Prologue

40.6K 597 65
                                    

Prologue

Runway

Hindi ko mabilang kung may ilang minuto na akong nakatitig sa laptop at pinagmamasdan ang ilang salita mula roon. I am lost for words. May ilang araw na akong hindi nakakapagsulat nang maayos at literal na nakakaramdam ako ng inis para sa sarili ko. There is nothing more stressing than being incapable of writing anything because something is blocking your creative juices to flow.

Gusto kong magsulat nang magsulat pero kapag nakaharap na ako sa laptop ay hindi ko na magawa at natutulala na lang. I have even done research how to prevent writer's block but none of it was effective.

Kumain ng chocolates para maging active ang isip? Naubos ko na ang isang pack ng Cadbury at Snickers sa refrigerator namin! Makinig ng love songs para ma-inspire? Lahat ng kanta sa Spotify pinakinggan ko na! Magbabad sa ilalim ng shower dahil doon daw kadalasan lumilitaw ang mga ideya? Tatlong oras akong nagbabad! Bukod sa tumaas ang bill ng tubig, nagkasipon pa ako.

Inihilamos ko ang mga palad sa aking mukha at inis na isinalya ang batok ko sa head rest ng aking swivel chair.

"Kapag sinuswerte ka nga naman!" ungot ko habang nakapikit.

I swayed my chair and tried to calm my head for the mean time. Nagmulat lang ako nang marinig ang sunod-sunod na notification tone mula sa cell phone ko na siyang katabi ng aking laptop. I lazily picked my phone up and saw that the notifications came from Wattpad.

Hindi na ako nag abala pang tingnan ito dahil alam ko naman na ang mga nilalaman nito. New followers, comments and votes. Noong bago pa lang ako sa platform na ito ay masipag pa ako tingnan ang mga notifications isa-isa. Ngayong ilang taon na rin akong nagsusulat ay hindi na ako gaanong nasasabik. Kadalasan kasi ay wala naman akong oras dahil abala sa pagsusulat.

The notification tone keeps on beeping. Imbes na bigyan ito ng pansin ay umayos ako ng upo at bumalik sa aking laptop. But instead of going back to what I was writing, I went to google and typed his name on the search bar.

Kusang umunat ang labi ko para sa isang impit na ngiti. Hindi talaga puwedeng lilipas ang isang araw na hindi ko siya nakikita kahit na sa litrato lang. Dahil aaminin ko, walang binatbat ang mga inspirasyon na nakalatag sa Google para ganahan sa pagsusulat kumpara sa makita ang gwapong mukha ni Miles Callum Ordoñez.

His dark and ruthless eyes, the way his thick brows slanted in a frown and his perfect masculine body — they are all worth to fantasize. Kaya naman sa lahat ng nobelang isinusulat ko, mukha niya lagi ang binubuo ng aking imahinasyon.

I love making him as my portrayer. Minsan nga ay kinukuha ko ang litrato niya sa internet at inilalagay sa bawat chapter ng istorya ko para ma-imagine rin ng mga readers ko kung sino ang lalaking bida.

I brought my hand to the screen and touched his face like I can see him in person.

"Sana makita ulit kita. Iyong sa malapitan naman."

Dahil ang unang beses na nasilayan ko siya ay sa isang fashion show kung saan isinama lang ako ng kaibigan ko. Lagi lang naman ako sumasabit sa mga libre dahil hindi kaya ng budget ko ang bumili ng ticket. Masiyadong mahal. Ibabayad ko na lang sa upa ang pambili noon. Pero minsan, naaakit rin talaga akong bumili. Kapag may sobrang pera, iyon ang ginagawa ko.

Iba kasi talaga ang epekto niya sa akin.

Kahit na ilang metro ang agwat ng distansya ko sa kaniya ay maayos kong nakita kung gaano siya kagwapo at kakisig.

"Ma'am Natalie? Meralco po!"

Nahinto ang pagtitig ko sa picture ni Miles nang marinig ang boses na 'yon. Bumuntonghininga ako at tamad na tumayo.

Flawed Series #2: Not His Ideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon