Chapter 4 (Worn out)

3 2 0
                                    

Nandito kami ni Nay Sonia sa loob ng kakahuyan ng Nightwood , ang sabi nila ay mapanganib dito pero tingnan mo at nandito kami , ang sabi nila sa akin ay kailangan ko daw matuto makipaglaban ng walang gamit na sandata oh kapangyarihan.
Wala akong nararamdamang special sakin, so anong kapangyarihan ba ang tinutukoy nila ?
Buong araw namin ay ginugol namin sa pag ensayo , daig pa namin ang lalaban sa isang giyera , sabagay isang giyera nga ang pagpasok sa mundong to.
Ngunit sa ilang araw kong pamamalagi dito ay wala akong nararamdamang kahit na ano , kung papansinin mo ang paligid ay mukha itong haunted house pero sa tingin ko ito ang pinaligtas na lugar para sakin

Napaupo ako sa sobrang pagod dahil sa pageensayo ,ganon den ang ginawa ni inay ,nagulat ako ng may binigay siyang kwintas , isang asul na bato ito na hugis tatsulok at may nakaukit sa gitnang salita , hindi ko alam kung anong lingwahe ang ginamit dito.

" Para san po ito?"  tanong ko
"Suotin mo ,magiging proteksiyon mo yan sa pagpunta mo sa bayan, maitatago niyan ang tunay mong pagkatao ,wag na wag mong hahayaan na mawala yan sayo" 
dahil sa sinabi niya ay kinabahan ako , bakit ganon nalang kabig deal ang pagkatao ko dito.
Ano nga ba ako? Hystttt ang gulo basta yun ang aalamin ko .

Pagbalik namin sa bahay nila ay nagpahinga na ako sapagkat bukas ay pupunta ako sa bayan .

Kinabukasan ay nag ayos agad ako kasi sabi nila ay mas maayos daw kung maaga ako makapunta para di gabihin sa paguwi . Masyado daw delikado pag nag pagabi ako .

Nagpaalam nako sa kanila
"Sige mag ingat ka iha" paalam ni Mang Gregorio . Namimiss ko tuloy ang nga nag kupkop sakin sa kabilang mundo .

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bayan ay unti unting naglabasan ang mga bahay dito para din pala sa mundo ng mga tao , may mga tao na napapatingin sa akin ngunit iiwas den ng tingin pagkatapos, mas mabuting hindi ako makaagaw pansin , wala akong ibang napapansin sa mga tao bukod sa mga marka sa likod ng kamay nila , kung nasa mundo sila ng mga tao ay mapapagakalaan silang isang fraternity .

Sa paglakad lakad ko ay madami pa akong na sa lamuha hanggang sa napadpad ako sa isang lugar na madami ang tindahan , mas madaming tao dito kesa kanina , parang kagaya lang sila sa mga tao sa mundo ko , pero alam kong may iba sa kanila .
Napansin ko ang isang tindahan na puro mga alahas , ngunit sa aking palagay ay may kakaiba sa mga bagay na iyon .

May nagtulak sakin na pumasok ako sa loob ket wala naman akong pambili kahit may matipuhan ako , pag pasok ko ay tumambad sakin ang mga kwentas , ang mga palawit nito ay gawa sa kahoy na may diyamante sa gitna . Ngunit may nakapukaw ng pansin ko . Isa itong porselas , napakaganda nito meron siyang mga nakaukit sa gilid na kagaya na binigay ni inay sakin , at naiiba ito sa lahat ng mga paninda dito nakabukod ito at nakapatong sa isang salamin . Napabalikwas ako sa gulat ng may nag salita .

" Gusto mo ba ang bagay na iyan iha ?" nilingon ko ang nagsalita at tumambad sakin ang isang babae na kaedadan lang siguro ni aling Sonia

" Nako hindi po , nagtitingin tingin lang po ako ,sadyang kapansin pansin lamang ang porselas na ito" sagot ko tapos ay tumitig ulit sa porselas , may kakaiba talaga dito .

" Sa lahat ng pumunta dito ay ikaw lang ang nakapansin sa porselas na iyan , gusto mo ba "?  Tanong niya sakin ng nakangiti .

" Gusto ko po kaso wala naman po akong pera , pambayad , nagtitingin tingin lang po talaga ako " sagot ko .
Ngunit nagulat nalang ako ng inabot niya Ito sa akin .

