It is 10 o'clock in the evening, December 24. Rush hour, busy streets before 12 midnight, before Christmas. Ang dami Kong nakikitang sasakyan kahit saan, busy lahat Ng tao puno ang lahat Ng establishemento. Ang sasaya nilang lahat tignan. Ang kukulay Ng mga banderitas at Christmas lights. Ang gagara Ng nagtatayugang Christmas tree, halatang pinaghandaan talaga.
Pero bakit Hindi ko manlang madama ang diwa Ng pasko. Maraming bumabati Ng merry Christmas kahit saan pero bakit parang di ko Naman sila maintindihan, parang lumalabas lang sa kabilang tenga ko ang lahat Ng bati nila. Ang tanging alam ko lang ay maginaw, sobrang ginaw Ng paligid gaya Ng nararamdaman ko. Pero kahit maginaw Hindi na ako nag abala pa magsuot Ng jacket namamanhid na ata utak ko, katawan ko, pati puso ko.
Gusto ko maging masaya, gustong gusto ko...pero parang ayaw talaga Ng tadhana. Siguro sa past life ko baka Isa akong mamamatay tao, o baka magnanakaw, o kaya isang malupit na pinuno na walang awa kaya ganito nalang ang parusa sakin ngayon.
Natawa nalang ako sa mga naiisip ko. Kaya Ng may dumaang mama sa gilid ko, tinignan nya ako na parang sinasabi nyang may saltik ba ako. Kase naman nandito ako ngayon sa gilid Ng kalsada, sitting near a blinking lamp post wearing white dress Hanggang tuhod na may bakas ng putik sa may ibaba at tumatawa mag Isa. Kahit sino naman talaga mag aakalang nababaliw na ako sa lagay Kong 'to.
Kumakalam na sikmura ko. Ilang araw na rin akong walang tamang kain. These past few days I've been very busy, busy matulala. Kung kumain man hanggang mga apat Na subo lang o di Kayay Hindi na talaga kakain. Wala narin akong tamang tulog at nanghihina na katawan ko.
Sino ba Naman ang gusto pang mabuhay Kong Isa sa mga pinaka importanteng tao ang mawala Sayo. Kung sino pa ang nagmamahal at totoong nagmamalasakit sayu ay kukunin narin. Sana kinuha nalang rin ako para samasama na kami. Isang bagsakan nalang ang lamay kumbaga, makakatipid pa Yung mga kamag-anak Namin panigurado. Tutal wala narin Naman Yung taong rason Ng kasiyahan ko, taong rason kung bakit ako nagsusumikap bumangon, kaya Sana sinama narin lang ako.
"Ineng Anong ginagawa mo riyan. Delikado dyan baka mahagip ka Ng Mga sasakyan.", I look at my back and saw an old lady wearing baggy cardigan, holding a plastic bag on her right arm. Even though it's dim because the lamp post is not totally working, I can still see her hair full of gray and white strands in a bun. She's reminding me of her. At kung nandito pa sya ngayon siguro ito Rin ang sasabihin nya.
Sinubsob ko ang aking Mukha saking mga palad at napahaguhul ulit. "Aba'y ineng gusto lang Naman kitang balaan. Pero kung Yan talaga ang gusto mo edi Hala sige dyan ka nalang Wala Naman akong sinabing masama. Hay mga kabataan nga Naman ngayon hirap intindihin kung anong gusto sa buhay.", tapos umalis na sya. Napahinto ako sa kakaiyak at napagtantung Hindi Pala sya kagaya ng taong naiisip ko, dahil Kong sya man ang nasa pwesto Ng ginang kanina baka kurot ang abutin ko hanggat Hindi ako tumatayo dito at masigurong ligtas akong umuwi Kasama sya.
Dahil doon muli na namang pumatak ang luha ko. "Hay kainis! Anubayan, parang Hindi na nga ako umiinom Ng tubig nitong mga nakaraan araw pero bakit parang may isang tanke Ng tubig ang nakaipon dito sa mga mata ko." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang laylayan Ng damit ko at tsaka tumayo. Naisip Kong Hindi nya ito magusustuhan, that's why I need to fix myself. I only have myself from now on kaya magpapakatatag ako para sa sarili ko.
Tumingin ako sa paligid ko at ang daming sasakyan ang paroon at parito kaya naghintay ako at humanap Ng tyempo para makatawid. Ng sa wakas ay okay na dali-dali akong tumawid sa kalsada. Pero naalala ko may dala nga Pala akong picture frame at nilagay ko lang sa tabi yun kanina. Kaya lumingon ako sa aking kinanalagyan kanina at Tama nga ako nadoon nga iyon. Nasa gitna na Sana ako Ng kalsada kaso Hindi ko pwede Iwan Yun Ng basta basta kaya agad ako tumakbo pabalik para kunin Yun. Ngunit mga tatlong hakbang palang ang nagagawa ko Ng may malakas na busina na Ang narinig ko.
