Chapter 10
'Lunch'
***"Pinilit lang ako ni Mama na papuntahin ka dito. It's not like I wanted you to come here..." saad ni Romeo saka yumuko. Napakamot pa ito ng batok habang pilit na iniiwasan ang tingin ko.
I pursed my lips, trying to hide my smile. "Thank you."
Hindi na ako nagdalawang isip pa nang imbitahan ako ni Romeo pumunta sa bahay nila. Nag-ayos agad ako ng sarili para maging maganda naman ang hitsura ko kapag haharap kay Tita. Nagsuot pa ako ng dilaw na simpleng bestida at itim na doll shoes. Gumamit rin ako ng perfume para maging mabango ako.
I also braided my hair and used a sunflower hair clip to make my appearance more elegant and fancy. Pati ang kuwintas na iniregalo sa akin ni Clyde sinuot ko rin. Simple lang naman ang ayos ko, medyo marami lang kaartihan.
"What are you wearing? Makiki-kain ka lang ng lunch. Hindi ka naman makikipag-date," usasa Romeo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nakakunot pa ang noo niya na para bang sobra-sobra ang ayos ko.
Nawala agad ang ngiti ko dahil sa tingin niya. Hindi ko mapigilang mapanguso. "Bakit? Maayos naman, ah?"
Bigla siyang nagbaba ng tingin sa kuwintas ko. Parang mas sumama ang timpla ng mukha niya nang makita 'yon. He shook his head and looked away. "Tsk. Bahala ka. Pumasok ka na."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna na syang pumasok sa loob ng bahay nila. Napaawang ang labi ko nang bigla niya akong tinalikuran pero sinundan ko na lang rin siya. Ayokong magreklamo dahil baka magbago pa ang isip niya. Minsan lang ito mangyari kaya susulitin ko na.
Punong-puno ako ng energy kanina pero bigla akong tinamaan ng kahihiyan nang makapasok ako sa loob. Parang naglaho ang kakapalan ng mukha ko. I can't believe that I'm really here!
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Maliit lang kung titingnan ang labas ng bahay nila pero malawak sa loob. Simple lang at walang second floor. Hindi naman na nila kailangan ng second floor dahil dalawa lang naman sila na nakatira dito sa bahay na ito. Kulay asul ang pintura ng dingding at naka-puting tiles ang sahig. Napansin ko ring karamihan sa mga dekorasyon ay gawa sa kahoy.
"Oh Juliet, nand'yan ka na pala!" bati sa akin ng nanay ni Romeo nang makapasok ako. Puno ng galak ang tono ng boses nito at nakangiti rin ito nang malawak. Her expression was so bright and it made me smile too.
"H-Hi po, Ma'am. Magandang tanghali po..." I greeted her shyly. Itinago ko ang kamay ko sa likuran ko para hindi nito mapansin ang kabang nararamdaman ko.
Umayos ka, Juliet. Nanay 'to ng mapapangasawa mo!
Hindi ito ang unang panahon na nakaharap ko ang mommy ni Romeo pero iba na ang sitwasyon ngayon kaya kakaiba ang kaba at hiya na nararamdaman ko. Wala naman talaga akong hiya at inaamin kong makapal ang mukha ko, pero hindi ko alam kung paano ako naging parang maamong tuta ngayon. Hindi nga ako makasalita ng maayos, eh.
"Naku, Tita na lang ang itawag mo sa'kin tulad nung tawag mo sa'kin noong nakaraan," She chuckled softly.
My eyes widened a bit and my cheeks instantly heated because of what she said. I could remember the time when I told her that I'd be her son's future wife. Grabe, ngayon pa lang ako nakakaramdam ng hiya. Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula dahil sa kahihiyan na ginawa ko noon. Ngayon alam ko na kung bakit inis na inis si Romeo nang sabihin ko 'yon. Naalala ko rin na tinatawag ko pa syang 'Mommy' noon sa isipan ko.
I looked away and bit my lips. I laughed awkwardly. "S-Sige po, Tita. Salamat nga po pala dahil in-invite nyo ako para mag-lunch. My father is working, so I don't have someone to eat with me," I said and beamed.
Muli akong tumingin sa kanya para tingnan ang reaksyon nito. She's looking at Romeo with her brows furrowed.
"Actually jiha, si Romeo ang--"
"Ma, nagugutom na 'ko. Kain na po tayo. Baka lumamig pa ang pagkain." biglang singit ni Romeo. Tumingin ako sa kanya at pilit nyang iniiwasan ang tingin ko. He's not looking at me but I noticed that his ears are turning red. Alam ko kung ano ang ibig sabihin no'n. Nagiging pula lamang ang tenga niya kapag nakakaramdam siya ng hiya. Pero bakit naman siya mahihiya e nasa sarili niya syang bahay? Ako nga dapat ang nahihiya, eh.
"Tara na jiha sa dining room. Tikman mo ang mga niluto ko, ha?" nakangiting sabi ni Tita. Ngumiti ako at tumango-tango bilang tugon.
BINABASA MO ANG
I Saved Romeo
RomanceJuliet carries within her the vivid memories of her past life. It was a life where she was a princess and her future held the promise of being wedded to Romeo, the crown prince of a neighboring empire. Her love for him was too great, causing her wo...