Pauwi na ako galing sa tahanan ng isa kung kaibigan na si Steven, ng makasalubong ko ang isa sa aking mga kaibigan na si Christine. Ako'y labis na nagtataka kong bakit parang wala siya sa kaniyang sarili habang naglalakad. Tatawagin ko na sana siya ng bigla kung napansin na hindi ko pala nadala ang aking bag. Walang pagdadalawang isip na bumalik ako sa tahanan nina Steven at doon ay nakita ko siya'ng tulala sa upuan ng kanilang bahay, nakatitig sa laman ng aking bag; namumutla. "Oh," saad ko sabay ngisi "Nakita mo na pala?" Sabay tingin ko sa bag kung saan ang ulo ni Christine.
:)
-CrazyMe