Chapter 46: Worry

2 3 0
                                    

Napatango na lamang sila.

Makalipas ang ilang oras ay nagkamalay na ang dalawang kaibigan ni Atty Lee.

"Mga sis kamusta na kayo, Pag aalalang sambit ni Atty Lee.

"Ok lang kami baka mamaya pwede na kaming umuwi, sambit ng dalawang kaibigan niya.

"Pasensya na kayo mga sis pati tuloy kayo nadadamay sa problema ko, sambit ni Atty Lee.

"Ano ka ba sis ayos lang yun wag mong sisihin ang sarili mo ok, ginagawa namin ito dahil kaibigan ka namin, sambit ni Atty Eun.

"Kaya nga sis tsaka prosecutor ako kaya dapat lang na gawin ko ang tungkulin ko, sambit ni Prosecutor Nam.

"Btw nakita ko ang mukha ng killer natanggal ko ang face mask at shades niya habang kinakalaban ko siya kanina, sambit ni Atty Eun.

"Talaga? Kung ganun sino yung killer, sambit nila Atty Lee.

"Si Jung Minsoo kahit madilim sigurado akong siya yun, sambit ni Atty Eun.

"Kung si Minsoo nga yun means niyan alam na niyang iniimbestigahan natin siya at dahil marami na tayong alam about sa kanya, sambit ni Prosecutor Oh.

"Tama actually nakausap ko yung mama ni Minsoo umamin siya sakin at inikwento niya lahat sakin, sambit ni Atty Lee.

"Sabi ng mama niya(Reffering to Minsoo) gumaganti daw si Minsoo sa mga kaibigan niya dahil sa ginawa ng mga yun sa kapatid niya, dahil hindi lang ito basta nirape at pinagsaluhan pagtapos nun pinatay pa nila, sambit pa ni Atty Lee.

"Bakit kailangan si Minsoo pa ang gumanti anong ginagawa ng mga pulis? At tsaka isa pa bakit hindi na lang nila idaan sa korte yan para man lang mabigyan ng hustisya ang pangrerape at pagpatay sa kapatid niya, sambit ni Atty Han.

"Yun nga ang rason walang nagawa ang korte dahil sa Prosecutor na humawak ng kaso ng mga rapist na yun, dahil wala siyang ginawa binasura niya lang ang kaso noon kaya hindi nabigyan ng hustisya ang pangrerape at pagpatay ng mga suspek sa biktima, kaya ngayon si Minsoo ang gumaganti dahil wala na siyang tiwala sa mga batas batas na yan at lalo na sa mga prosecutor, mahabang sambit ni Atty Lee.

"Kung ganun kailangan na nating mag ingat, sambit ni Prosecutor Na.

"Tama ka dyan Jia dapat mag ingat na tayong lahat, lalo ka na(Reffering to Atty Lee) mag iingat ka dahil ikaw talaga ang hinahanap ng killer lalo na ikaw ang nakasaksi ng unang pagpatay na ginawa niya, sambit ni Prosecutor Nam.

"Oo nga ang sabi niya samin bago siya umalis iisa isahin niya daw tayong lahat at ikaw na ang isusunod niya sis(Reffering to Atty Lee), sambit ni Atty Eun.

"Hindi ako natatakot sa kanya, kung ako ang kailangan niya ako ang harapin niya at wag na siyang mandamay pa ng iba, sambit ni Atty Lee.

"Hindi ganun kadaling kalaban si Minsoo, sambit ni Prosecutor Nam.

"Wala akong pakialam nakaharap ko na siya dati, kaya madali na lang para sakin na harapin siya ngayon, sambit ni Atty Lee.

"Pero soojin wag kang padalos dalos ng desisyon baka nakalimutan mo nang muntik ka ng mapatay ni Minsoo, at isa pa hindi lang niya basta isang beses pinagbantaan ang buhay mo kundi dalawang beses, kaya baka pagnagkaharap ulit kayo matuluyan ka na niya, sabat ni Prosecutor Park.

"Wala kang pakialam kaya ko naman ang sarili ko, sambit ni Atty Lee.

Aalis na sana siya ng biglang nagsalita si Prosecutor Park.

"Nag aalala lang naman ako sayo soojin, hindi naman purke wala na tayo ay hahayaan ko na lang na may mangyaring mang sama sayo, sambit ni Prosecutor Park.

"Hindi mo kailangan mag alala sakin, i repeat kaya ko ang sarili ko, sambit ni Atty Lee.

"Insan mauuna na ako sayo umuwi, sambit pa nito.

Saka umalis na siya.

Samantala ang mga kaibigan niya nag siuwian na din at sila Prosecutor Nam at Atty Eun ay nakalabas na din sa hospital.

Samantala habang naglalakad si Atty Lee papunta sa Unit ng pinsan niya ay napansin niyang may sumusunod sa kanya, kaya nagdali dali siyang maglakad hanggang sa napahinto siya sa may nabangga siyang lalake.

"Sino ka! Lakas loob na sambit ni Atty Lee.

Ngunit hindi ito nagsalita at hinawakan lang siya nito. Hanggang sa naabutan siya ng taong sumusunod sa kanya.

"Sino ka! Bitawan mo ko sino ba kayo! Lakas loob na sambit ni Atty Lee.

"Kamusta kana Atty Lee, sambit ni Minsoo.

"Jung Minsoo! Gulat na sambit ni Atty Lee.

"Ikaw anong kailangan mo sakin, bitawan niyo ko kung hindi sisigaw ako dito, malakas na sambit ni Atty Lee.

Sabay inilagay ng isang lalake ang panyo sa ilong ni Atty Lee na naging dahilan ng pagkawala nito ng malay, pagkatapos ay sinakay nila ito sa kotse at dinala sa isang warehouse.

Samantala ng makauwi na ang pinsan ni Atty Lee at nagtaka ito dahil napansin niya na, parang napakatahimik pa ng unit niya kaya nagdali dali itong pumasok sa loob at tinignan niya agad ang kwarto ngunit wala doon si Atty lee.

"Huh? Nasaan si soojin? Gabing gabi na di parin siya umuuwi? Takang sambit ni Atty Lee Junwoo sa sarili niya.

Hanggang sa umupo siya sa sofa para hintaying umuwi ang pinsan niya, hanggang sa nakatulog na siya sa sofa.

Kinabukasan:

Nang magising siya ay pumunta agad siya sa kwarto para tignan kung nakauwi ba ang pinsan niya kagabi, ngunit ng tignan niya iyon ay ni anino man ng pinsan niya ay di niya nakita doon kaya nagdali dali siyang umalis.

Samantala maagang pumasok si Prosecutor park sa trabaho niya ng papasok na siya ay bigla naman may tumawag sa kanya.

"Prosecutor Park! Sigaw ni Jungho (Anak ng mayor)

"Oh ikaw pala Jungho anong maipaglilingkod ko sainyo, sambit ni Prosecutor Park.

"Ito nga pala ang mama ni Minsoo mag tetestify daw siya laban sa anak niya, pinaliwanag ko na sa kanya na hindi talaga ako kasama sa mga nagrape sa bunso niyang anak, sambit ni Jungho.

"Mabuti naman po at naniwala kayo kay jungho, sambit ni Prosecutor Park.

"Oo naman noon pa man alam ko ng hindi niya magagawa yun sa anak kong babae dahil alam kong mahal na mahal niya yun, alam ko na matagal na silang may relasyon ng anak ko, sambit ni Mrs. Jung.

Sabay napangiti na lang si Prosecutor park.

~PROSECUTOR~ (Chanyeol)(Completed✔)Where stories live. Discover now