KUNG AKO NA LANG SANA (FINAL)

3.8K 132 48
                                    

💕💕💕

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💕💕💕

I'd climb every mountain... And swim every ocean

Just to be with you.... And fix what I've broken

Oh, 'cause I need you to see... That you are the reason

-by Calum Scott and Leona Lewis

💖💖💖

LARA

"Hey." Pumasok si Gianne sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa at niyakap siya. "Why are you crying? Is there's something wrong?" He asked worridly. "Sabi ko na nga ba dapat pinaakyat ko dito si Cathy. Ayaw mo kasing magpaayos."

Umiling siya. Nabasa niya ang suot nitong midnight blue suit na nakapaibabaw sa puting long sleeves. He looked so good at dahil naka heels siya ay halos pumantay ang taas niya sa mga mata nito. She was in a midnight blue night grown with diamond strap and a slit on her left leg to match his attire.

Inilayo siya nito. "You are so beautiful. Papapakin ka na naman ng halik ni Gerald."

Natawa siya doon.

Inangat nito ng curved finger ang baba niya. "What's wrong?"

Lumingon siya sa kama. Naroon ang larawan na wallet size at ang binuklat niya na papel na may magandang mukha na hindi niya kilala.

Tumaas ang kilay ni Gianne at dinampot ang mga iyon. "Saan mo nakuha ito?" muli nitong itiniklop ang papel at inilagay sa loob ang larawan.

"Nalaglag ang wallet mo, no'ng damputin ko ay nakita ko iyan sa lapag."

"I see, akala ko ay naiwan sa kotse ang wallet ko." Nilingon nito ang wallet sa side table at kinuha saka ibinalik ang papel at picture sa loob. Isinuksok nito ang wallet sa likod ng suot na midnight blue pants. Niyuko siya nito at hinalikan sa noo. " Let's go, they are waiting." Hinawakan siya nito sa kamay at giniya sa pinto.

Hindi siya naglakad. "Gianne."

He looked at her. "Something wrong?"

"B-bakit ka may picture ko? At sino 'yong babae sa papel? Bakit kamukha ko?"

Bigla itong tumawa. "Huwag mo sabihin iyan ang iniiyak mo?"

Lumabi siya.

Bumalik ito at niyakap siya. "Okay, okay, geez! Five years ago ay binigyan ako ng daddy mo ng picture ninyo ni Lily. I just asked him kung mayroon siyang picture mo, I told him na gusto kong makita ka dahil isang taon na kitang hindi nakikita noon. I kept your picture and I lost Lily's. Three months ago napansin nina Mama at Papa ang pagkakahawig ninyo ni Hilda Koronel noong kabataan ng aktres. I printed her picture at pinagsama ko at ang picture mo."

KUNG AKO NA LANG SANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon