Hindi talaga ako makapaniwala.
"kain ka pa renren" tinitignan ko lang sya habang kumakain.
"Kain ka na yen ate." sabi nya sabay kagat ng manok na di tumitingin, napaka focus nya naman.
"Sige, kain ka lang " sa puntong ito tinignan nya ako na para bang nagulat pa yata. "Tayaga ate?" may kanin at ulam pang nakadikit sa mukha nya, Naawa tuloy ako.
"Ou oi," at nginitian ko sya. Ngumiti din naman sya.
"Ate di ko kakainin tong isang fried tecken, sayo nayang to ah. Ayam ko gutom ka na, butog na ako" Napaka humble naman nito. Alam kong nagsisinungaling sya.. hihihi pero ang cute ng tabachoy nato.
"busog pa ako, cge kainin mu na yan tsaka maglinis ka na ng katawan mu taong grasa na talaga ang dating mu, ang damit mo nandito sa locker, okay. "
Tumayo ako at nagpunta muna sa locker namin. Alam kong gutom sya kaya binigay ko nalang ang sakin.. taba taba nya talaga. Napatawa ako bigla, naalala ko tuloy ang nangyari kanina.
"Oh no!" sigaw ko habang napahawak sa bibig ko. ayan bubukas na talaga! waaaah!!!
tinakpan ko ng mga kamay ko ang mga mata ko."Ay aswang!" sigaw nung taong nagbukas ng pintuan. Matanda na ang boses nya, at kaboses ni auntie ko! Talaga naman oh.
Nakatakip pa rin ang mga mata ko.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?! " pasigaw nyang tanong.
Ano ba Alex wag kang tatahimik lang, sumagot ka please. (di ko alam ano sasabihin ko ). Tinanggal ko ang kamay ko tsaka tumingin sa kanya. Pero saglit lang dahil di ko kinaya ang expressiong gawa ng mukha nya. Ang tindi daig pa si auntie!
"Sino ka, pano ka nakapasok dito?!" sigaw nya pa rin.
"A-a-ano k-k-ka-si." utal-utal kong sabi. Teka naiiyak ba ako? Ayokong paalisin na naman ako dito, hindi, wag naman sana.
"Magnanakaw!!!" sigaw nya. Bukas ang pintuan dahil di nya to sinara at karaniwang nakahawak pa rin sa door knob,
Nakatanga lang ako habang tinitignan sya daig ko pa ang batang di makapagsalita sa lagay kong to.
"Hindi po ako magnanakaw!" napahawak nalang ako bigla sa bibig ko, di ko akalaing sumigaw na din pala ako. Di ko namalayang may basa na pala ang mga pisnge ko dahil sa tubig na galing sa mata ko.
"Attteeee---." tawag ni renren sa mahinang boses at hinawakan ang damit ko.
Natahimik sya at seryosong nakatingin sakin, nakataas ang isang kilay, mga mata'y tilang isang tigre na mukhang susugod anu mang oras! phew! pinapawisan ako. juicekolor! T_T
May narinig kaming yabag ng takbo sa labas ng kwarto kaya naman parehas kaming nakatingin sa taong dumating.
"Anung nangyayari dito?" tinignan nya yung matandang babae at saka niliko ang paningin sa akin, nagulat sya at medyo lumaki ang mata dahil siguro sa gulat nang makita nya ako.
"Lola! Bago po sya dito."
sagot nung Ryan
"Ah ganun ba, okay. " biglang nagbago ang aura ng mukha nya, bakit kaya? kanina may pagalit galit pa sya ha.
sinarado nya ang pintuan at tsaka. pumunta sa locker nya. Nakatayo lang ako at nakatitig kaming pareho ni renren sa kanya. Nagulat ako nang ngumisi sya na syang pinagtaka ko lalo.
"Ate" natauhan na ako nung may tumawag sakin.
"Oh," sagot ko sakanya,
"Kanina pa kati tawag ayaw mo ko pantin." sagot nya at habang kinakamot ang ulo at mata.
Mukhang inaantok na talaga sya. Tumungo ako sa locker namin at kumuha ng kunting damit ko para may pang-unan sya.
"Goodnight ate, wag ako iwan ha dito ka yang ate" wika nya at ngumiti nang bahagya. Inaantok na ang batang to may pa ngiti-ngiti pang nalalaman. Tumango ako bilang pagsang-ayon. At saka nya tuluyang pinikit ang mga mata nyang kanina pa nagbabadyang sumara.
