Chapter 5

9 3 1
                                    

Pagkasara ko ng pintoan ay agad namang tumunog ang aking cellphone. Kakarating ko lamang galing sa barbecue house kung saan ako inilibre ni Nico ng hapunan; wala kasi si Mommy sa bahay ngayon, binisita kasi nito ang Lola niya sa probinsya nila. Excited na kinuha ko ang aking cellphone sa bag sa kaisipang si Mommy ang nag text sa akin subalit gulat ang aking nadama ng matanaw ang pangalan ni Jelo sa screen.

FROM: NEW VERSION OF JELO

                        Hi Anna, I hope hindi ka na galit. Sorry nga pala kanina ha medyo na praning lang ako sa kasama mo. Ano nga pangalan nun? Mico ba? BTW, Tita texted me kung pwede ba kitang dalhan ng food for dinner sa inyo and I said NO PROBLEM kaya when you received this message it means I'm on my way. J

 

Agad bumilis ang pintig ng aking puso nang mabasa ang buong text na iyon mula kay Jelo. Ang lalaking unang minahal at nag nakaw ng kanyang mapahanggang ngayong nawawala na puso. Bahagyang nairita naman ako nang mali ang pagka banggit ng binata sa pangalan ni Nico. Ang kanyang ikalawang minahal na nagbigay sigla sa madilim na mundo simula nung mawala si Jelo. Hay! Ang gulo naman. Makapag–reply na nga lang!!

TO: NEW VERSION OF JELO

                        Jelo! It's Nico not Miko, okay? Well... kumain na ako pero kung papunta ka na rito e' di fine! Kakain ulit ako for you. Ganoon kita ka LOVE, alam mo ba yun?  Parang hindi mo kasi ramdam e' kahit noon pa man, di ba? Kasi, puro ka na lang Hanna!!

 

OOOOEMMMMGGGIII... na send ko!?! Lagot! Wala na akong mukhang maihaharap kay Jelo. pangangamba ng aking isipan ng bigla kong mapindot ang arrow sa gilid ng text box. Nagsimula akong mag–type ng panibagong mensahe gusto kong sabihin kay Jelo na mali ang pagkakaintindi nito subalit huli na ang lahat ng may nag doorbell.

To Be Continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once in a Blue Moon TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon