"Auntie wag po," pag.mamakaawa ko sa kanya.
Andito ako sa labas ng bahay ng auntie ko na karaniwang nagpupulot sa mga damit at iba pang gamit ko sa kalsada.
"ang kapal rin naman ng mukha mo!" sigaw niya habang naninigarilyo.
Nagtataka kayo kung bakit?
Malalaman niyo.
"auntie parang awa niyo na po, kayo nlang po ang natitirang pamilya ko." sabi ko sabay punas ng mga luha sa tagiliran ng mata ko.
"Awa?! ikaw ba, hindi ka ba nakaramdam ng awa o konsensya sa pagnakaw mo sa mga alahas ko?"
kitang kita ang galit sa mukha ni auntie, hindi ko ma.explain ang itsura niya pero ang alam ko lang hindi lang siya galit kundi galit na galit. Minsan ko lang makita si auntie ng ganito, sanay na naman ako tuwing pinapagalitan ako o pinagsasabihan kahit sobrang nakakabasag na sa eardrum ang boses niya, pero kahit ganun okay lang sakin.
Minsan pinagbintangan nila akong kumupit ng pera sa wallet niya, promise man mamatay man ang pinsan ko (di joke lang) di talaga ako gumawa nun pero dahil mabait ako at utuuto inako ko nalang dahil kapag hindi ko daw aakuin sabi ng pinakamabait kong pinsan ay sisiraan niya ako sa skul at ang worst papalayasin sa bahay. Natakot naman ako kaya ayun sinalo nalang ni darna. Mahilig kumupit ang pinsan ko kababae niyang tao hindi siya nahihiyang gawin yun sa mama niya para may pang-shopping. Mabait naman siya ako lagi gumagawa mula projects niya, sa assignments, pati oral niya hindi niyan makakalimutang tumingin sakin para lakihan ng kanyang matanglawin na senyales para sabihin sa kanya ang sagot. Favorite talaga ako ng pinsan ko, pati section namin ay laging magkaparero pati ba naman mga upuan namin ay laging magkatabi simula mga bata pa kami at hanggang ngayon.
Naiiyak na ako ramdam kong tutulo na tong luha kong kanina pa gustong kumawala.
Nakatayo lang ako sa labas sa may gate habang hawak hawak ang mga gamit na kanina niya pa pinagtatapon at ngayon ay nakakalat pa ang iba sa kalsada. >_<
"wala po talaga akong alam sa mga alahas niyo, hindi po ako magnanakaw auntie,"
pinagtitinginan na kami ng mga tao. ayan at umiyak na ako ng tuluyan. Hindi ko na talaga mapigilan pa.
"at sinong niloloko mo? ako? pwe magsama kayo ng nanay mong walang mudo, manloloko, walang hiya at manggagamit!!"
"tamaa na ho!!!" pinutol ko na ang mga sinasabi niya, nakita ko pang tumatawa si Ella sa may bintana. Ang sama nya talaga. Noon pa man lagi na niyang minumura nanay ko pinagsasalitaan ng mga hindi maganda at kahit halos siya na ang nagpalaki sakin at kulang nalang siya pa nagluwal sa akin sa lahat ng mga ginawa niya ay di ko pa rin kayang itago ang nararamdaman kong nasasaktan at nagagalit sa mga sinasabi niya. Masama bang magalit ako sa kanya? di ko alam. Okay lng kung ako laitin niya pero wag na wag niya lang lalaitin at pagsabihan ng masama ang nanay ko.
"aalis na po ako auntie, wag na po kayong magalit. Maraming salamat po sa mga panahong tinanggap ninyo ako." at nag bow ako tsaka tumakbo dala dala ang mga gamit ko, iyak pa rin ako ng iyak. Kahit hindi ko na masyadong makita ng klaro ang daan dahil sa mga luhang humaharang nito. Habang palayo ako ng palayo may nakalimutan ako. Kaya bumalik muna ako kahit napakapagod ng sitwasyon ko ngayon, dala-dala ang mga gamit kong nasa plastik bag konti lang naman ang mga gamit ko pero hindi kasi nakapasok sa maliit kong plastik bag kaya habang tumatakbo ako ay hindi maiiwasang may mahulog kaya binabakan ko.
Pagdating ko sa tapat ng bahay pinunasan ko muna ang mga mata ko tsaka sumigaw, nandun pa din yung mga kapitbahay, mga tao sa daan at kulang nalang na sabihin nilang "hoy! chinechismiss ka namin kung ok lang?" huh!