The President of Class Five
Chapter 1
Kunot noo ako habang nakatingin sa schedule na hawak ko. Suot ang uniform ko na kulay blue ang palda kasama ang blouse na kulay puti, cute sya, pero huwag muna natin pag usapan yun.
Ito na ang classroom ko??
Kung ito man, bakit parang mas maganda pa ang guard house na nakita ko habang papunta rito?
Maputik ang paligid at sira ang second floor ng building. Parang may leak pa nga. May mga vandals ang dingding, karamihan nakalagay ay "Gwapo si Arson". Sino ba yun? Yung pintura sa bubong na kulay green ay kupas na, mukhang lumot. Medyo basa yung semento, siguro gawa ng ulan. May Nakita akong mga gala ng aso at ang likod ng building na ito ay gubat.
Di makapaniwalang tinignan ko ang building na ito.
May makakapag-aral ba dito?
Pinasok ko sa loob ng bag ko ang sched na hawak ko at nagpalinga linga. Agad akong napangiti ng may Nakita akong grupo ng mga kalalakihan. Medyo malayo dito, doon banda sa may puno ng manga. Sa baba non ay doon sila nakatambay at may lalaki pa na natutulog sa taas.
Kumunot ang noo ko ng napagtanto ang ginagawa nila.
Kinakain nila yung bunga na mangga. May sinasawsawan sila, bagoong, asin, toyo at asukal.
Saglit akong napanganga.
Hanga ako sa kanila ahhh, ang lalakas ng loob.
Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanila. Iniiwasan ko ang putik na dumapo sa aking mga paa. Mahal ang medyas ko, nakakaloka! Plus, ang hirapa mag laba!
Pagdating ko sa harap nila ay lahat sila ay napatingin sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanila.
"Hi" bati ko.
Walang bumati pabalik pero may isang lalaki na pinagtaasan ako ng kilay.
Sa kanilang lahat sya lang yung hindi nakauniform, maliban sa natutulog sa taas, naka t-shirt yun ng puti na may mukha ni barney sa gitna. Naka-hoodie na itim ang lalaki na kaharap ko, sya rin ang nagtaas sa akin ng kilay, tinatarayan ako. Para bang isa akong maliit na langgam kumpara sa kanya.
Kug sya ang araw, ako ang moon na wala pang hingit sa kalahati nya. At kung ikukompara talaga, ay wala pa sa tuldok.
Napalunok ako. Pakshet.
"Anong kailangan mo?" mataray na tanong nya.
Saglit akong nakamot ng ulo, nagdadalawang isip kung tam aba na sila ang nilapitan ko para magtanong. Anyway, maasim siguro ang mangga. Isa kasing kasamahan nila ay namikit mikit habang napapamura. Hawak nya pa naman ang buto.
"Nasa tamang building diba ako? Yung section 5?" tanong ko sa kanila. Napakagat labia ko ng biglang tumayo yung matary na lalaki nan aka hoodie.
Sinundan ng mata ko ang biglaang paghagis nya ng kutsilyong ginagamit nilang pang balat ng mangga sa mesa na tumalbog ulit na muntikang matamaan ang natutulog na barney--- este ang lalaki na natutulog na may barney sa damit. Napapikit tuloy ako sap ag-aakalang matatamaan sya. Ewan, siguro humangin at imbes na sa kanya bumaon ay sa sanga na katabi nya lamang.
Pasimple akong bumuntong hininga.
Gosh, akala ko matatamaan sya ng bonggang bongga.
"Anong kailangan mo sa section na yun?" tanong ng lalaki at sumandal sa puno.
Yung atensyon ng mga kasamahan nya na kumakain ng mangga ay napunta sa aming dalawa.
Napalunok ako. "Uhm, bagong lipat kasi ako. Doon daw ang classroom ko." Sagot ko.
Lahat sila ay napakunot ng noo ng marinig ang sinabi ko.
"Transferee ka?" paglilinaw nya.
Tumango ako at binuksan ang bag ko para kunin ang schedule ko. Pagkalabas ko nun at akmang ipapakita sa kanya ng may kamay na biglang inagaw yun sa akin.
Isa yun sa kasamahan nila, yung naasiman kanina habang hawak yung buto, sya yung kumuha ng sched ko sa akin.
Kunot-noong nakatingin tuloy ang kausap ko sa kamay ko na nabitin sa ere. Ng mapansin ko yun ay agad ko itong binawi at nilagay sa bulsa ko. "Ayun ang sched ko." Sabi ko at tinuro yung kumuha.
"Hala. Legit ba to pre?"
"Yeah, transferee talaga sya."
"Wait, try nyo raw punitin baka fake yan."
Usap usapan nila, hindi na inantala ang kamay na may toyo, asin at bagoong. Hinawakan nila ang sechedule ko at akmang pupunitin.
"Wag nyong pupunitin!" sigaw ko sa kanila.
Lahat sila ay tumingin sa akin, gulat sa lakas ng pagkasabi ko.
"Kasi ano. . . uhm. . . Hindi ko pa, you know---"
"So, the point is ikaw ang bagong transferee sa section 5?" putol sa akin ng lalaking nakahoodie
Tumango ako, tuwang tuwa. "Opo!"
"Impossible." Sabi nya.
Dahil doon ay Nawala ang ngiti ko.
Ano bay an, akala ko ayos na. Anon a naman ito?
"Ha? Bakit impossible?" tanong ko sa kanya. Kinuha ko yung sched sa isang lalaki at tinignan ang kalagayan nun.
Nakakadiri. Hindi ko na lang yun inalintana at nilagay na lang sa bag ko.
"Yes, may transferee sa klase naming pero lalaki." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi babae at Drake ang pangalan."