The 1st Heartbreak

88 2 2
                                    

(EDITED)

Excited na akong sa Lakad namin ni Kenneth ngayon. Ang aking First jowa. Hihihihi. Bali one month na kami ngayon. Hindi nga ako marunong magpaganda eh! Pero ayos lang yan. 'Di na kailangan ng looks sa pag ibig.' Hayyy enebe !

"Pipoppipop"
(Txt tone)
'Saan ka na ? Dto na ako ge.'

Hay nyemas kakilig naman 'tong Bibi ko. Hehehe. Ewan basta nakakakilig. Pero bakit gan'to parang iba ? Nung nakaraan naman kahit anung txt niya may I love you lagi. Baka nagpapalambing lang. :")

'Saan ka banda bi dito na po me sa entrance love you po hehehe' reply ko.

Hinanap ko siya. Lumingon lingon ako kung saan saan. Kanan , kaliwa, sa likod. And then boom kita ko sa kanan. Nakatalikod. Nakaupo. Nakahawak sa kanyang cellphone.

Papalapit na ako at sa 'di ko maintindihang dahilan ay kinakabahan ako. Shit kumalma ka Nique! Suway ko sa sarili ko. Di ko muna siya tinawag at isusurprise back hug ko kasi siya :"> sweet ko ba? lumapit na ako sa kanya ng tahimik.

"B-"

*RINGGGGG*

At biglang umeksena ang cellphone niya. Hayysss. Ipapasalvage talaga ko kung sino man iyang kausap niya ngayon! Priceless!

Nakinig muna ako sa pakikipag usap niya sa kung sino mang hudas yan!

"Hello"

"Oh"

"Dito sa bahay ni drew"

Naguluhan ako sa sagot niya. Bakit kailangan magsinungaling? Ito talagang mokong na ituuuu -___-  Bahay ni drew ? Eh nasa mcdo siya eh!? Nakinig pa ako sa phone convo niya. Bigla akong namawis at kinabahan sa pagsisinungaling niya kaya umupo muna ako sa bandang likod niya.

"Opo kumain ka na ba babe?"

FVCK THIS SHT!

Putspang isda ! Para akong binuhusan ng Tubig na galing sa North Pole na maagang Pamasko sa akin ni Santa Claus at ayaw magfunction ng utak ko sa mga narinig ko. Ang sarap lang niyang murahin ngayon na harap harapan. Yakapin siya at tanungin kung totoo ba na may babe siya. Akala ko ba napabago ko na siya at mahal na mahal niya na ako ? Nararamdaman ko ang pag init ng aking mga mata.

"Nasa bahay pala ni drew ah??"

Biglang rinig ko sa di kalayuan mula sa babaeng nakaputing dress na papalapit sa pwesto namin.
Maganda siya.
Maputi.
Makinis.
Babaeng babae ang porma.
Basta malayong malayo sa akin. Sa estado ng itsura ko. Ako yung tipo kasi na mas gusto mag converse over doll shoes.
Nanigas ako sa kinauupuan ko. Gustong gusto ko silang pagbuhulin ng babaeng yan! At ipaalam na "HOY MGA MALALANDI ANDITO AKO PUTA!" Yumuko na lang ako dahil tumayo si kenneth mula sa pagkakaupo niya at nilapitan ang babae.

"Ano bakit nagsisinungaling ka ha ? Siguro may kikitain ka na babae mo no ? "

"Ano ba babe wag ka nga mag eskandalo dito. *pout*  Sa labas tayo mag usap."

Hinila niya ang babae at lumabas sila ng Mcdo.

Unti unting tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Shit! Ito ba yung first heartbreak? Sobrang unexpected naman! Di man lang ako nakabili ng protective armor para sa puso ko. Sobrang durog ako. Di ko alam kung paano ko Madidiktahan ang puso ko na "TANGA KA! WALA PALA SIYANG KWENTA! WAG KA KUMIROT!!" Tangina ng hayop na yon ! Kabila kabila pala ang shota ! Akala ko ako lang. Nakakainis! Akala ko pabutterfly na yun pala HIGAD LANG PALA!!!

Lumabas na ako ng mcdo at tinext siya.

"Salamat HA ? Buti nalang nagkita tayo ngayon at naliwanagan ako! Ayyy di pala tayo nagkita.. Ako ang nakakita! HAHAHA ang galing mo talaga drew! Ang ganda niya in all fairness! Bagay na bagay kayo! Isang Forever Higad at Bulok na Halaman! Tama nga sila wala ka ng pag asa. Isa kang malaking bwiset ! Big Fish ! Pabo! Stupido! Panget! Break na tayo. Last na ito. Salamat sa surprise! Happy 1st Monthsary GAGO TO INFINITY!"

Bullshit ! Walang love ! Walang forever. Love will just make you feel PURE HEARTBREAKS. JUST FVCKING PURE HEARTBREAKS!

Just Pure Heartbreaks.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon