Dark Christmas Special

10 5 0
                                    

[The Cold Case x She's a Serial Killer]

  December 23, 2014
8:07 A.M


Sage's POV

"Sage, nainterview mo na ba ang witness?" tanong ni Chief Suarez sa akin. Magpapasko na ngunit isang malaking kaso na agad ang bungad sa amin. This case is our fucking Noche Buena, I guess. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o hindi dahil kay Chief Suarez ako naasign na magintern. Damn it's our Christmas break yet I'm working my ass off here in his department.

It was the fucking child's fault for calling on our landline yesterday. I was on my way home when suddenly this girl called. I thought it was a prank because it's common nowadays. Sinabi lang ng batang babae ang location at kaagad niya nang pinatay ang tawag. I can't do anything but to check the location. Pagkarating ko doon ay kaagad ko rin nakita ang crime scene, kaya't tumawag na rin ako sa mga pulis.

"Pupunta pa lang ako sa crime scene sir, I'll immediately go to their house after I arrive there." Tumango si Chief Suarez at bumalik na sa desk niya kaya't pumunta na rin ako sa police mobile at nagmaneho papunta sa bahay ng magulang ng biktima. Nakumpiska na ang mga evidence kanina nila Chief Suarez at kaagad na dinala sa mga forensic investigators. Pati ang bangkay ni Aeron Morales ay nakuha na rin para suriin ito.

"Hoy bata, ikaw ba yung intern ni Chief Suarez?" tanong ng isang officer na narito rin. Tumango ako dito at sinenyasan niya ako na lumapit.

"Collected na ang mga evidence. I-interview mo nalang ang mga kamag-anak para may makuha kang mga ebidensya at possibly, a witness," sambit nito. Tumango nalang ako sa kanya kahit alam ko naman ang gagawin ko. Does he think that i'm a fucking child who doesn't know what to do?

"Got it Sir, Can I already excuse myself? Pupuntahan ko na po ang pamilya," Tumango naman ito kaya't umalis na ako. Halata na mayaman sila dahil sa laki at lawak ng bahay nito. Nang makita ako ng guard ay agad nito akong pinapasok at isang maid ang sumalubong sa akin at itinuro sa akin kung nasaan ang magulang ng biktima. Nasa living room ang mga ito at rinig ang iyak ng nanay ng biktima habang yakap-yakap ang picture ng kanyang anak habang ang tatay naman ay umiiyak rin habang kinocomfort ang asawa niya. Nandito rin ang mga kamag-anak nila na nagsisi-iyakan rin. Tumikhim ako para makuha ang mga attention nila.

"Hello, po sa inyo, Hello po Mrs and Mr Morales," bati ko sa kanila. Tumingin naman ito sa akin at bumati rin sa'kin.

"Maari ko po bang matanong sa inyo kung may nakakita ng aktual na krimen?" tanong ko sa kanila ngunit tanging iling lang ang sagot ng mga 'to.

"Mayroon po ba kayong ideya kung sino ang maaaring gumawa nito?" nagtaas naman ng kamay ang isang mid-40s na babae.

"Si Danilo Morales Sure ako, siya lang ang makagagawa noon! Ngayon nga ay wala siya rito," akusa ng babae.

"Ano hong pangalan ninyo? At ano hong relasyon niyo sa biktima?" tanong ko rito

"Rizza Dela Cruz po, kapatid ako ni Arin Morales, pamangkin ko si Aeron."

"Teka, hindi magagawa ng asawa ko 'yon!" galit na sigaw ng asawa ni Danilo.

"Hindi! Ilang araw ng balisa ang asawa mo. Ang weird nito kumilos, panay ang bisita kay Aeron. Nung minsan ay nakita ko pang muntik na siyang dalhin doon sa abandonadong park kung hindi ko pa sila hineram sa kanya si Aeron malamang natuloy na noon ang balak niya. Tapos ngayon nawawala siya, edi siya nga ang pumatay!" sumbat nito sa kanya. Muli akong tumikhim at ibinulsa ang recorder ko.

"Maari ko po bang maimbitahan kayong lahat sa police station para sa investigation?" sumang- ayon naman lahat sila. Nang makarating mga mga kaanak ng biktima sa police station ay nag-umpisa na kaagad ang interrogation. Nagsimula ito sa nanay ng biktima.

Dark Christmas SpecialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon