARGHHHH!!! inaantok pako

"Hmm—"

["HOY BABAE, PAPASOK KABA O HINDI"] kaya nailayo ko ang tainga ko sa phone ko dahil sa lakas ng sigaw ng kaibigan ko

"Natutulog pak—"

["ANO!!!!"] arghhh sakit sa ears

["Hoy babae ka, tumayo Kana diyan galit na si sir Mannix sayo"] kaya dali-dali akong umupo sa kinahihigaan ko ng marinig ko ang pangalan ni sir

"Teka anong oras na?" Tanong ko sa kaibigan ko

["Dzaii alas syete nasa umaga nakahiga ka parin diyan"] sarkastikong sagot ng kaibigan ko kaya napatingin ako sa wall clock kung totoo nga ba ang sinabi ng kaibigan ko.

Hala patay!!!

"Ah eh—"

["Magbihis kana diyan"] sabi ng kaibigan ko hangang sa narinig ko ang boses ni sir sa kabilang linya, hala patay na'ko

["Ano Ms. Suarez ma'y plano kabang papasok o sisantehin kita?"] Galit na tanong ni sir Mannix sa akin kaya kinabahan ako kung ano ang isasagot ko

"Ahh s-sir a-ah p-papasok po a-ako" nautal utal kong sagot

["OH BAKIT WALA KAPA DITO!!!!!?"] Kaya nailayo ko ulit ang phone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni sir, ito na nga

"A-ah s-sir p-pasensya—"

["HAYY MS. SUAREZ BILISAN MO"] putol ni sir sa sasabihin ko kaya dali-dali akong tumayo sa kama

["Siguraduhin mong dadating yang kaibigan mo Ms. Hernandez kundi isisante ko siya"] rinig kong sabi ni sir sa kaibigan ko Kaya dali dali akong pumunta sa closet ko para magbihis

["Opo sir"]

Hayys

Bahala nakong wala akong ligo basta makapasok lang ako sa trabaho ko. Hayys buhay naman o bat ba kasi hindi ako gumising ng maaga?

["Hoy babae"]

"Ito na nga nagbibihis na" sabi ko sa telepono

["cge² bilisan mo hihintayin kita dito"] sabi ng kaibigan ko

*Call Ended*

ARGHHHH ang buhay ko ngayon masyadong fast.

Matapos akong magbihis, sinuklayan ko ang buhok ko gusto Kopa sana itong itali ngunit nagmamadali ako kaya siguro dun ko nalang itali ang buhok ko.

Pagkatapos kung suklayin ang buhok ko kinuha ko ang bag ko sa lamesa at dali-daling lumabas ng kwarto.

Ng makababa ako sa hagdan agad kung nakita si manang Fe na nagwawalis sa sala.

"Morning manang" bati ko kay manang Fe kaya napatingin siya sa akin

"Gising Kana pala, papasok Kana ba sa trabaho mo?" Tanong ni manang Fe sa akin kaya tumango ako at kinuha ang sapatos sa ilalim ng lamesa at umupo sa sofa

"Oo manang e"

"Ah ganon ba, teka ipaghanda muna kita ng makakain mo" akmang aalis nasi manang Fe ng pinigilan ko siya

"Wag na manang siguro sa karinderya nalang ako kakain, nagmamadali po kasi ako ngayon e" pagpigil ko sa kanya kaya matapos kong maisuot ang sapatos ko tumayo ako at humarap kay manang Fe

"Sige manang alis na ako" paalam ko kay manang Fe kaya tumango siya at inayos ang buhok ko

"O sige mag-ingat ka ha, at paalala lang huwag magpapalipas ng gutom" pagpapaalala ni manang Fe kaya napangiti ako dahil kahit kailan di niya talaga kinalimutan sabihin iyun sa akin

"Opo manang" Nakangiting sabi ko sa kanya saka lumabas na ng bahay.

Hayyyss late na talaga ako at sigurado ako sesermonan ako ni sir pagdating ko dun.

