KATAPUSAN

1 0 0
                                    

Saan ko ba uumpisahan?
Uumpisahan ko ba sa pinagmulan?
O sa katapusan? Katapusan?
Ano nga ba ang meron diyan?

Kasi sa larangan ng pagmamahalan
Halos lahat ay napuntahan na yan
Halos lahat ay dumaan
Tuwang tuwa kahit alam na walang pupuntahan

Simulan natin sa una
Noong mga panahong ikaw ang kanyang inuuna
Kasi mahalaga ka
Hanggang sa mahalin mo siya

Oo mahalaga ka
Sa umpisa, sa simula, sa una
Hanggang sa pagsawaan ka niya
Hanggang sa iwan ka niya
Hanggang sa wala kanang halaga

Naaalala mo pa ba?
Yung mga panahong naiihi ka sa kilig?
Na parang nanginginig?
At puso'y di maintindihan ang pintig?

Parang mahika diba?
Niloloko kana
Tuwang tuwa kapa

Kasi masarap ang umibig
Nakakahibang ang himig
Nakakaadik ang pintig
Ng pusong pinukaw ng kilig

Kaya't sa bawat ngiti
Ay parang nagwagi
Ang umibig ay patuloy na pinili
Kahit alam sa huli ay maaring masawi

Hanggang kailan?
Hanggang saan?
Walang hanggan?
Walang kasiguraduhan
Kung may pupuntahan
Kung may katapusan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KATAPUSANWhere stories live. Discover now