"Ano?!" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Humalagpak siya sa pagtawa kaya naman napahawak ang kanang kamay nya sa tyan at ang isang kamay ay tinakip sa mata. Aba! i give him my deadly look but It seems like natinag ang loko.
Huminto sya sa pagtawa at inilibot ang paningin.
Narinig kong humagikhik sya sa pagtawa. Aba! Pinagtitripan pa ata ako. May narinig akong nagbubulungan pagtingin ko sa kanang bahagi ay may mga taong naka-upo at kumakain halata mong ang yayaman dahil sa mga suot nila. Ang iba'y tatanaw sakin saka magbubulungan. Teka, ako ba pinag-uusapan nila? Kahiya naman, baka di na ako tanggapin sa trabaho dito.
"ha-ha-ha" paputol putol ko ng tawa para naman mapansin nyang di sya nakakatuwa noh!
"Okay." tumingin sya sakin sabay taas ng kanyang dalawang kamay na parang sumusuko. At tumatawa. baliw ba to? tinaasan ko nga ng kilay.
"Joke lang naman yun, masyado kang namang seryoso" sabi nya.
"Alam mo, wag mong masamain ang sasabihn ko ha pero parang malabo yatang matanggap ka dito, alam mo na." matamaan sya dun hahahahaha ayan tumatawa na ako sa utak ko.
"Nasan na ba manager nyo dito?"
pag-iiba ko ng topic. Di dapat ako nag-aaksaya ng panahon sa taong katulad nito.
"Ako manager dito." sabi nya at huminto sa isang pintuan, parang opisina.
"Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko habang nakapameywang at nakataas ang kilay.
"Alam mo nakakatuwa ka talaga." sabi nya at tumawa.
"Hindi ako clown! Alam mo rin ba na di ka nakakatuwa?!" unti unti ng lumalabas ang galit ko, ou pikunin talaga ako. Pero ang iniisip ko lng naman sa oras nato ay makahanap ng trabaho, umaasa pa naman sakin si renren.
"Ou ako talaga manager dito kaya maglinis ka na. Ayan trabaho mo dito." may tinuro syang isa pang pintuan at pagbukas nya may mga locker sa loob,
"Ayan" may binigay syang susi sakin.
"Aanhin ko to?" tanong ko,
"Malamang susi," at tumawa sya ng mahinhin at palingo-lingo pa ang ulo. "hanapin mo ang kakasya nyan, may uniforme dun siguro sakto lang ang sukat nun sayo". At tumawa nanaman sya. habang nakatakip ang kamay nya sa bibig nya.
Parang may iba akong nararamdaman dito.
"bakla ka ba?" What?! talaga bang tinanong ko yan sa kanya? Ang tanga lng.
Bigla syang namula at nawalan ng expression ang mukha nya.
Waahh, pumikit ako at nag "Sorry!"
tsaka yumuko habang nakapikit pa rin.
"You know what, if you want me to kiss you," nag-pause siya at parang naglalakad. Binuka ko ang isang mata ko para masilip sya ng kaunti.
"Just ask me, and It'll be my pleasure." naramdaman kung ngumisi sya, Yaahhh! napaatras ako bigla nung nandyan na pala sya sa harapan ko at bumulong sa tenga ko. Parang may kuryenteng pumasok sa tenga ko.
Nagsitaasan lahat ng balahibo ko, feeling ko namumula nako. kaya naman ay hinawakan ko ang mga pisnge ko at gulat pa din na nakatingin sa kanya.
Isang minuto ata ang nag.daan bago ako natauhan dahilan sa pagtawa nya.
"hahahahaha!! ano ba yang mukha mo. Ang epic fail naman. hahaha" tawa lng sya ng tawa.
"Bakla" sabi ko habang ramdam ko pa din sa mukha ko ang pagkahiya.
"Cge na," tumungo na sya sa pintuan at binuksan ito "hindi ako bakla, okay? Punta ka sa katabi nitong kwarto, office ko yun, andun mga listahan ng mga trabaho mo." sabi niya ng hindi tumitingin at saka lumabas.