Ng makarating nako sa highway kong saan ako mag-aabang ng jeep agad akong pumara ng jeep, jeep ang gusto kong sasakyan papuntang trabaho kasi mura lang yung babayaran kumpara sa taxi.

"Para po manong" ng makababa ako sa jeep, tumakbo agad ako papunta sa kabilang side  pagkatapos tumakbo ulit. Bumaba ako sa jeep kasi subrang traffic as in subrang TRAFFIC  kaya naisipan kung tumakbo nalang baka sakaling makaabot pako sa trabaho ko kung hindi wala na.

Kaya kinuha ko ang phone ko sa bag ko para tingnan kung anong oras na ngayon. Arghhh late na talaga ako. Kaya nagpatuloy ulit ako sa pagtakbo.

Sa di-inaasahang pangyayari, ma'y nakabunggo akong tao kaya napaupo ako sa sahig

"Shit ang sakit" aray ang sakit ng puwit ko

"I'm sorry" pagpaumanhin nung nakabunggo ko pero diko siya pinansin kasi masakit nga yung puwit ko kaya kinuha ko yung mga papel na nahuhulog sa sahig. Yes mga papel na kailangan ko sa trabaho and it's important it's really important

"Late na nga ako mas lalo pakong late" bulong ko

Matapos kong kunin ang mga papel na nahuhulog sa sahig, tatayo na sana ako ng biglang nag-aya ng kamay yung nakabunggo ko. Ayy hindi pa pala siya umalis

"Come on get up" abay ang sungit, kaya tumayo ako gamit ang mga kamay niya saka tumingin sa kanya.

"Thanks" sarcastic kong sabi. Eh pano ba naman nakatayo lang siya di man lang ako tinulungan punitin yung mga papel, tsk. Ayan tuloy mas lalo na akong late kaya sana pagdating ko dun bibigyan ako ng chance ni sir.

Pero imbes na sumagot siya like 'your welcome', nakatulala lang siya habang nakatingin sa akin

"Sir"

"Sir"

"Sir" ano yun, na trauma?

Huhuhu late na talaga ako gusto ko ng tumakbo pero hindi ko kayang iwan tong lalaking toh pag ganito, i mean baka hindi na siya gagalaw or hindi na makagalaw ng dahil sa akin pero wala naman akong ginawa?

"Zyriah" mahinang sabi niya habang nakatingin parin sa akin

"It's you" di makapaniwalang sabi niya sa akin. Teka sa akin ba talaga? Eh ako lang naman ang kaharap niya? Tapos sa akin pa siya nakatingin

"Ako ba'y kinakausap mo sir?" Magalang kong tanong sa kanya. Mukhang expensive kasi siya tapos pormal yung suot parang papunta din siya sa trabaho niya and last ang gwapo niya, ang gwapo niya sa suot na tuxedo para siyang ano um CEO.

"It's really you" di makapaniwalang sabi niya sa akin kasi sa akin siya nakatingin

"Ahh sir sorry po pero kailangan ko nang umalis nagmamadali po kasi ako e" sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya kasi ang iniisip ko na ngayon ay ang trabaho ko, baka sisantehin na ako ni sir Mannix. Kaya nilagpasan ko siya wala pang dalawang Lakang ng hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

Ang lamig ng kamay niya

Saka ako tumingin sa mga mata niya. Ang ganda!! ang ganda ng mga mata niya

"I've been looking for you for 5 years, Zyriah" sabi niya kaya tinignan ko siya ng pagtataka. Huh? Sino ba yung Zyriah? Huhuhu late na talaga ako

"P-pasensya napo sir pero hindi Zyriah ang pangalan ko at syaka nagmamadali po ako sir sorry po" sabi ko at bumitaw sa pagkahawak niya sa kamay ko at nagsimulang tumakbo. All I think now is my job.

And who's Zyriah? Who's that Man?

_________________________________________

Who Am I? Where stories live. Discover now