A/N: Holy cow! Sabe ko make-up sex bakit naging hate-sex? LoL Bahala kayo jan! Hahaha
WARNING: Slight BDSM po ito (Hindi mo alam BDSM? GMT! Charot!), so for anyone uncomfortable, skip. Best read kapag ovulation cycle nyo Hahahaha (Unless hindi pa kayo nagkakaroon LoL... or lalaki kayo hehe)
Na-delay ang upload dahil mga 1000x times ko ata 'to binasa! Hahaha
Please read end note after
Enjoy reading!
TAONG 1970 - BANTA NG TERORISMO
'Mommy, bakit hindi sumama si daddy?'
Tanong ni Irene sa ina habang lumilibot sila sa loob ng mall
'May mahalaga kasi siyang dapat gawin'
Sagot ni Imelda
'Pero, nag promised siya...'
Malungkot na sabi ni Irene
Naiintindihan ni Imela ang pagkadismaya ng anak sa ama. Parehas silang nangako sa kanilang mga anak na ipapamasyal nila silang tatlo dahil hindi nga nila sila napag tuunan ng pansin ng mga nakaraang araw. Mas lalo pa tuloy siya naiinis kay Ferdinand! Hindi siya makapaniwala na ipinagpalit niya silang mag-iina kay Ninoy. Sa pagkainis nito kay Ninoy!
'Kailangan lang kasi ni daddy na makipag pulong sa mga heneral'
'Mayroong malaking banta na kinakaharap ang ating bansa'
Pagpapaliwanag ni Imelda
'Yung mga ate at kuya ba na nagagalit at nagsusunog sa kalsada?'
Natawa naman si Imelda sa pagkakalarawan ng kanyang bunso sa mga nag ra-rally
'Hhmm... iyon din'
Nakangiting sagot ni Imelda
Tahimik na sumusunod si Imee sa likuran ng kanyang mommy. Gusto niya sanang magsalita subalit nauunahan siya ng takot. Narinig niya kanina ang mainit na sagutan ng kanyang mga magulang at alam niya ang tunay na dahilan kung bakit hindi sumama ang kanyang ama. Sa totoo'y maski siya ay may magpagkainis na nararamdaman dito, subalit ano ba ang kanyang nalalaman? Maaring tama nga ang kanyang ama, pero tama din ang kanyang ina. Nalilito na tuloy siya kung ano ba ang kanyang dapat maramdaman. Maiinis din ba siya o iintindihan niya ang daddy niya?
'Masyado ka atang tahimik Imee?'
Nagulat si Imee sa biglang pagtawag ng kanyang ina
'Wala mommy'
'Iniisip ko lang yung librong gusto kong bilhin'
Nginitian lamang ito ni Imelda
'Ayun ba? Dadaanan pa din natin iyon'
'Bago tayo pumunta ng Marikina'
Ngumiti lang ito sa ina
'Mommy, bakit ba sila nagagalit sa'tin?'
Tanong ni Irene
'Nag we-welga sila Irene'
Pagsingit ni Bong bong na parang naiinis sa kapatid
'Bakit nga?'
Makulit na tanong ni Irene
'E kasi-
Napatigil si Bong bong ng tiningnan siya ni Imelda
'Pano ba?'
Pag-iisip ni Imelda ng malakas
YOU ARE READING
Give It To Me, I'm Worth It
HumorThe moment they first set foot at Malacañang Palace, Ferdinand and Imelda had both in agreement to only do their dirty business in their master bedroom. However, Ferdinand had always been fascinated by his very own presidential study room ever sin...