"Joanna! Anong ginagawa mo riyan? Mag-uumpisa na ang orientation!" pukaw ng aking best friend na si Berli. Unang araw ng pasukan at kakalipat ko lamang sa bagong kolehiyong ito. Sa kadahilang, gustong makasama ang aking best friend kailangan kong iwanan ang aking dating eskwelahan na dalawpu't limang minutong layo sa kinatatayuan ko at kailangan ko ring dumalo sa isang nakakabagot na orientation sa loob. I am in second year college taking Bachelor of Science in Education. Napag-desisyonan kong samahan si Berli sa kanyang kolehiyo upang dito na rin magpatuloy sa pag-aaral; hindi ko kasi siya matiis. Araw-araw ang paghihikayakat niya sa 'twing siya'y bumibisita sa bahay namin upang magpatulong sa kanyang napakahirap na homework. Mula pa noong first year siya nag umpisang mag-aral dito, ayon sa kanya challenging daw ang mga classmate niya kahit hindi kalakihan ang eskwelahan ay marami pa ring matatalino rito. Naaasiwa raw ito kapag walang makasama sa pagkain sa cafeteria na katapat ng kolehiyo. Matagal na kaming magkaibigan ni Berli simula pa nung Grade 2 kami. We've seen each other grow, and mature. She's always been my inspiration and my strength gayun din siya sa akin. Kaya noong kami'y magkalayo sa high school dahil sa paglipat namin ng bagong tirahan ay labis ang kalungkutan niya. According to her, I've been a big sister; ito kasi ang nakakatanda sa kanilang magkakapatid. She has 2 brothers na puros makukulit. Ako ang kanyang takbuhan kapag sinasaktan siya ng mga naging ka relasyon noon at ako nama'y si Jelo ang palaging pinupuntahan kapag may problema... Si Jelo ay ang aking kababata simula pa noong kindergarten kami. Sabay kaming nag elementarya at highschool kaso nahinto ito dahil sa pagbagsak ng negosyo ng papa nito noong first year high school siya. Simula noo'y hindi na namin siya muling nakita...
"So, this is the time to introduce to you our most beautiful and most handsome teachers and staffs of our school..." magiliw na intro ng lektiyurer na nakatayo sa harap ng podium. Ito ay naka white, long-sleeved polo na naka tack-in sa brown slax nito. Bakas sa mukha niya ang saya marahil sa rami ng enrollees ngayong unang semester. Ang lahat ay nagpalakpakan habang nagsimula na itong ipakilala ang mga binibini at ginoo na nasa kanyang tabi at naghihintay. Ako nama'y nawalan ng interes at ibinaling ko ang aking atensyon sa Samsung SIII na kanina ko pa hawak at nag scroll pababa upang makahanap ng magandang music. Inilagay ko sa tainga ang mga earphones na naka-plug doon. Nagsimulang kumanta si Kim Chiu ng Crazy Love.
I hate the way walk, hate the way you talk, hate the way you look at me...
I hate the way you smile, hate those big brown eyes, cause I know they're not for me...
Inilagay ko ang aking nakakuyom na palad sa aking kanang bahaging noo... The sound is very soothing to hear. Nagiging emosyonal ako kapag ganitong klaseng music ang aking naririnig. Biglang nag flush back ang nakaraan noong unang beses na nagkasama kami ni Jelo. Kami'y nasa Grade 5 noon at kami ay may gatas pa sa labi. Aalis na bukas si Daddy papuntang Amerika dahil sa business na aasikasuhin nito; humigit kumulang apat na taon siyang mag ii-stay doon. Nalulungkot at hindi alam kung sino ang tatakbuhan, hindi ko rin masabi kay Berli, hindi niya kasi ako maiintindihan dahil 'di pa ganoon ka mature ang isipan niya tungkol dito kaya'y nagpasya akong tumungo sa school library.
"May problema kaba Joanna?" mahinang tanong ng isang malumanay na tinig sa aking likuran. Ako'y na sa likod na bahagi ng silid-aklatan na tinatakpan ng mga malalaking bookshelf. Ako'y nakaupo sa sahig at tinatakpan ng panyo ang aking mga matang luhaan.
"Joanna, okay ka lang?" ulit nito. Nag angat ako ng tingin upang makita ang mukha ng nagsasalita. Si Jelo! Tinitigan ko siya. Ito ay nakaupo na rin sa sahig na aking katabi. Isinubsob nito ang mukha sa akin, dalawang pulgada nalamang ang pagitan ng aming mga labi. Pinagmasdan ko ang mapupungay niyang mga mata, makinis na kayumangging balat, at ang kanyang labi na sa tingin ko'y napakalambot at napaka sarap kagatin. Si Jelo nga! Hindi ako makapagsalita napakagwapo niyang talaga kamukhang-kamukha niya si Siwon ng Super Junior... Isang saglit pa'y dahan-dahan nitong inilapit ang kamay sa aking mukha at hinay-hinay na tinungo ang aking mga mata at pinunasan ang aking mga luha gamit ang sarili nitong mga kamay. My jaw dropped—my eyes open wider... I can't believe what is happening.
BINABASA MO ANG
Once in a Blue Moon Tagalog
RomanceSa paglayo ni Jelo ang bestfriend ni Joanna ay biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay, nawala ang lalaking nagsilbing pondasyon at inspirasyon niya, ang kanyang knight and shining armor. Lagi niyang napapanaginipan ito't gusto niyang marinig ang...