Chapter 5
Dara's Point of View
Napa aching ako ng wala sa oras. Gamit ang kamay ko ay pinunasan ko ang ilong ko,luckily, walang sipon.
Hindi ko lang alam kung dahil ba may nag-uusap ng masama tungkol sa akin o dahil sa sama ng panahon.
Nandito ako ngayon sa isang waiting shed, nagpapasilong,kasamaang mga gamit ko. Isang linggo pa lang nga ako doon sa tinitirahan kong boarding house pinalayas na ako. Buti sana kung binalik man lang ang perasa akin, pero hindi eh.
Pagbalik ko sa bahay, nasal abas na ang lahat ng gamit ko. Tapos nung kumatok ako sa pinto nun, may tao na doong nakatira at pinagmumura na ako.
Wala na akong nagawa at napabuntong hininga na lang. Lumapit ako doon sa landlady naming,pero ang sabi nya lang ay "Umalis ka na". Yun lang at pinagsaraduhan na ako ng pinto.
Ang sakit lang,kasi nung umalis ako ng school ay biglang umulan at wala akong dalang payong. I was left with no choice. Yung hoodie na nakuha ko kanina, ay sinuot ko na lang. Ibabalik ko na lang to sa kanya siguro pag pumasok na ako.
Isasantabi ko muna ang problema ko tungkol sa pag-aaral at magfocus muna rito.
Tinignan ko ang mga bag na ansa harap ko. Dalawang bagpack yun at isang malaking sako bag. Unti lang naman, kaya siguro madali lang nalabas nung landlady kanina.
Buti na lang at hindi masyadong nabasa kasi ambon ambon na lang, pero ang ako ang giniginaw.
Puno na nga ng putik damit ko, nadamay pa yung hiram kong suot na to, tapos ginaw na ginaw pa ako. Wag lang sana ako magkasakit.
Sinandal ko ang likod ko sa upuan at bumuntong hininga.
Ang daming nangyari ngayong araw at padagdag ng padagdag ang mga problema ko. Sa totoo lang, wala naman akong balat sa pwet pero ganito? Hindi naman sa malas ako pero, bakit hindi ako siniswerte?
Yung sa school kanina at yung sa tinitirahan ko.
Naku po,paano na ito? Talon na lang kaya ako sa building? Char.
Maya maya pa ay Nakita ko ang maraming estudyante ang lumabas sa chool gate, kaharap lang ng waiting shed na tinatambayan ko.
Mga schoolmate ko sila. Nung Makita ko yung mukha ng isang pamilyar na lalaki ay agad akong yumuko, nagtago. Tinakip ko rin ang magkabilaang kamay ko sa mukha ko, at mula sa pagitan nito ay tinignan ko sya.
Sya yung may-ari ng hoodie na suot ko. Sana naman hindi nya ako makilala.
May kasama syang mga lalaki, kasama yung Jacob na may gawa nito sa akin. And I heard them talking.
"What happened earlier?"
"Bigla syang tumigil saglit at parang may ininda sa ulo nya."
"Headache lang yun."
"Shut up Matt."
"Hindi naman siguro bumabalik yun no?"
"No, that is never gonna happened."
"Paano at sure na sure ka Brixx?"
"Hindi pa dumarating ang katapat nya."
"Diba yung katapat nya ay yung kalaban ng buong Pilipinas?"
"Not him, that is just temporary." The man named Brixx said then turned his head towards me.
Nanlaki ang mata ko at agad na may yinuko ang ulo ko.Hindi ko na Makita ang mukha nya at expression ng mukha nya but I bet, nakakunot na to.
"Anong problema Brixx?"
"Wala"
And with that, umalis na sila.
Hindi ko lang alam kung napansin nya ako, o namukhaan ang suot ko. Nagdadalawang isip tuloy ako kung patuloy ko pa bang susuotin ito o ano.Nilalamig pa rin kasi ako pero naguiguilty na rin.
Ng masigurado na walana sila ay saka lang ako umayos ng upo. Dumako ang mata ko sa mga gamit na nasa harap ko.
Hindi pwede na parami ng parami ang problema ko. Nakaka stress. Ngayon, kailangan kong magbawas ng problema para hindi ko na maisip na tumalon ng building.
With that in mind, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isang number.
["Hello Dara?"]
"Hi po Lolo,kamusta na kayo?"
Nakakahiyang sabihin pero, naglayas talaga ako. Sa probinsya kasi na pinanggalingan ko, kaming dalawa lang ni lolo ang nakatira sa ala mansion nyang bahay, kasama ang napaka galling nyang butler.
Hindi naman sa sakal na sakal na ako sa kanya, pero, ayoko na doon.
Ang alam ko kasi, by the end of this year ay uuwi si mama at dadalhin nya na ako sa America. I am not totally against that,pero parang hindi ako satisfied na aalis na ako ng hindi man lang makakaranas ng buhay na nasa syudad.
Of course, lolo was against it, he even locked me at the mansion. And it took me a week to escape, but inga nakatakas. Dalawang bagpack lang ang nadala ko, mga damit ko yun syempre, at yung laman naman ng sako bag ay yung mga napamili ko bago ako sumakay ng truck.
Alam ko kasi na mat-trace ako ni lolo pagsumakay ako ng bus, isa pa, ayoko sa bus, kaya naman nakisakaya ako sa kaibigan kong may ihahatid sa syudad.
Mabuti na lang at hindi na ako siningil. Best friend ko na talaga sya.
Naisip ko rin na kontakin ang tita ko na nakatira dito sa syudad, pero alamko kasi na galit sya kay mama. Ayoko naming isipin nya na tulad ni mama, ay matigas ang ulo ko. Aaminin ko oo, pero hindi ako magpapabuntis! No way!
Tapos nun ay naghanap ako ng matitirahan ko, ayun Nakita ko yung bahay kung saan ako tumira ng isang linggo kasi pinalayas rin ako matapos eh. Anyway, nakahanap ako ng magandang school, malapit lang doon sa tinitirahan ko. Doon ako nag enroll, at nilakad ko lang yun ng mag isa.
Medyo proud ako dahil doon.
Yung pera na dala ko ay unti unti na ring nauubos kaya naisipan kong maghanap ng trabaho pagkatapos ng klase kongayon, never din I expected na hindi pala ako welcome sa section ko at hindi rin ako nakaklase.
Masakit, pero anong magagawa ko?
Bumuntong hininga ako.
["Buti naman at napatawag ka! Isang linggo ka ng nawawala. Akala ko nagtago ka sa bahay."]
Kumunot ang noo ko, so hindi nya pala alam na naglayas ako? At akala nya lany ay nagtugu-taguan ako sa loob ng bahay, extreme verion.
"Actually po. . ." napakagat ako ng labi, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi.
["Ano yun Dara?"]
Muli bumuntong hininga ako, at napiling sabihin na lang sa kanya. "Lo, naglayas po ako. One week ago pa, kailangan ko po ng tulong nyo, pinalayas ako sa tinitirahan ko. Pahanap na lang po ng matitirahan ko thank you. By the way, nakapag enroll na po ako, ngayon po first day ko, Ayos naman buhay pa ako."
...
...
...
...
Isa pang minuto ang lumipas bago sya nag react.
["HA?!! NAGLAYAS KA?!!!"]