Kinantahan ko sya ng isang oyayi habang nasa kandungan ko ang ulo nya, alam kong di na sya isang baby pero gusto ko lang talaga na kantahan sya.
"Tulog na aking mahal, tulog na aking anghel, wag kang mag-alala andito lang ako anak laging magbabantay sayo, -hmm hmm hmm...."
Ang kantang ito ay di buo, di sya kompleto ngunit ito ang pinaka magandang kanta, himig na narinig ko buong buhay ko. Pakiramdam ko kasi andyan lang sila mama at papa sa tabi ko.
"Mama, mama, papa, papa. " tawag ko sakanila,
"Ano yun baby? " sagot sakin ni mama at kinarga ako.
"Mama mamaya bang gabi dadating na si santa?" tanong ko sa kanya.
"Aba shempre darating yun baby, sabihin mo nga anong regalo gusto mo," tanong ni mama habang nag-iisip ako.
"Kapatid mama!" excited kong sagot. "Para may kalaro na ako mama, please.."
"Huh, ah e kasi baby-" hindi natuloy ang sasabihin ni mama nang umeksina si papa.
"Hahaha, ang baby ko talaga. Sige baby gagawan namin ng paraan yan." patawa tawang sagot ni papa.
"Dante!" tawag ni mama kang papa at saka namula.
Tawa pa rin ng tawa si papa habang hinahabol sya ni mama.
Naaalala ko pa pala.
And then a smile form into my lips, I lifted my head up and leads me to face the ceiling, I gently close my eyes and controlling not to cry. But, its so warm I already felt the water that forms inside my eyes. I think I'm just gonna let this out, kami lang naman siguro ni renren ang tao dito.
"I miss you mama and papa. Sorry"
Umaga na pala, di ko na namalayan ang sinag ng araw na bumalot sa buo kong mukha, nasa kandungan ko pa din ang ulo ni renren at kasalukuyang natutulog. Tinignan ko ang paligid ko wala pang mga ibang crews, siguro mamaya pa to magbubukas ang resto nato.
Tumayo na ako at saka nagdecide na maligo. Salamat at kumpleto naman ang mga gamit sa banyo nila, para tuloy akong nasa isang hotel at guest ako. Natawa tuloy ako sa mga iniisip ko.
Kumusta na kaya si auntie, sana ok lang sya ngayon, kahit na ganito ang nangyari sa amin hindi ko pa din pwedeng kalimutan si auntie. Mahal ko sya at kaya naman parang ina ko na rin ang turing ko sa kanya.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako ng uniporme para maaga-aga pa lang ay makapagsimula na akong maglinis sa office. Timing na pag-bukas ko ay bumungad sa harapan ko ang isang mala Achilles na nilalang, panaginip lang ba to!?
Isang Achilles na Brad Pitt ang naka tuwalya lang at kasalukuyang nakaharap sa akin.
"Hoy." wika nya.
Patawad Paris, dahil ako, na si Helen of Troy ay mukhang di na saiyo sasama. Mahuhulog na ata puso ko sa kanya.
"Hoy babae," wika nya ulit.
Nabibingi na ba ako?
Tinatawag nya ba talaga ako? Tila'y di ko maigalaw ang dila ko para magsalita. Ang swerte ko naman at naisipan nya akong puntahan at kausapin.
"Aba't, hoy! Pumunta ka na sa office at maglinis ka na! " pasigaw niyang sabi.
"Ho! Opo!" napasigaw tuloy ako sa gulat. Nawala ata ako sa sarili ko.
"Sinisigawan mo ba ako?" unti-unti syang lumalapit sa akin at nilagay ang kaliwang kamay nya sa pader malapit sa ulo ko. Nakakatakot naman ang mga mata nya. Nanlaki ang mata ko dahilan upang mapaatras ako.
"Yes sir! I mean no sir hindi ko po kayo sinisigawan at yes po pupunta na po ako sa office. Sorry ho." walang preno kong sagot.
"Good, sa susunod agahan mong gumising at gawin agad ang task mo." wika nya at saka sya tumalikod at naglakad.
Napahawak ako sa bibig ko nang maalala ko na si sir Roy pala yun. Kung ganun yun pala ang ugali nya, parang bawal yata magkamali dito, natatakot na tuloy ako. Good luck sa akin..