Chapter 2

5 0 0
                                    

kinabukasan ..

* Camille's POV *

"Ma, Pa, may feeding program kami sa Payatas. Baka po gabihin ako.." paalam ko sa kanila.

"Ah osige anak. Hindi ka man lang ba kakain muna?" - Rodrigo

"Ay hindi na po, kailangan ko po kasing pumunta ng maaga dun, marami pong aayusin."

"Osha anak, mag-ingat ka." - Camilla

Humalik na ako kayla Mama at umalis. Ayoko man sanang gawin ito pero kailangan. Sana maintindihan nila ako sa oras na mabasa nila ang sulat na iniwan ko sa kama ko.

Papunta na ako ngayon sa Bus terminal, magkikita kami ngayon ni Liz para ihatid ako at dalhin ang mga damit na ipinatakas ko sa kanya.

Biyaheng Batangas ang pupuntahan ko. Sakto namang pagdating ko sa terminal ay nandoon na si Liz.

"Cam, Sure ka na ba dyan sa gagawin mo?" tanong ng bestfriend ko na si Liz.

"Oo, ayoko man pero kailangan eh."

"Nag-aalala kasi ako sa'yo Camille. Baka mapano ka, kung sa amin ka na lang kaya tumuloy?"

"Hindi pwede doon, matutunton ako nila Mama doon."

"Eh, baka ma-rape ka or ma-kidnap. Kargo de konsensya kita 'pag nagkataon."

"Don't worry Liz, may matutuluyan akong friend doon."

"Osige, di na kita kukulitin kung saan man yan. Alam kong di kita mapapa-amin. Tawagan mo na lang ako kapag may problema ha?"

"Sure, Take care."

pumanhik na ako sa bus at hindi ko na nagawang lingunin si Liz dahil iniiwasan kong maiyak.

Ang totoo ay nagsinungaling ako kay Liz. Wala talaga akong kilala sa Batangas. Pero kailangan kong lumayo, yung hindi nila ako matutunton. Ayoko kasing magpakasal sa ganoong paraan.

Tiyempo namang parang nakikisabay sa pagda-drama ko ang Langit. Kani-kanina lang ay tirik na tirik ng sikat ng araw, ngayon dumidilim na ang langit at tila uulan ng malakas.

Paglabas ng sinasakyan kong bus sa Maynila ay doon na bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Sinabayan ko ang pagsama ng panahon. Tahimik akong umiiyak, upang mailabas lahat ng sama ng loob ko sa mga magulang ko. Lumaki akong uhaw sa pagmamahal nila. Kaya laking pasasalamat ko at pumwesto ako sa hulihan kaya hindi ako napapansin. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan. Namatay ang makina, pumugak-pugak. Dahil siguro dumaan ang bus na mataas ang baha.

"Nalintikan na!" sabi nung driver.

"Sinabi na kasing palitan ang makina nito eh!" dugtong pa ng konduktor.

"Lintik naman kasing amo 'yon, saksakan ng kunat! Sandamukal ang pera, makina lang nito 'di pa mapalitan." galit na sabi ng driver

"Pasensya na ho, Ser at Ma'am, tumirik ho ang sasakyan. Lipat na lang ho kayo sa iba." nahihiyang sabi ng konduktor.

May ibang nagalit at nagmura. Yung ibang bubulong-bulong.

Hindi na ko nagsalita at binitbit ko na ang bag ko. Wala akong dalang payong kaya maliligo ako nito sa ulan.

Madilim na ang langit pero tanghali pa lang. Madalang ang nagdadaang bus, at kadalasan puno pa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lng ay wala pa man lang ako sa Laguna.

Basang-basa na ako. Mabuti na lang at may nakitang akong waiting shed. Tumakbo ako doon para sumilong.

Ilang sandali pa lang ako nakakasilong sa waiting shed, ay may nakita akong restaurant ng igala ko ang mata ko sa paligid. Mabuti pang doon muna ako sumilong habang wala pang sasakyan.

Halos mapuno ang ng customers ang loob ng restaurant. Maliit lang kasi.

Mga stranded din siguro ang karamihan. sabi ko sa sarili ko.. Humanap ako ng pupwestuhan, pero iisang na lang ang bakanteng silya nakita kong may makakasalo pa kong lalaki sa mesa kung sakali.

Pero ginaw na ginaw na ako. Kailangan kong makainom kahit kape man lang. Lulunukin ko na lang ang hiya..

"Pwede pong maki-share?" ngatal kong sabi paglapit ko dun sa lalake.

"Sure." tumayo pa ang lalaki para hatakin ang silya para sa'kin.

"Salamat ho." umupo na ako, nilagay ko ang bag ko sa bandang paanan.

"Basang-basa ka na ah. I suppose, coffee ang oorderin mo?" nakangiti niyang tanong sa'ken.

Doon ko lang napansin na gwapo pala yung lalaki. Napatulala ako. Kaya bago pa man ako makasagot ay tumawag na siya ng serbidora.

Agad na lumapit yung tinawag.

"Dalawang coffee. Miss, ano pang gusto mo?" tanong niya saken.

Umiling lang ako. Umalis na yung serbidora.

Tiningnan ako ng matiim ng lalaki. Bigla akong naasiwa. Na-conscious ako. Ni hindi ko man lang natingnan ang sarili ko sa salamin. Habak na hakab na sa katawan ko ang suot kong T-shirt na puti pa man din. Tumutulo pa ang tubig-ulan sa buhok ko na itinali ko sa gawing likod.

"Magkakasakit ka sa ayos mong yan." nag-aalalang sabi nung lalaki. Inilihis kong ung tingin ko. Hindi ako sanay makipag-usap sa estranghero lalo na kung ganito kagwapo. Social worker ako pero 'di ako palakausap sa tao. Kaya dinadaan ko na lang sa gawa.

"May Spare Clothes ka naman ata, mas mabuti kung magpalit ka muna. May CR naman siguro dito." dugtong pa nung lalaki. Tinitigan ko siya, pero hindi nagtagal iyon. Iniwas ko ulit ang titig ko sa kanya.

"Know what? Ang ganda-ganda mo pa naman, kaya lang.. nawawala palang bigla ang dila mo." napatingin ako dun sa lalaki at nakita ko syang nakangiti kaya 'di ko rin napigilan ang sarili ko na ngumiti.. dahila sa biro nito, at sa papuri na rin siguro.

"Kahit pala wala kang dila, sweet ka naman ngumiti." ang ngiti sa mga labi ko ay napalitan ng tawa. Bagay na ngayon lang nangyari sa buhay ko..

"Sorry Mister, hindi ko lang kasi nakagawiang makipag-usap sa hindi ko kilala." sabi ko

"My Fault. I'm Justin, Justin Ramirez." inabot niya sa'kin ang kamay niya at akmang gustong makipagkamay.

"Trying to pick me up?" sabi ko pero pabiro. Hindi ko inabot ang kamay ko. Kaya Binaba niya ang kamay nya.

"No. I'm trying ko keep your warm. You're soaked to death. Magpalit ka na ng damit. Yun ata ang CR.." Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Justin.

"Pasasamahan kita sa serbidora after ihatid yung coffee natin, okay?"

"Okay, Thanks." nginitian ko ulit siya.

"You're very much welcome. Pero I think, mas maganda pakinggan ang thank you mo kung dudugtungan mo ng pangalan mo, Please?"

"I'm Camille."

"Camille Maganda. Kasing ganda ng ngiti mo." pambobola pa nung lalaki. .. Pero naramdaman kong nag-blush ako :)

* Don't forget to Vote, Comment and be a FAN. Thanks! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Runaway with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon