GIANNE 💥 LARA (3)

3.5K 108 11
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

I'll never go far away from you... Even the sky will tell you... That I need you so... For this is all I know... I'll never go far away from you - Erik Santos (Please Reference the video above)

💖💖💖

Reloaded and Updated

💖💖💖

GIANNE

Hindi tumitigil sa kakaiyak si Gerald at nag-aalala na siya. Humihikbi pa rin ito kapag napapagod magpalahaw. Pagkatapos ay muling lalakas ang iyak kapag napahinga ng kaunti. Ilang ulit niya nang pinapahiran ng Orajel ang gums nito tulad ng bilin ni Lara pero hindi pa rin ito mapatahan ng tuluyan.

Hindi na siya nakapasok sa opisina nitong umaga. He missed two important meetings already. Susubukan niya na lang pumasok mamayang after lunch kung makakahabol siya sa mga pang hapon na meeting. He already contacted Gareth that he cannot come to work in the morning. Nakaintindi naman ang kapatid niya.

"Mama!!!" sigaw nito matapos ang mahabang paghikbi.

He looked at Yda helplessly. Kanina pa ito nakatayo sa may pinto at hindi din alam ang gagawin. Karga niya si Gerald at nasa kabilang bahagi sila ng kuwarto malapit sa bintana. "Si Lara ba ang tinatawag niya?" tanong niya sa yaya.

Mabilis na tumango si Yda.

Kinapa niya ang Iphone sa front pocket ng jeans niya at tumipa sa keypad habang panay ang iyak ng anak. "Hush baby, tatawagan natin si mama mo."

Bigla itong tumuwid ng upo sa hawak niya at tumahimik nang marinig ang salitang mama.

"Ah, you want her, huh! Let me see, sana ay puwede siyang lumabas sa trabaho niya." He waited for the other line to be picked up.

After about five rings ay saka sumagot si Lara. "Gianne?" came the sultry voice.

Natigilan siya sa reaksiyon ng katawan sa boses pa lang nito. It had been a long time since he felt this way upon hearing her voice. And he couldn't believe that he let that feeling slip away. Isa pa parang hindi niya matandaan na tinawagan nito kahit kailan.

Ang numero nito ay nakuha niya lang dahil nag-send ito ng group message sa group chat nila nang sabihin nitong nawawala ang cellphone nito at huwag maniniwala kung may magmi-message asking them things. After a few days, she got her simcard back dahil nag-request ito sa network ng bago at ipina-deactivate 'yong nawala. 

Ipinilig niya ang ulo para bumalik ang isip sa kasalukuyan. He composed himself. "Hey, hinahanap ka ni Gerald," maingat na sabi niya dito.

Itinapat niya ang phone sa tainga at bibig ng anak. "Mama Lala!" tawag nito kay Lara na humihikbi pa.

KUNG AKO NA LANG SANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon