5

9 3 0
                                    

Trap

Muntikan na akong mapasigaw ng bigla nitong iniuntog ang sarili sa pinto ng cabinet kung saan ako nakatago. FUCK!

Gusto kong sumigaw ngunit baka lang lalong lumala ang sitwasyon.

Halos masira na nito ang pintuan nang may bigla nalamang akong marinig na pag sabog sa taas. Ramdam ang pagyanig dahil dito. Huminto naman ang infected 'saka tumingin sa kung saan.

Ang akala ko ay titigil na ito sa pag bangga sa pinto nang mas malakas pa nitong iniuntog ang sarili dahilan ng pagka warak ng pinto. Konti nalang at lalaki na ang siwang sa pinto.

Mamamatay na ba ako? Katapusan ko na ba?

Sa isiping di na mag tatagal ang buhay ko biglang nag bukas ang pinto at halos mapapikit nalang ako at hinihintay ang susunod na mangyayari.

"EMILY!"


Naramdaman ko na may yumakap saakin. Isang luha ang hindi kona namalayang kumawala sa aking mata.

"Kailangan na nating umalis. Parating na sila"

Nag angat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na salita. Ang mga salitang minsan ko nang narinig noong panahong mas kinakailangan ko ng tulong. Mga taong umiwan saakin at hinayaang mamatay sa isang abandonadong lugar. Naaalala ko na ang lahat.

Agad kaming umalis sa lugar nang makuha na ni Merely ang mga kinakailangan niya. Naka handusay narin ang babae sa tabi ng kabinet.

Pababa na sana kami nang biglang dumagsa ang mga infected sa doorway ng hospital kaya dali-dali kaming umakyat sa hagdan papuntang rooftop.

Sa bawat palapag ng hospital ay hindi namin maiwasan ang may makasalubong na infected. Hanggat maari ay pilit namin tinatakasan ang mga infected, dahil kung patuloy namin sila papatayin gamit ang baril ay maaring maubusan kami ng bala pananggala sakanila.

Nang makarating na kami sa huling palapag ng gusali, inaasahan na naming nakasarado ang pinto. Halos ganon naman ang nangyayari sa mga teleserye.

Pag pinilit naming pumunta sa rooftop maaring dun na kami ma trap at mamatay. Kung naman bumaba kami nanduon ang mga halimaw na humahabol saamin.

Nagulat kami ng may dalawang infected ang agad na bumungad saamin. Agad naman itong pinatay ni Carlo at Math gamit ang baseball bat at isang kahoy na dala nito.

Isang plano lang ang pumasok sa isip ko. "I know this plan is very disgusting, pero kung gugustuhin nating mabuhay isa lang ang naiisip kong paraan." Sabi ko 'saka kumuha ng kutsilyo sa bag ni Merely.

"A-anong gagawin mo?" Tanong ni Merely.

"Disguise"

Halos magkanda dual kami sa masang sang na amoy na nababalot samin. Ngunit kailangan namin itong pigilan sa ayaw at sa gusto naming mabuhay.

Naglikha kami ng ingay matapos bukasan ang pinto ng rooftop. Alam naming oras-oras ay papunta na dito sa itaas ang mga infected. Nag lagay rin kami ng isang bendang nababalot ng dugo sa may hanggahan ng rooftop. Nag tago naman kami sa may sulok ng pinto upang madaling makatakas.

Gaya ng inaasahan nag dagsaan ang mga infected at sinundan ang ingay at amoy ng dugo. Isa-isa itong nga hulog mula sa rooftop.

Dahan dahan kaming bumaba habang ang ibang infected naman ay patuloy sa pagakyat.

Tagumpay ang plano at hindi kami napagkamalang tao ng mga ito. Hanggang sa makapasok sa kotse ay agad na pinaharurot ni Math ang sasakyan paalis.

"I'll never do this again! *Blaargh*"  hindi na napigilan ni Carlo na masuka ng dahil sa masangsang na amoy mula sa dugo ng isang infected. Ang amoy nito ay mas mabaho pa sa nabubulok na bagay at waring isang bangkay na hindi nailibing nga tatlong buan.

Narinig ko naman ang pagrereklamo ni Math ng sumuka ito sa loob ng kotse habang si Merely ay abalang binabasa ang mga libro nakuha nito sa lab. Ako? tahimik lang ako sagilid abalang nag iisip ng kung ano-ano. 

Ajin, Mark, Guind, Onue... Nasan na kayo?

Period

A PLACE OF NOWHERE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon