Start of Chapter 1
Ako ko nga po pala si Mikaela. 19 years old po ako at kasalukuyang nag-aaral bilang Second-year College. Simpleng babae lang ako. Mahilig akong mag-aaral. Mahilig rin ako sa subject na English. Marami akong bagay na nagugustuhan.
"Okay class. This is our main body part..."
Kasalukuyang nag-tuturo ang professor namin sa Science.
"Babe, ano ba! Nakikiliti ako."
"Babe, tama na please! Hihihi!"
"Babe, hahaha! Stop it! Ano ba! Hahahaha!"Nakakainis talaga ang mag-jowa na to! Pag nag bell na, papagalitan ko talaga to! Bwisit!
Ring....... ring...........
Hay! Salamat!
"Okay. Classes are over. Don't forget to make your assignments I assigned to you!"
Umalis na yung professor namin at tsaka yung iba kong kaklase. Ako, heto nag-aantay ng tamang panahon pagsabihan tong mga higad na toh! Ayon, mapagsabihan nga!
"Babe, tara na!" Sabi nung babae.
"Hoy, kayong dalawa! Kung niyong maglandian, wag dito sa classroom. Mahiya naman kayo! Hindi lang kayo ang nandito! Hindi tuloy ako naka intindi sa leksyon kanina. Pinapairal niyo kalandian niyo eh. Alis na nga! Che!"
Ayon, napahiya. Kase naman eh. Yan tuloy. Maka uwi na nga sa apartment ko.
Ako lang mag-isa sa apartment ko. Yung magulang ko, andon sa ibang bansa. Mga ofw kase, mabuti nalang magkasama sila sa trabaho.
Hay salamat! Naka uwi na rin sa wakas!
Kablag.....
Ay putek! Ano yun? Kinabahan ako bigla ng may narinig akong dabog sa may kusina. Kaya pinuntahan ko para alamin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta don!
"Huli ka!" Sabi ko.
"Ay, wala naman pala! Baka pusa lang yon! Kinabahan ako nun ah! Nauuhaw tuloy ako!"
Pumunta ako sa ref ko para kumuha ng unan. De joke lang! Tubig syempre! Hahahaha!
Pagbukas ko ng ref.......
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Mukha ni France ang naabutan ko. Naka nga-nga pa!"Haahahahaahahahahahahahahaha! Nakakatawa naman mukha mo Mikay! Hahahahhaha!"
"Bwiset ka France! Muntik mo na akong mapatay gago ka!"
"Hahahahahhaha! Eto pala ohh, para sayo. Surpriseee! Happy Birthdaaaaay Mikay!"
Ayon pala! Binigyan niya ako ng cake na maliit pero cute naman!
"Ahhh, ganon pala ha! Eto sayo! Hahahaha!" Ang nagpahiran kami ng icing! Konti lang naman!
"Mikay......"
Nagkakatitigan kami ni France ng ma corner niya ako. Hahalikan niya sana ako ng...."Uhm, France!"
"Mikay naman! Alam mo namang higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sayo! At gusto kong maging higit pa tayo dun."Hinalikan ko siya sa cheeks.
"Oh, ayan. Higit na tayo sa pagkakaibigan!"
"So, tayo na?"
"Ayaw mo? Sige, wag nalang!"
"Sus! Eto naman! Halika ka nga rito!"At niyakap niya ako. Oo mahal ko sa France! Higit pa sa pagkakaibigan! Matagal na yang nangliligaw, ngayon ko lang sinagot. Ngayong birthday ko pa! Hahaha.
"Nga pala Mikay! Tumawag sa kin si Keith. Pupunta tayo kela Keith bukas! Namatay daw kase tatay niya, binaril ang sarili. Kaya kailangan nating bumisita!"
"Okay. Kawawa naman si Tito! Ang bait pa naman nun! Bakit kaya?"
"Hindi nga rin alam ni Keith eh."
"Nga pala, sinabihan mo na sila na pupunta tayo?"
"Hindi pa nga eh. Tawagan mo nalang. Sabihin na bukas tayo aalis."
"Okay. Sige! Uuwi na ako ha? Mag-impake ka na, maaga pa tayo bukas."
"Oh, sge. Mag-ingat ka France ha?"
"Oo naman, para sayo, mag-iingat ako!"
"Naks naman!"At hinalikan nya ako sa noo at umalis na. Sweet nya!
Natulog nalang ako pagkatapos kung mag-impake at tawagan yung kabarkada ko. Hay! Magkakasama-sama na naman kami ulit! Nako! Grabeng labanan to! Hahahahahah
Author's Note:
Pagpasensyahan nyo muna ang Chapter 1. Ganyan talaga yan! Hekhek.
BINABASA MO ANG
Mag-ingat sa Kulam
HorrorIsang barkada ang nagpasya na bumisita sa isa nilang kaibigan na nasa probinsya dahil namatay raw ang tatay nito. Isang gabi may isang hindi kapani-paniwalang nangyari na akala nila'y isang magandang bakasyon lang. Basahin ang kwentong "Mag-ingat sa...