Zia's PoV
Napasinghap na lang ako seeing him with tears walking out of the resto bar. 2 years was long enough na hindi ako umasang naghihintay siya ng ganito... but he was waiting for me. Hindi ko mapigilang maging emosyonal sa pagmamahal na meron siya para sakin.
In those two years, I went around finding myself. Nagtrabaho ako sa maliit na lugar malayo sa siyudad. I spent time pondering on things... and learning to love myself again.
Kaninang umaga lang ako nagkalakas ng loob na pumunta sa opisina niya.
"Hi, may I help you mam?"
"Uhm... andyan na ba si Jason? Jason Vergara?"
"Ahh nako mam wala pa po. Gusto niyo hintayin niyo na lang?"
"N-nako hindi na"
"Saglit lang mam eto mga subordinates ni sir eh, Xander!" Pagtawag niya sa isang lalaki and that guy approached us immediately
"Yes mam?"
"Anong oras dadating sir Jason mo?"
"Bakit?"
"She's looking for him" sambit nung nasa front desk sabay turo saken pero nanlaki ang mata niya pagkakita niya saken
"B-bakit?"
"I-ikaw! Ikaw yung nasa desk ni sir Jason!! Hala mam wait lang tatawagan ko si sir!"
"N-no wag na! Ano pwedeng humingi na lang ako ng pabor?"
"Ano po yun?"
"Ma-mapapapunta niyo kaya siya dito after work? I just want to make up with him" Sambit ko pointing out the resto bar nearby
"Sht sht mam kami bahala!"
"T-teka bat kilala mo ko?"
"Everyone under his supervision knows you, mam. He's just a romantic guy whenever he speaks about you, while he waits for you to come back" napasinghap ako sa sinabi nung lalaki
"R-really?"
"Sir Jason is a great man, mam. Lahat kami magpapatunay nun" sambit nung isa pa when they noticed me talking to their friend
Pinunasan ko yung luha ko and I told them... "so, I can count on you later right? Aayusin na namin to..."
"Kyaaahhh!! Yes mam!" Tili nung babaeng kasamahan nila
"Come with him... I'd love to know you guys better... sagot ko na" sambit ko bago nagpaalam bago pa ko madatnan ni Jason sa opisina
"Sht nakakaexcite lalo ang araw na to!" Rinig kong sambit nung isa sa kanila na nagpangiti saken. Enough waiting Jason... I'm coming back home
Jason's PoV
Naghilamos ako bago ko inayos ang sarili ko at bumalik sa lamesa ng mga kaopisina ko
"Okay ka lang sir?" Tanong ni Xander at tumango lang ako bago nagpatuloy sa pagkain
"Next song we have here has a short dedication in it... basahin muna natin bago ang kanta, okay?"
"Yeess!" Sabay sabay na sigaw ng mga kasama ko sa lamesa. Nakatalikod ako sa stage so I barely look at who's on it.
"Hyper ah?" Natatawang sambit ko na lang
"To my savior and my love, kamusta ka?" Panimula nung lalaking host, "I'm sorry if I had you waiting for 2 years..."
Natigilan ako sa pagkain sa narinig ko pero hindi ako lumilingon... not until I heard her voice
"I'm sorry if I took you for granted when we started our relationship... sorry for leaving you without any assurance."
"Zia..." Sambit ko na tinugunan niya ng ngiti
"Thank you for... for your sacrifices... alam ko nahirapan ka... nahihirapan ka... pero naghintay ka pa rin sakin... nangako ako sayo na magiging okay ako... and... I am okay now. All thanks to the love that you provided, I got through the hardest part of my life... and now, I'm back. Pwede pa ba? Pwede pa ba kitang makasama?"
BINABASA MO ANG
Kismet
RomanceI took everything for granted. I took you for granted. At ako yung pinakatangang tao for doing that. All you did was to love me, be there for me, pero nagpakain ako sa pressure sa paligid ko... that I ended up... sacrificing you. Sacrificing us. San...