New Student,New Hope?

89 1 3
                                    

"Eunice! Gumising ka na jan!!" sigaw ni Crizza kay Eunice. "Mamayanahantokpaako" antok na sabi ni Eunice sabay talukbong ng kumot. 

"Ok, amin nalang tong Cheesecake!" Sigaw ni Mae ng nakangisi. Nag madali namang bumaba sa Eunice na halos madapa na papuntang kusina.

"SIge, Subukan mong ubusin ang CheeseCake ko kung gusto mo pang makapasok sa School ng buo ang parte ng katawan mo." PAgbabanta ni Eunice kay Mae habang nakatingin ng masama.

"Ahahaha,Brutal ka talaga Eunice parang cheesecake lang ei." sabi ni Crizza na kasalukuyang paupo sa upuan para kumain. nakatanggap na naman siya ng nakamamatay na tingin galing kay Eunice.

"ahahaha, kunin mo na lahat kay Eunice wag lang ang cheesecake nya. Kahit Broken hearted yan ok lang basta may Cheesecake sa harapan niya!" tawang-tawang sabi ni sunshine. Binatukan naman ni Crizza si sunshine at napatingin naman sila kay Eunice na nanlulumo ang mukha dahil na alala nanaman niya ang nangyari...

(Flashback)

Eunice P.O.V

Naglalakad ako papuntang next class namin.paliko na ako sa hagdanan ng may nakita akong naging dahilan ng pagtulo ng luha ko.

Si Clarence Park at si Rina Kim magka holding hands at naglalampungan sa hagdangan. Si Clarence, ang taong pinaka mamahal ko simula pa nung unang pagtapag ko sa high school, pero kaibigan lang ang tingin sakin. 

Di ko na nakayanan ang mga nangyayari kaya umakyat ulit ako sa taas, wala na akong pakielam kung sino ang nakakakita sakin ng ganito, wala na akong pakielam kung sino ang nababangga ko puro imahe lang nila Clarence ang nasa isip ko at masakit sobrang sakit! 

Nakapasok na ako sa classroom namin, wala nang tao dito dahil sa baba kami magkaklase ngayun kaya ako nalang ang tao dito pero nagulat din ako nung may pumasok at yumakap sakin. isa sa best friend Ko sa Sunshine.

"bhe, mahal ko talaga siya kaso pano ko sasabihin sa kanya eh may mahal na siyang iba?" sabi na Eunice habang umiiyak sa tabi ni Sunshine na todo comfort sa kanya.

"Hay, nako yaan mo na just be happy for him, thats the best way of being his friend." Sagot ni Sunshine sa kaibigan na nakayakap parin sa kanya.

"siguro nga tama ka, dapat tanggapin ko na lang na may mahal na syang iba." Sabi ni Eunice habang unti-unting pinupunasan ang mga luha niya.

"tama, layuan mo na rin siya o iwasan manlang para makalimutan mo na sya ng tuluyan." payo ni Sunshine habang hinahagod parin ang likod ni Eunice.

"tama, panahon na para mag bago. kahit mahal ko sya,wala naman akong magagawa eh,tanggap ko na na pangarap ko lang sya." sagot ni Eunice at tuluyan nang umalis ng silid kasama si Sunshine.

(End of Flashback)

Di ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko,bigla nalang akong niyakap ila Crizza at humagulgol na ako lalo,

"Wag kang nang umiyak Eunice" pag papatahan sakin ni Mae. "Mawala na ang lahta ng lalaki sa mundo" dagdag naman ni Crizza."Nandito parin kami para sayo,Tandaan mo yan." Dagdag pa ni Sunshine.

"Thanks Guys, Da bes Talaga kayo! Thanks talaga!" sabi ko sa kanila at niyakap ng mahigpit. "Oh! halika na at baka malate na tayo, Lagot nanaman tayo kay Sir Panot niyan" Sabi ni Mae habang humihiwalay na sa group Hug. "hala di ko pa nga nakakain yung Cheesecake ko ei!" Kasi naman di ko pa natitikman T.T "hahaha baunin mo nalang," At nagsi tawanan na kami.

Pangarap lang kita (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon