" Shuta, ang baba na naman"
I sighed as i looked at my card. Hindi ko alam kung saan ba ko nagkulang at may mga subject akong bagsak. Hinulaan lang siguro ng teacher. Lumapit ako kay Zadie at tinignan ang card niya.
"Anyare sa Gen Math mo?" tanong ko na nagtataka. She got 81. " Gagi ireklamo mo yan! nagpapasa ka naman on time, bakit ganito ang mga grades natin"
"Naiinis nga din ako eh, sabi ni sir may absent daw kasi ako kaya ganito eh gago ba siya, siya nga puro absent hindi naman bumaba sahod niya" naiinis na sabi ni Zadie, i just took a deep breath and sit on my chair.
Tumingin ako sa paligid ko at hindi lang ako ang mukhang dismayado sa grade na nakuha namin. Ang iba sa kanila ay nagrereklamo na, samantalang ang puro kopya lang naman ay puro line of 9, with honor pa.
" Paano nagkaroon ng 94 si Weland sa Gen math eh puro kopya lang naman yun" naiinis na sabi ni Zadie, tinignan ko si Weland at kitang kita mo sa mukha niya ang saya. Kung ganon din naman pala sana ang kakalabasan ng pangongopya sana ginawa ko na.
Wala kaming ibang problema sa ibang subject ang taas pa nga nung iba eh sadyang sa Gen Math lang talaga kami nagkatalo, shuta pano na to? balak ko pa naman magengineer. Siguro hahanap nalang ako ng Engineer pag nagkataon.
Both of us are from GAS. Well sabi nila parang yun daw pinaka madali sa lahat ng strand pero parang hindi naman.
Lumipas ang buong maghapon ay lutang ako, wala ako sa sarili. Uwian na, tumayo ako at kinuha ang gamit ko.
"Tara Fora kain tayo" aya ko kay Zadie at tumango din siya. Nakakamiss yung mga kaibigan namin. Zadie and I transferred to a different school after junior high school, wala gusto lang namin ng bagong atmosphere, bagong paligid. Pero minsan nakakamiss nalang din talaga.
"May gwapong transferee daw sakanila sabi ni Irish" panimula ko. Napalingon siya sakin na nanglalaki ang mata.
"Gosh! Anong pangalan?" kinikilig na tanong niya.
"Chos, wala naman" sabi ko na ikinabusangot ng mukha niya at ikinatawa ko. "Andrei daw" pagpapatuloy ko.
"Apelyido?"
"Abuso ka na ah" sagot ko habang natawa. " Tanong mo sakanila, uso din kasi mag online eh diba?"
Tumango nalang siya sa sinabi ko at naglakad na kami papunta sa Fora Mall. Which is tatawid ka lang ay nandun ka na. Kaya minsan nakakasawa na din. Pumasok na kami at pumasok sa isang fast food chain, kakain na kami. Stress eating to be exact.
Nang makaorder na kami ay naghanap na kami ng mauupuan. Hindi pa ganun karami ang tao dito dahil karamihan sa uwian ng ibang school ay 4 at ang amin ay 2.
"Ano sa tingin mo?" tanong ni Zadie saakin at pinakita ang screen ng phone niya. Its a guy, may itsura kaya tumango ako.