Chapter 2

12.2K 257 31
                                    

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 2

𝗡𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗲's POV

Desperate. That's what I am right now.

Aba siyempre. Kapag si Miles ang pinag-uusapan, nakahanda akong suungin ang lahat. Kahit pa makipagsiksikan sa maraming tao makuha lang ang pirma niya ay ayos lang.

Muntik na nga ako batukan nung isang babaeng nakikipagtulakan rin sa akin. Naunahan ko kasi siyang makalapit sa driver's side kung nasaan si Miles. Kung bakit naman kasi hindi niya na lang pirmahan lahat ng gustong magpapirma sa kaniya, edi everybody happy.

"Saan tayo pupunta?" malawak ang pagkakangiti ko nang lingunin ko siya.

Dikit na dikit ang makakapal niyang mga kilay, halata ang iritasyon. His brown deep set eyes are fierce and menacing as if he's going to breathe fire on me any minute by now.

Ngayon ko lang napagtanto na mas higit siyang gwapo kapag seryoso at mukhang galit. His side profile was engaging me to admire him even more. Matangos ang ilong niya at ang panga ay lalong nadedepina sa minsanang pag-igting nito.

Malayo o malapit, walang tapon sa isang ito. How in the world God created a man like him? Already near to perfection, eh?

"Hello? Saan mo ako dadalhin? Alam mo ayos lang naman sa akin kahit saan. Kahit sa kalawakan pa-"

"Silence."

Kusang lumapat ang mga labi ko at sumenyas pa na isasara ko ito kahit pa hindi naman niya ako tinitingnan. There are rumors circulating around that he really is a snobbish man.

Halata naman at hindi na ako nagugulat. Sa ilang beses akong sumubok na magpakuha ng litrato sa kaniya, ngayon niya lang ako pinagbigyan.

Hindi niya pala ako pinagbigyan. Nagpumilit pala ako.

Malayo na kami sa hotel na pinanggalingan ngunit hindi pa rin humihinto ang sasakyan ni Miles.

"Saan kaya ako dadalhin ng isa ito? Hindi kaya sa bahay nila? Ay, Natalie! Meet the parents kaagad!" bulong ko sa sarili at humagikhik.

"I can hear you."

I glance at him. His right hand is lazily holding the steering wheel. Habang ang isa naman ay nakatuon sa gilid ng bintana niya. The way he maneuvers the steering wheel is so attractive.

Malala ka na talaga, Natalie!

"Siyempre naman may tainga ka."

Sinamaan niya ako ng tingin. "What else do you want aside from my autograph?"

Sandali akong nag-isip. Wala naman na akong ibang kailangan bukod doon. Selfie na rin at may whacky version para complete package na.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko."

Muli niya akong nilingon at sinamaan ng tingin. Kaunti na lang talaga ay bubugahan niya ako ng apoy.

"Biro lang naman. Autograph at selfie na rin natin kung puwede. Lulubus lubusin ko na-"

Hindi ko naituloy ang sinasabi nang marinig ang malakas na pagkulo ng tiyan ko. Miles' eyes automatically go down my tummy. He arches his brow. Hinawakan ko ang tiyan at humagikhik.

"Huwag mong pansinin. Gutom lang ako. Medyo matagal kasi akong naghintay sa'yo kanina-"

"Didn't ask you to do that."

My lips separate. "Aba, siyempre naman! Ang mga kagaya mo ay worth it maging dahilan ng pagkagutom!"

Itinuon niya ang mga mata sa daan, salubong pa rin ang mga kilay habang naiiling. Sa dami ng pagkakataon na puwedeng kumulo itong tiyan ko, ngayon pa. Kung sa bagay, kanina umaga pa ang huling kain ko. Pandesal at kape lang nga 'yon kaya malamang ay hindi kakayanin sa maghapon.

Flawed Series #2: Not His Ideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon