0

156 13 2
                                    

H Y A C I N T H 


Suminghap ako ng hangin dahil sa bango ng aking hinihigaan, kumapa-kapa pa ako habang nakapikit.


Nakapa ko ang unan sa aking tabi kaya agad ko iyong niyakap, sininghot-singhot ko pa ang amoy niyon. Pinabanguhan ko ba ang kwarto ko? Kailan pa ako bumili ng vanilla scent?


Ilang sandali pa ay agad na napabalikwas ako ng bangon at napadaing dahil sa sakit ng ulo at katawan ng biglang may naalala. 


Anong nangyari kagabi?


"A-anong.." Nanlaki ang mata ko ng mapaigik ako sa sakit ng pang ibabang katawan ko nung sinubukan kong tumayo. 


"Naibigay ko? Putangina, Bakit?" 


Ngayon ko lang din napansin ang kumot na nakatakip sa aking hubad na katawan.. Nahampas ko ang noo ko dahil sa prustasyon at inis. Unti-unting bumalik sa ala-ala ako ang mga nangyari kagabi sa kwartong ito. kung paano kunin ng babaeng 'to ang aking pinakainiingatan. Napasabunot pa ako ng buhok dahil sa katangahan ko kagabi, lalo na't ako ang may kasalanan ng lahat ng iyon.


Namumutlang bulong ko sa hangin. Hindi pwede, paano na? anong gagawin ko? Tangina naman kasi Hyacint!


Pinilit kong tumayo kahit nanghihina. Paanong may hotdog siya e isa siyang babae? Masyado ba talagang malaki iyon kaya hirap na hirap akong makalakad ngayon? naramdaman ko na nag init ang aking pisngi. 


Madumi na ang mga pumapasok sa utak ko dahil sa babaeng 'yon! Kasalanan niya 'tong lahat!!


Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto at nakita ang kalat na mga damit malapit sa pinto. Inis naman akong napa buntong hininga ng makitang sira-sira na ang dress at panty na pagmamay-ari ko, ang bra ko lang ang nanatiling buhay. Goodness gracious! Ganoon ba talaga kami ka wild kagabi?!


No choice ako na naghanap sa kabinet na katapat lang ng lamesita at agad na sinuot ang nakita kong damit. Matapos kong mag bihis ay dahan-dahan akong naglakad papalabas ng mahagilap ko ang isang portrait ng isang babae, hindi man nakangiti ay kitang-kita ang angkin nitong kagandahan, blanko ang mga mata nito sa sarili niyang portrait.


Ngunit hindi ako pwedeng magkamali, siya iyon. 





This mansion screams sophistication and elegance! Sana all mayaman!


"Señiorita, maari na po kayong kumain habang hinihintay si Madam." Muntik na akong mapatalon ng may biglang sumulpot saaking harapan.


Malapit na din ako sa pinto palabas ng mansyon lalo pa't hagdan na lamang ang layo ko mula rito. Napalunok ako, habang nakatingin sa babaeng nakangiti saakin.


"A-ah, susunod na lamang po ako." Magalang na may pag-aalinlangan kong ani ko rito, masama man magsinungaling lalo pa't nakakatanda ang aking kausap ngunit wala na akong pagpipilian pa. Gusto ko ng maka alis sa lugar na 'to.


Huminga ito ng malalim at may pinindot sa kanyang orasan pangbisig. Sandali niya akong nginitian at nagsimula na itong maglakad paalis.


Sinundan ko ito ng tingin hanggang mawala ang bulto nito, nagmamadali naman akong bumaba upang makalabas na dito.


May limang hakbang nalang sa hagdan ay makaka alis na ako ng bigla akong natalisod. Nanlaki ang mata ko sa takot medyo mataas pa ito kaya agad akong kinabahan.  Punyeta! Bakit ako natalisod?! Nadiligan lang naging lampa na huh! 


Baka magkaroon pa ako ng pilay dahil dito— ng may biglang umalalay saakin, binuhat pa ako nito na tila ba'y pang sa bagong kasal kaya napasinghap ako sa hangin.


"Where do you think you're going with my child?" Tumaas ang balahibo ko sa batok ng marinig ang malamig na boses na nagmumula sa taong buhat ako ngayon. Nilingon ko ito at kita ang pagtiim ng kaniyang bagang habang matamang nakatingin saakin.


Boang ba 'to? Anong WITH HER CHILD! 

Wala nga akong dala-dalang bata, pero baka may nakikita siyang bata na hindi ko nakikita, aba oi! 'wag naman sana !


"Nakasinghot ka ba ng katol?"






.     .     .     .     .     .     .     .     .

After a long looong time! I decided to continue this story. Sayang naman ang dami ko rin kasing drafts na hindi ko pinublish. Feeling ko 'yung writer's block  na nararamdaman ko nagpasya ng lumipat sa ibang tao. Hahaha! Pinost ko na 'to dati sa Facebook with my former account na hindi ko na mabuksan @Victoria Levıcher under my past username on this account @insaneburger. Sinasabi ko 'to para iwas confusion, may nakapag tanong din kasi. 


Babaguhin ko flow kasi hindi talaga ako satisfied sa una. Sorry talaga kung ngayon lang ako bumalik. T0T



This is a work of fiction. Any names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Plagiarism is a crime.

C : seaeiluj

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cover Me SheetsWhere stories live. Discover now