Hating gabi na, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa mga panaginip ko kaya tumayo ako at kinuha ang cellphone ko para gawing flashlight dahil walang kailaw-ilaw sa bahay namin. Brown-out ata.
Ng makalabas ako ng kwarto ko pinuntahan ko kaagad ang kwarto ng ate ko, magkatabi kami ng kwarto kaya madali lang ako makakapunta sa kanya at isa pa hindi naman masyadong malaki tong bahay.
Kakatukin ko na sana ang pintuan niya ng makaramdam ako ng lamig sa aking katawan tiningnan ko kung saan ng gagaling ang malamig na hangin. Nakabukas pala ang bintana namin. Nakalimutan ko ata.
Pinuntahan ko ito at isinarado ng makita ko ang reflection sa bintana.
"Ate" tawag ko, baka si ate yun.
Narinig kong may bumukas sa pintuan kaya pinuntahan ko kaagad. Saan ba pupunta si ate?
"Ate!" tawag ko ulit pero walang sumasagot.
Ng bubuksan ko na ang pinto may biglang humawak sakin.
"Hating gabi na saan ka pupunta?" Sabi niya ng nakakubot ang ulo.
"A-ate?" Nagtataka kung tanong. Natatakot na. Sino yun?
"Oh bakit parang nakakita ka ng multo"
Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko alam kung sino yung lumabas eh kami lang dalawa dito ng ate.
"Saan ka ba galing ate?"
"Huh-ah nag CR ako"
Tumingin ako kay ate at sa pintuan.
"Tara na nga" sabi niya.
Sumunod nalang ako sa kanya at napagtanto ko na baka guni-guni ko lang yon. Hindi palang kami makapunta ng pintuan bigla tumawag ang kaibigan ko sinagot ko ito baka emergency dahil hating-gabi na.
"Oh ano?"
"A-ate m-mo" natataranta niyang sabi . Hindi ko siya naiintindihan.
"Huh andito si ate sa bahay bakit ba? Ahh hindi ka makatulog no, wag mo na akong-"
"Si a-te mo nagpakamatay m-malapit dito saamin, tumalon sa b-building" maiyak-iyak niyang saad.
"Huh anong sinasabi mo andi-" tumalikod ako...wala si ate.
Credit to the owner of this horror short story: M@nDall (Wattpad)
Edit: SelDaut
-CrazyMe