* Rodrigo's POV *
"Wala na akong magagawa! Napakalaki na ng utang ko sa casino. Bigyan mo na ako ng pera, sinisingil na nila ako! Baka makulong ako."
"Ayan, sa kaka-gimik mo kasama ang mga amiga mo, imbes na manatili ka lamang dito sa bahay at alagaan mo kami ng anak mo, tingnan mo nangyare? Nagbuhay Dalaga ka. Ayan, Baon na baon na talaga tayo sa utang. Lahat na nga ari-arian natin naibenta ko na, kahit itong bahay natin nakasangla na. Wala na kong perang maibibigay sa'yo."
"Hindi maaari iyon! Anu na lang sasabihin ng mga amiga ko?"
Hindi na ako nakapagtimpi, nasampal ko na ang asawa ko sa ka-una-unahang pagkakataon.
"Ganyan ka ba talaga ka-tuso Camilla? Nanganganib na ang buhay natin, baka bukas pulutin na lang tayo sa kangkungan pero mga amiga mo pa din ang iniisip mo? Aba mahiya ka! Napaka-pabaya mo!"
"Aba, baka nakakalimutan mo Rodrigo, isa ka ding pabaya. Inuubos mo din ang pera natin kaka-sabong mo! Parehas lang tayong pabaya!"
maluha-luha na si Camilla dahil sa ginawa ng kanyang asawa. Nanahimik na lamang silang dalawa at nagtatangkang mag-isip ng solusyon sa kanilang problema. Batid sa kanilang kaalaman, ang kanilang unica hijang si Camille ay nakikinig sa kanila.
"May naisip na ako." binasag ni Camilla ang katahimikan.
"Ano naman?" nagtatakang tanong ko.
"Humingi tayo ng tulong kay Mariano." sagot ni Camilla.
"Subukan natin." pagsang-ayon ko.
Nung araw na din iyon ay pinuntahan naming mag-asawa si Mariano. Susubukan naming manghiram ng pera.
"Sige, kahit hindi na iyon utang. Ibibigay ko ang perang kailangan niyo. Pero, sa isang kondisyon.." sabi ni Mariano.
"Anu iyon?" tanong ni Rodrigo.
"Ipagkasundo mo ang unica hija mo sa unico hijo ko." tugon ni Mariano.
Labag man sa kalooban ng mag-asawa ang napagkasunduan, wala silang nagawa kundi umo-o na lamang. Takot silang matulog sa bangketa at tuluyang maghirap kaya kahit ang kanilang anak ang kapalit, pumayag na lang sila.
Pag-uwi namin sa bahay, hinanap ko si Camille para kausapin tungkol sa kasunduan.
"Cam, Anak. Pakibukas itong pinto."
"Bukas na lang Papa, pagod po ako."
"Sige na Camille! buksan mo ito." napalakas ang boses ko kaya binuksan ni Cam ang Pinto.
"Pa, bakit kayo nag-aaway ni Mama kanina? Pwede naman akong magtrabaho para sa inyo kung wala na tayong maipang-gastos."
"Wag mo ng alalahanin yun Hija, teka at umupo tayo. Kakausapin kita.." umupo kami sa couch sa may kwarto ni Cam.
"Anak.. Alam mo na sigurong naghihirap na tayo. Ngayon, gusto ka naming ipagkasundo ka sa unico hijo ni Mariano."
"Dad, di ba sabe ko pwede akong magtrabaho? Architect ako Pa, I can quit sa pagiging social worker. Pero pleeease, don't ever dare to sell me. Ayokong kayo ang mag-desisyon sa taong mamahalin ko. Kayo na ang nagde-desisyon sa buhay ko simula nung bata ako. Now, sana ako naman. Malaki na ako eh."
"Pero Anak, ito lang ang paraan para masalba ang Pamilya natin."
"So ibebenta mo talaga ang anak mo? Kaya ko naman kayong buhayin. Hindi nyo na kailangan gawin iyon.."
"Pero Anak, hayy. Sige matulog ka muna. Pag-isipan mo yan Anak."
* Camille's POV *
"Pero Anak, hayy. Sige matulog ka muna. Pag-isipan mo yan Anak."
"Sige Papa, Good Night."
humalik ako kay Papa, sinarado na niya ang pinto. Humiga na ako, pero hindi pa din ako makatulog. kailangan kong maka-isip ng paraan para makatakas sa bahay. Kailangan kong magpakalayo-layo.. Ayokong makasal sa taong hindi ko mahal! Ayoko!
Tinawagan ko ang bestfriend kong si Liz.
"Hello, Liz?"
"Oh, Camille? Bakit? Gabi na ah. Problema?"
"Liz, tulungan mo naman ako."
"Anu ba yun?"
"Liz, kailangan kong makatakas dito sa bahay. Gusto akong ipagkasundo ng mga magulang ko kapalit ng pera." naiiyak na ko habang kinukwento sa kanya.
"Ano? Nahihibang na talaga yang magulang mo noh? Anung balak mo ngayon?"
"Oo, kaya nga please, Pumunta ka dito, papatakas ko sa'yo mga damit ko para di nila ako mahalata bukas."
"Osha sige, magbibihis lang ako. Ihanda mo na ah. Pupunta ako dyan."
"Osige Liz. Pumunta ka na lang dun sa tapat ng terrace ng kwarto ko ah, ibabato ko yung bag ko. Salamat."
"Sige." Naka-usap ko na si Liz. Ihahanda ko na mga damit ko.
Matapos ang isang oras, nag-ring na ang phone ko. Si Liz, andyan na siguro siya. Tumingin ako sa terrace, nandun na nga siya. Pumasok ulit ako sa kwarto at kinuha ang bag ko. Hinagis ko na sa kanya at sumenyas ng "Salamat" tapos umalis na siya.
I'm sorry, mama at papa.. maybe it's time for you to give what I want.
* Don't forget to Vote, Comment and be a FAN. Thanks! :)
BINABASA MO ANG
Runaway with Me
Teen Fictionas i met him after running away, i realized that my home is where he is.