Chapter 2 (Immortal )

4 2 0
                                    

Nagising ako sa isang di pamilyar na lugar, ramdam ko pa din ang pagkahilo, at sakit ng pangangatawan ko sa nangyari kanina.

Pinsadahan ko ng tingin ang paligid ko at dun ko lang napansin na nasa isang maliit na kubo ako. May kalumaan na ito pero halata dito na may naninirahan dito.
Bumukas ang pintuan ng kubo at pumasok ang isang matandang lalaki na may bitbit na palayok . Kahit naguguluhanan ako ay nagawa ko pa den pagmasdan ito , para siyang isang ermitanyo sa isang pelikula , mahaba at puti na ang kanyang balbas , kulobot ang balat , at kakaibang pananamit .

Naalala ko ang binanggit ng nagsasalitang puno kanina, ang sabi niya ay nasa mundo ako ng mga imortal, ngunit bakit iba ata ang nararamdaman ko sa matandang nasa harap ko, wala akong nararamdaman na panganib sakanya, bagkus ay magaan ang loob ko dito. Hindi kaya ay nasa unang panahon ako? 
Natigil ang aking pagiisip ng magsalita ito .

" Maayos na ba ang pakiramdam mo iha?"malumanay nitong sambit

" Maayos na po" sambit ko , napansin ko ang palayok na kanyang dala may laman itong mga halaman , para itong nilagang halaman  na gamot .

Napansin niyang nakatingin ako sa dala nya kaya napatingin din siya dito

" Inumin mo ito iha ng mas mapadali ang paghilom ng mga sugat mo at bumalik ang lakas mo"
Nagugulohan man ay kinuha ko ito .

" Maraming salamat po, pero nais ko lang pong malaman kung anong lugar po ba ito"

Nahalata ko ang pagkataka sa muka nito, pero sinagot niya pa den ang aking tanong.
"  Andito ka ngayon sa bayan ng Fallwell , ngunit nagtataka ako bakit hindi mo kilala ang baryo na ito ,halos lahat ay kilala ang baryong ito at iniiwasan na mapadpad sa lugar na to". Sagot nito na bakas ang pagtataka sa muka nito .

"Ngayon ko lang po narinig ang baryong ito, kanina po kasi ay magkasama kaming nag liliwaliw ng mga kaibgan po para maglibang ,kaso nagkataon po na may nangyare". 
Pagkukunwari ko, sa mundong  ito ,tanging sarili ko lamang ang mapapagkatiwalaan ko.

  "Ganon ba iha, ay siya at ikay kumain na , pagkatapos ay hanapin natin ang mga kaibigan mo ,baka nawawala na din sila sa baryong to,  nawa ay hindi pa sila napapadpad sa kagubatan ng Nightwood "

Nightwood? Masyadong madaming  impormasyon ang pumapasok sa utak ko, tatayo na sana ako ng pumasok ang isang matandang babae , mukhang kaedad ito ng  matandang nasa harap ko ..

" Siya nga pala iha, siya si Sonia ang aking asawa , at ako naman ay si Gregorio ,lumabas siya upang mamitas ng halamang gamot para sa iyong mga sugat , ngunut parang kusang naghihilom ang nga sugat mo ,may lahi ka bang lobo? "

L-lobo? ...as in Wolf? , Nasan ba talaga ako ?

" Tama na ang pagtatanong Goryo , nakikita mo naman na nalilito na sya sa mga tanong mo, marahil ay epekto iyan ng pagkawalan ng malay mo kanina, maaring napalakas ang tama ng iyong ulo sa lupa na pinagbagsakan mo"   wika ni aling Sonia.

" Maraming salamat po sa iyong pagpapatuloy sa akin dito sa inyong mumunting tahanan , ngunit ako ay aalis na para hanapin ang aking mga kaibigan". Pagsisinungaling ko sa kanila. .

Sapagkat kailangan ko ng umalis at malaman kung anong dahilan at nandto ako sa mundong to ,kung totoo man ang sinabi ng nagsasalitang puno na may dahilan at koneksyon ako sa mundong to , nais kong malaman kung ano nga ba ang meron dito. 

The Setule Where stories live. Discover now