" Happy 17th birthday, wynniee"
Inabot ko sakanya ang regalo ko na kinuha din naman niya agad. Hindi naman kamahalan ang laman nun dahil puro pagkain pero alam ko na masaya na siya dun.
"Nagabala ka pa!" tumawa siya at niyakap ako "Buti nakarating ka, gosh si Zadie nasaan? Jusq naliligo pa ata ang gaga pero sabi niya on the way na siya." reklamo niya habang tumatawa tawa.
Naglakad na kami papasok sa bahay nila, there's a lot of gift beside the table. I guess there's many people are invited too.
"Ano bhie? nabigay mo ba yung invitation?" tanong sakin ni wynn pagkaupo namin sa sala nila. Nasa labas karamihan ng tao dahil nandun ang handaan.
"Kanino? Yung crush mo sa STEM?" tanong ko. " Shuta ka te! Hindi naman kami close nun tapos ako pa inutusan mo, ewan ko kung pupunta yun basta nung nakasalubong ko siya inabot ko lang ako sabay alis"
Tumawa lang siya at hindi na nagtanong pa siguro mageentertain pa siya ng ibang bisita, kasi may dumadating pa. Si Zadie naman kanina pa sinabi na otw na daw siya, pero pakiramdam ko kagigising niya palang non.
Napa buntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Masyado ako feel at home dito sa bahay nila, connected pa sa wifi. I was scrolling on facebook when a message appeared.
Kendrick : Musta?
Ngumisi ako bago nireplyan, after niyang itanong kung kumain na ba ako ay hindi ko siya nireplyan.
Ashia: Ok lang naman. Ikaw ba?
After i sent that message it took a while after he seen it. Hindi talaga siya mabilis magreply na tao, ano?
"Asyaa!" napalingon ako sa tumawag saakin, si Zadie. Nahiya yung suot ko sa suot niya. Ako mukha lang nakapang bahay siya naman simple lang pero ang lakas ng dating, sanaol.
" Taray on the way na daw siya, 30 minutes ago" pangaasar ko.
"Hoy gaga! Traffic" sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Oo nga, traffic sa EDSA" tumawa nalang kami parehas. Nagpahinga lang sandali si Zadie at lumabas na kami, pinuntahan namin kung nasaan si wynn. Wynn is our friend since jhs, doon pa din siya nagaaral sa former school namin but we never lost connection with each other.
"Wala ka bang inimbitang gwapo?" tanong ko.
"Bukod sa crush ko wala ng iba pero bhie, akin yun" sabi ni wynn. Lumapit ako kung nasaan ang mga handa, wala pa yung mga bawas.
"Can you close your mouth, baka matuluan ng laway mo yan" rinig kong sabi ng lalaki sa likod ko. Hindi naman nakabukas ang bibig ko. Hinarap ko ito at nagulat ako ng makita kung sino yun. Yung lalaki sa jeep kahapon.
" Oh! Hi miss "pakealam mo" " he said and started laughing. Sinamaan ko siya ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/295583869-288-k52d62a.jpg)