A/N: I did not expect for this installment to be this long! Hahaha But when you start to write a story, your hands works on its own volition and already has a mind of its own! You can't stop it Lol
So, here is the part II of the previous chapter, last part will be uploaded after New Year
There is still one more installment for this story before we complete this
This chapter is dedicated to a very sweet follower @louisatabangay and proactive follower motowngoddess
Enjoy reading!
TAONG 1970 – BANTA NG TERORISMO
Maagang nag uumagahan ang tatlong magkakapatid bilang paghahanda sa kanilang pamamasyal. Ganado silang kumakain ng almusal sapagkat ngayon araw lang ulit nila makakasama ang kanilang mga magulang matapos ang mahabang panahon
Kauuwi lang ng kanilang mommy pagkatapos ng 10-araw nitong pananatili sa Egypt para sa isa sa mga states visit nya. Ang kanilang ama naman na bagama't nanatili kasama nila sa palasyo ay araw-araw na may mga pagpupulong na dinadaluhan. 'Ni hindi nga nila siya nakakasabay sa kainan sapagkat maaga pa lang ay nag ta-trabaho na ito at gabing gabi naman kung matapos
'Bakit hindi pa nakakababa sina mommy?'
Tanong ni Irene
'Ito naman, masyadong excited'
Pang-aasar ni Bong bong
Dinilaan lamang sya ni Irene at saka sya inirapan
'Ee kasi ikaw kasama ka naman ni mommy sa Egypt'
Pinagtawanan lamang sya ni Bong bong
'Ganun talaga kapag favorite'
Pagpapatuloy ng pang-aasar nito sa bunsong kapatid
'Favorite ka jan! Ayaw ka lang kasi ni daddy dito muna'
'Nagsasawa na daw kasi sya sa mukha mo'
Tinawanan pa s'yang lalo ni Bong bong na lalong kinaasar ni Irene
Aakmaan na nya ng hagis ng kutsara si Bong bong ng pigilan sila ni Imee
'O, tama na 'yan'
Pagpigil nito
'E, si Bonget kasi nang-aasar'
Nilakihan ni Bong bong ng mata at saka nya inasar pa lalo si Irene
'Ate oh! Tingnan mo! Nang-aasar pa!'
Tinitigan ni Imee ng masama si Bong bong
'Tigilan mo na si Irene, Bonget'
'Bleh, bleh'
Pagpapatuloy lang nito
'Ate!'
Mangiyak-ngiyak na tawag ni Irene
'Bonget, stop it na'
Saktong dating naman nina Ferdinand at Imelda ng muntikan na mabato ng kutsara ni Irene si Bong bong
'O, ano nangyayari dito?'
Bungad ni Ferdinand
'Daddy!'
Iyak ni Irene sa ama
Tiningnan ng masama ni Imelda si Bong bong'
'Wala akong ginagawa jan'
YOU ARE READING
Give It To Me, I'm Worth It
HumorThe moment they first set foot at Malacañang Palace, Ferdinand and Imelda had both in agreement to only do their dirty business in their master bedroom. However, Ferdinand had always been fascinated by his very own presidential study room ever sin...