(Prince P.O.V.)
(Sa Kotse)
"Mama." tawag ko sa mama ko habang papunta sa Rose Academy, lilipat kasi ako dun, hay sayang tuloy yung mga Chicks ko sa dati kong school. well ako nga pala si Prince Choi, Prince ng buhay mo for Short hehehe, 15 y/o, half Korean Half Pilipino,well di naman kami ganun kayaman. sadyang matalino lang ako at nakatanggap ako ng Scholarship kahit ayaw ko, maganda daw kasi dun kaya gusto nila papa na dun ako mag aaral.
"Mama, anu ba kasi nagustuhan ni papa dun?" inis na tanong ko kay mama, pasalamat sila at bagay yung Uniform sakin, kung sa bagay, bagay naman kasi lahat ng klase ng Damit kasi Gwapo ako ahaha..
"Just be Patient Son, You'll see what your Father Picked For you to go to. and maybe be greatful about it."sagot sakin ni mama, sus paenglish-english pa mamaya nosebleed na yan. -_-. "hay sayang tuloy ang mga chicks ko dun" pabulong kong sabi. "edi maghanap ka nalang ng bago dun sa R.A" walang ganang sabi ni mama. O_o narinig nya yun? nahiya tuloy ako at humarap na sa labas.
(30 mins later)
"Wow! ang gwapo nya!!!" alam ko >;)
"OMG sya yung napanaginipan ko kahapon na asawa ko." nakita mo na ba yung mukha mo? nightmare ata yun ei. -_-
"Ghad! nakikita ko na future ko with him" manghuhula ka teh? -_-
"Kuya! laglagpanty ko!" O_O Ok.......
Ang ingay dito, ansakit sa tenga, well dapat masanay na lang ako kasi gwapo ako ei hehehe ;D dumeretso na ako sa room pag kuha ko ng room number ko at may nagaantay na babae sa pinto, teacher ata.
"You must be Mr.Choi,Im Mrs. Velasquez your advicer."Bati sakin ni Ma'am. "Nice to meet you too ma'am" bati ko rin sa kanya.
"Please wait here until i ask you to come in, ok?"tanong nya sakin, papakilala nya na yata ako sa klase kaso Surprise ata dapat. "I understand" pumasok na sa room si Mrs.Velasquez.
Sumilip ako sa bintana sa may pintuan. Grabe! yan ba yung nagustuhan ni daddy sa School na to? Walang nakikinig sa teacher, may nag hahabulan,naghaharutan,nagkwekwentuhan,naglalandian at natutulog, Tsk! mga walang modo!-_-.
"Mr.Choi you can come in now."Narinig ko na si Ma'am na tinatawag ako. nag ayos ako ng onte kahit gwapo na ako xD at pumasok. napatigil ang lahat at tumingin sakin, at as usual naging haliparot mode ang mga babae, pwera lang dun sa isang babae na nasa GITNA NATUTULOG grabe tibay ah gitnang gitna pa.
Pag dating ko sa ginta bale katapat ko sya kaso medyo malayo last row kasi sya ei,kinukulit sya nung katabi nyang lalake pinipilit sigurong gisingin,umangat ang ulo nya at tumama yung tingin nya sakin.
O.O OH MY SYETE! dyosa ba to? ang ganda nya! para syang prinsesa. Nagpakilala na ako pero di ko parin inaalis ang tingin ko sa kanya. namumula na sya at lalo syang gumaganda.
inasign na ni Ma'am ang upuan ko at kung pinagpapala nga naman ang kagwapuhan ko eh sa tabi nya ako pina upo!! *U* Heaven to mga Dude! HEAVEN! Nakakabading man sabihin pero kinikilig ako >_< bakit ganun love at first sight ba to? YUCK so GAY!
pinaalis na yung katabi nyang lalake at bumalik sa upuan nya, Aba ang sama ng tingin sakin neto ah Dukutin ko mata mo jan ei! habang papunta ako sa kanya nakatitig parin ako sa kanya sya naman nakatingin sa harap ng namumula parin wow ang ganda nya talaga, pag upo ko nakatingin parin sya sa harap at ako naman nakatitig sa kanya.
"Hi, pwedeng malaman pangalan mo?" tanong ko sa kanya, di ko na mapigilang ang Cute nya! >_< smile lang ako para di halata masyado. "Hello,Eunice Clarkson,Eunice for short." halatang kinakabahan sya at pulang pula na pag harap sakin. ang ganda rin ng boses nga prinsesa nga sya hehehe prinsesa ko :D. Mukhang magugustuhan ko nga dito ah, tama si mama i'll be grateful daddy enrolled me here.
"Nice to meet you,sige makinig na tayo"sabi ko sa kanya at humarap na, di ko na kaya mamaya kung anu pa magawa ko pag tinitigan ko pa sya ang ganda kasi xD. Mukha ngan nahanap ko na ang prinsesa ko. Si Eunice ang Prinsesa na lagi kong proprotektahan sa abot ng aking makakaya, ang prinsesa ng buhay ko.
__________________________________________________-
TAPOS NA!!!! :3 PANGET? SORRY ROOKIE PALANG AKO EI XP WELL ENJOY PARIN.
SI PRINCE CHOI NGA PALA YUNG NASA GILID! ENJOY! :*
VOTE,COMMENT,SHARE,FAN,ADD :3
#CHEESECAKES AND MATOKI BUNNY <3
![](https://img.wattpad.com/cover/3956072-288-k168588.jpg)
BINABASA MO ANG
Pangarap lang kita (Under Construction)
Teen FictionA kahit mahal kita, Wala akong magagawa, Tanggap ko to aking sinta, Pangarap lang kita.....