"Hindi ko talaga to sariling gawa , may nag bigay sakin nito ,at ang sabi , ang porselas na to ang maghahanap sa itinakda , at sa lahat ng pumunta dito ikaw lang ang nakapansin dito " 

"Itinakda? "  Nagugulohan kong tanong .

" Basta saiyo na to iha, mapapangalagaan ka nito. Alam kong may kakaiba sayo , may kakayahan ka na ibang iba sa lahat , lalo na at nasayo din ang kwintas na iyan , hindi ko alam kong pano mo nakuha yan pero alam kong iisa lang ang mayari niyan ngunit imposible na sakanya mo yan mismo nakuha sapagkat lahat ay natatakot sakaniya" wika niya

Marahil ay si Aling Sonia ang tinutukoy niya sapagkat siya den naman talaga ang nagbigay sakin nito  . Ngunit bakit naman natatakot ang mga tao saknila? , Sabagay nakakatakot din ang pananamit nila , natawa ako sa naisip ko kung alam lang ni aling Sonia ang nasa isip ko ay tiyak na kukurutin ako nun.Lumabas ako ng tindahan at nagpasalamat sa kaniya. Sinuot ko ang porselas at may malakas na pwersa akong naramdaman , or guniguni ko lang iyon? . Sa sobrang pagiisip ko ay may nakabangga ako .

" Nako pasensya kana ,kasalanan ko hindi kasi ako tumitingin sa daan " pag papaumahin ko dahil bumagsak sa lupa ang mga hawak niyang dala .

Ngumiti lang siya sa akin at pinagpagan ang sarili niya

" Ayos lang , Hindi ako maiinis sa araw na ito sapagkat nakapasa ako sa pinapangarap kong paaralan wahhhhhhhhh!! "  Napatakip ako ng tenga dahil sa tili niya , hindi naman halatang tuwang tuwa siya .

Nagulat ako ng bigla niyang nilahad ang kaniyang kamay " Ako nga pala si Julia , you can call me Julls for short , at kaibigan na kita halika at samahan moko mag saya " sabay bigla niya akong hinatak kung saan saan . Napaka energetic naman ng babaeng to .

Natagpuan ko nalang ang sarili kong kumakain kasama si Julia at sobrang daldal niya , dinaig niya pa yung nanay ko sa kabilang mundo na nag alaga sakin.

" Pero may paaralan pala dito"? Pagtatanong ko, walang nabanggit sa kin sina aling Sonia na ganon .

" Oo siyemrpe madaming paaralan dito, pero ang Zw University talaga ang pinakasikat sa lahat , maswerte nga ako at nakapasa ako , ikaw ba san ka magaaral, konting araw nalang at pasukan na ?". tanong ni julia

" Bata pa lang ako hindi nako nagaaral , sapagkat hindi afford ng mga magulang ko " sagot ko, nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinawakan sa balikat

"Omg marunong ka mag English "? Tanong nito na parang gulat na gulat ,

" Ah eh oo medjo, bakit? sagot ko , sinong di matututong mag English sa mundo ko eh halos lahat ata ng tao dun ay nageenglish .

" Ibig sabihin matalino ka , may pagasa ka makapasa sa exam para makapasok den sa Zw University , para may kasama na den ako bilang scholar, tara! Ngayon palang ay mag exam kana! "

Dshil sa kakulitan niya ay pumayag ako para na den magawa ko ang pinapagaw ni aling Sonia .

Madilim dilim na at tapos nako mag exam sa sinasabing school ni Julia , Hindi kami sa mismong school pumunta , isa atang tuluyan kung saan nandun ang secretary ng paaralan ..

" Siya uuwi nako at baka kanina pako hinahanap nina inay" pag papaalam ko

" Ngunit gabi na masyado nang delikado , san kaba nakatira?". Tanong nito " Sa fa----- " naputol ang sasabihin ko sapagkat naalala ko na kabilin bilinam ni Aling sonia na wag ko daw sasabihin kung san ako nakatira at sino ang tagapangalaga ko .
" Ano ok lang , kaya ko na umuwi magisa " sabi ko

" Sure ka ah, oh siya sige kita nalang tayo bukas para makita ang resulta ng exam mo, mag ingat ka ah bbye" pag papaalam nya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Setule Where stories live. Discover now