Biglang nanigas ang katawan ko na para bang na estatwa ako at naghintay nalang Ng kung ano ang mangyayari.
Heto na kaya Yung hinihiling ko kanina? And Dali Naman palang matupad parang ilang minuto lang Naman ang nakalipas Ng sabihin Kong babangon ako para sa sarili ko. Pero kung eto na talaga sino ba Naman ako para tumanggi diba. Hiram lang Naman natin ang mga buhay natin.
"What the fuck! Are you trying to kill yourself?! If so, then spare me and kill yourself pero wag ka mandamay Ng ibang tao!". Minulat ko mga mata ko at nakitang nakahinto Pala ang kotse ilang pulgada Mula sa akin. Tapos isang napaka lakas na busina ulit ang ginawa Ng may Ari Ng kotse bago ako matauhan Ng tuluyan at tumakbo papuntang gilid Ng kalsada.
Mabilis na humarurot ang kotse paalis at bigla akong natumba paupo sa gilid sabay hawak sa dibdib Kong sobrang lakas Ng kabog. Naitukod ko ang kaliwang kamay ko sa semento at may nahawakan akong bagay. Pinihit ko ang ulo ko at nakitang ang picture frame Pala ito. Sa sobrang kaba mabilis kung niyakap ito at tumulo ang aking luha. Muntik na Yun. Hindi ko alam ko Anong mararamdaman ko, kung matutuwa ba dahil buhay pa ako o manghihinayang dahil may parte Rin sa loob ko ang ginusto iyon.
"I miss you, sobra sobra.", Saad ko habang nakayakap sa picture frame. Kung andito ka lang Sana edi binulyawan mo na Ang gagong Yun at pinagsisipa na. Edi Sana may kakampi ako ngayon at may ganang lumaban sa mokong nayun.
Napaangat ang ulo ko Ng may humintong sasakyan sa gilid Kong nasaan ako. Ito Yung kotse kanina, Hindi ko Nakita ang may ari dahil sa nakakasilaw na headlights nya kanina pero alam ko na ito yun. Biglang bumaba ang bintana Ng kotse at Nakita ko ang lalaki na nakatingin sakin na nakakunot ang noo. "Look, I'm sorry. Sorry sa mga nasabi at nagawa ko. Hindi ko sinasadya at Hindi Rin talaga Kita napansin kanina but it's not an excuse to yell at you like that.", tinitigan ko lang sya Ng di kumukurap. Biglang naging kalma ang kanyang expresyon, "I want to take you to the hospital baka may kung Anong galos ka. That's the least I can do to ease my conscience.", tumayo ako at pinunasan ko ang tumuyong luha sa pisngi.
Tumunog na Naman ang sikmura ko at parang nagwawala na talaga ang bulate ko sa tiyan. "Wala akong galos o anuman kaya wag mo nalang akong dalhin sa hospital. Pero pwede mo akong bigyan Ng Pera para mabawasan yang konsensya mo. Kahit maliit lang pang kain lang at pamasahe, narinig mo Naman siguro ang reklamo Ng tiyan ko diba.", Sabi ko sa malumanay na paraan. Di ko mabasa ang expresyon Ng Mukha nya dahil nakatitig lang sya pero maya't mayay napakamot sya sa kanyang ulo. "Wala akong dalang cash, pasensya na.", napabuntong hininga nalang ako mukhang titiisin ko Muna ang paglalakad Ng ilang kilometro bago makakain.
Tumalikod nalang ako at akmang maglalakad na, "Wait! I can bring you to the nearest restaurant if you want. May dala Naman akong Pera pero nasa card ko nga lang. Pero kung gusto mo mag wi-withdraw Muna ako." Napalingon ako ulit sa kanya, ok Rin yon Basta makakain lang ako. "Cge pero dyan nlang Tayo sa may bulaluan malapit dito may ATM yata sa labas Ng restaurant nila para mas madali. Kailangan ko lang Naman Ng maliit na halaga pang kain at pamasahe." Tumango sya at sumang ayon sa suhestyon ko, "Okay hop in, I'll bring you to the restaurant so we can settle this already." Medyo nag alinlangan pa ako Nung una pero sumakay narin.
A.N.
Please vote, comment, share , recommend to your friends or kahit anu pa kung nagustuhan nyo... mwuah mwuah luv luv 💙
YOU ARE READING
You look wonderful tonight
General FictionTrue love is painful. True love is not always sunshine and rainbows. True love is full of heartaches. Yet true love is the most wonderful gift, one can bring even in eternity. A.N. Hope you like it. Mwuah mwuah luv luv💙