Kinabukasan.
Maaga akong sinundo ni France sa apartment. Maaga rin akong nagising. Excited much eh! Magkikita kase kami ulit ng mga mokong na yun! Hahaha!
"Mikay, nagugutom ka ba?"
"Ha? Hindi naman. Kumain naman ako ng agahan kanina."
"Ah. Sige!"Nandito kami ngayon sa train station. Naghihintay sa iba naming kasamahan.
Nasan na kaya yun? Tagal naman!"Hoooooooy! Mikaaaaaaaaaay! Fraaaaaaaaannncceeeeee!"
"Sino yun?"
*Lingon lingon*
"Ooyyyy! Gino! Kamusta?"
"Eto, pogi pa rin!"Sabay kaming tatlong tumawa. Siya pala si Gino. Ang joker ng barkada. Matangkad at tsaka may katamtamang laki ng katawan. May pagkabasagulero kase toh. Pero mabait naman!
"Andito na pala sina Julie at Hannah!"
"Kamusta mga gago?" Sabi nitong si Julie nila France at Gino.
"Okay lang naman!"
"Oh, Mikay! Kamusta? Naks. Kayo na pala ah! Ayieee!"
"Hahahaha okay lang naman Julie. Laki ng pinagbago mo, Hannah ha?"
"Naman, ako pa!" sagot nitong si Hannah.Si Julie. Yan yung tomboy sa barkada. Mabait yan. Mapayat. Pero hindi gaanong mapayat. Yung sakto lang na pagkapayat. Maputi rin yan kahit tomboy.
Si Hannah. Laki ng pinagbago dun. Dati, nung HS pa kami, hindi pa ganon ka lupet magdamit. May pagka "bitch" na to kesa dati. Yung pananamit nyang kita puson at napaka-ikli rin ng shorts. Tsk tsk.
"Oy, andito ng yung train. Hali na kayo at baka naghihintay na si Keith sa atin!" Sigaw ni France.
At sumakay na kami. Hahah! Laki na ng pinagbago ng barkada. Dati, mga payatot lang kami. Ngayon? Nah. Matatawa na lang ako!
Habang tumatanaw ako sa mga lugar namin, dinalaw ako ng antok at nakatulog.
Sa panaginip:
Flashback.....Bumaba na ako ng sasakyan namin at nakita ko si Keith nasa kabila. Nakatingin sa lugar ko. Ako naman, todo pacute. Sabay kaming maglakad pero nasa kanila siya. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Eh ako naman, smile ng smile. Hahaha!
Nung nakarating kami sa tapat ng school, may binigay siya sakin. Isang love letter. Naks naman, sa harap pa ng mga kaibigan ko at kaibigan niya! Tinutukso tuloy kaming dalawa!
................
"Hoy! Keith! Bahala ka na dyaaaan sa buhay mo! Maglakad ka pauwi!" Sigaw ni Gino kay Keith na todo habol sa amin na nakasay ng tricycle. Kami namang lahat, todo tawa. Pati si Keith at yung driver.
Emd of Flashback.....
"Mikay! Mikay! Gising na! Andito na tayo!" -France.
Malapit na huminto yung at nakita namin si Keith.
"Keith!"
"Hooooooy Keitttth!" Sabay sabay naming sigaw. Yung mga tao sa labas ng tren naka titig na! Hahahah!Pagbaba namin, sila Gino, Julie at Hannah naman, tumakbo papunta kay Keith. Nakasunod lang kami sa kanila ni Gino.
Panay kamustahan ang ginawa ng mga mokong. Pagdating namin, tumingin ka agad si Keith sa akin. Tumingin rin siya sa kamay namin ni France na naka holding hands.
"Kamusta pre?" -France
"Okay lang naman!" -Keith
At nag Bro-hug sila."Oh sya, tara na!"-Keith
"Sige!"-kamiBago kami pumunta sa bahal nila Keith, pumunta muna kami sa isang Temple para magdasal.
Paalis na kami nga natanggal yung sintas ng sapatos ni Hannah kaya hinintay namin siya para ayusin niya.
'Nagtataka ako bakit nakatitig tong si Kuyang nagwawalis sa amin!?' Sabi ko sa isipan ko. Pero binaliwala ko nalang yun.
Sumakay na kami ng banka papunta sa kela Keith.
"Keith, bakit nga pala namatay papa mo?"-Julie
"Di ko nga rin alam eh. 2 years kaya akong hindi nakatira don. Sabi nila, binaril daw ni papa ang sarili niya dahil hindi nakayanan ang problema."-Keith"Ah, sa saan ka nag-aaral nung past two years?"-Gino
"Basta. Nag-aral kase ako ng Engeneering."
"Kamusta na pala yung step mom mo? Yung si Teacher Jean?"-France
"Sabi ko nga, nawala ako rito ng two years. Ano ba yan! Panay interview niyo sakin ha! Dinaig niyo pa si Boy Abunda niyan!"Tumawa nalang kami at nanahimik nalang.
Flashback.....
Nandito kami ngayon sa bahay ni Keith. Dumating rin si Teacher Jean na may dalang snacks.
"Oh, mga bata! Kain muna! Mukhang nagugutom kayo!"-teacher
"Sige po teacher!"-kami
"Mikaela, natapos muna ba yung pinapasagot ko sayo?"-teacher
"Opo teacher. Eto po oh!"-ako"Naku! Ikaw talaga! Ganda talaga ng skills mo sa Engslish!"-teacher
"Ah ehh.. Thankyou po!"-akoKasalukuyang dumating yung isa pang anak ni teacher Jean.
"Ma! Pahingi 1000 pesos!"
"Ang laki naman yan Roby!"
"Ma, sabi ko, pahingi 1000 pesos!"Tumingin saglit si Teacher sa lugar namin.
"Dyan muna kayo ah!" -teacher
Tumango naman kami!
"Grabe naman yung anak ni Teacher Jean noh?! Ang laki ng hiningi!" -Gino
"Ikaw Keith, bakit di mo subukan yun?"-Julie
"Naku! Ayoko namang manghingi ng pera dun. Baka pagalitan ako ni tatay!"-KeithEnd of Flashback......
"Mikay! Andito na tayo kela Keith!"-France
"Ha? Ah. Ako ng magbabayad!"
"Kuya, eto 70 pesos. Bayad po! Anim lang kami!"-ako.
Habang hinintay ko muna sukli namin, Tiningnan muna ni kuya yung kasamahan ko tsaka binigay sukli at umalis kaagad.
"20 pesos? Kuya! Sobra po sukli nyo!" Sigaw ko kay kuya driver pero di nya narinig. Ano ba yan!

BINABASA MO ANG
Mag-ingat sa Kulam
HorrorIsang barkada ang nagpasya na bumisita sa isa nilang kaibigan na nasa probinsya dahil namatay raw ang tatay nito. Isang gabi may isang hindi kapani-paniwalang nangyari na akala nila'y isang magandang bakasyon lang. Basahin ang kwentong "Mag-ingat sa...