Chapter 1

46 2 0
                                    

A/N: Anneyonghaseyo! Eto na po ang Chapter 1 ng My SoulMate, My SoulHate. Sana magustuhan nyo, don't forget to keep VOmments! Hart Hart!
▪▪▪▪▪

Away Dito, Away Doon.

Tania's POV

Hay Bwiset talaga tong araw na to. This is my worst day ever! Alam niyo ba kung anong minamaktol ko dito!?

Nakakainis kasi yung lalaking 'yun', nag volunteer pa kasi na kaming dalawa na lang ang mag linis ng faculty room!

E ang gagawin lang naman non e asar-asarin ako, kaya siya talaga ang pinaka susuklaman kong tao sa balat ng lupa! (Me ganun?).

Kaya eto ako ngayon naglilinis ng maduming room na to! Grrr! Talaga siya, sana mabulok na sya dito sa room na to!.

Tumingin naman ako sa direction niya. Naka upo pa talaga sya duon sa desk ng teacher namin ha! Kala mo naman sa kanya yun, kung maka upo!

Tapos nakatingin pa siya sa akin ng malagkit! (Malagkit talaga?) Alam nyo yun yung tingin na kala mo tutunawin ka na!

Ang alam ko e babaero, womanizer, cassanova yang lalaking yan e. Hindi ko na lang siya pina keelaman at binalik ko na lang yung atensyon ko sa linilinis ko at tahimik na naglinis.

Ayy oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Sorry.

Ehem! Anneyonghaseyo! I'm Tania Ellaine Mendez, 17 years old, turning 18 years old on December 18. I'm the second daughter of Estella Mendez and Sebastian Mendez. Cassandra Laine Mendez is my one and only sister, and i have my besty, her name is Shaina Xyril Montreal, ohh! Before i forgat i'm a guitarist and at same time I'm a singer, and i have my own band its The Girls Jam. And syempre i'm the leader.

Bigla namang nag salita yung si Mr. Ryan Javier Smith. Kilalang Cassanova dito sa Stanford Academy at kilalang Prince Charming 'daw', diba ang hangin, dinaig pa si Prince Harry sa pagka prinsipe ng England. At higit sa lahat ka 'rival' ko yan, may band rin kasi sya and as usual sya ang leader, drummer sya sa band niya na The Black Rhymth.

"Bakit naman kaya nakakunot yang mukha mo ha?! Miss Pokémon?! Haha." Hay ayan na naman po sya sa pagtawag sa akin ng Miss Pokémon, purket may nakalagay lang na kitchain na Pokémon sa bag ko e Miss Pokémon na tawag sa akin! Nasaan ang hustisya ?!.

"Sino naman po kayang tao ang hindi kukunot ang noo kapag kasama mo ang isang bakulaw ha? Mr. Ryan Javier Smith." Tsk. Kala nya hindi ako papatalo sa kanya, no way! Highway!.

"Hmm, siguro yung mga fan girls ko! Tska wag mo na mang ipangalandakan sa akin na kilalang kilala mo ko, nakakahiya naman kasi sayo, Ms. Tania Ellaine Mendez!." The nerves, grabe kung sa bawat pangiinis nya sa akin pumuputok ang ugat ko, malamang kanina pa ako nakahandusay dito.

"Nahiya rin naman rin po ako sa mga Fangirls thingy mo Mr. Bakulaw!" Pagkasabi ko ng bakulaw biglang kumunot ang noo nya. Hala patay bulkan na nga pina sabog ko pa! Hay Bwiset!

Unti-Unti naman syang Luma-lapit sa akin at ako naman unti-unting humahakbang papatalikod.

"Huy! Jan ka lang wag kang Lumapit sa akin!" Pusang gala talaga naman oo! Hindi sya nag patinag hanggang sa nakalapit na sya sa akin at ako naman wala ng magalawan dahil naka sandal na ako sa pader at naka tungkod naman yung dalawa nyang braso sa magkabilang gilid ko.

Mas lalo akong kinabahan nung Linapit nya yung mukha nya sa akin. Hala patay mukhang kukunin pa nya yung second kiss ko, kasi yung first kiss ko yung sahig dati nung grade 6 ako nung na dapa ako kaya yung nauna yung nguso ko.

Ayy back to story...

Ilang inch na lang talaga magkalapit na yung lips namin ng bigla syang huminto sa paglapit.

"Ano itutuloy ko pa ba ang pag kiss ko sayu o hindi na?" Pagtatanong nya sa akin, kaya na alarma ako nawala kasi ako sa ulirat kanina e, ang bilis ng heartbeat ko kanina.

Sinipa ko agad sa 'ano' nya, basta alam nyo na yun. Hays. Namilipit naman agad sya sa sakit. Tsk akala mo ha madadaan mo ko dyan hindi!

"Hindi mo ako madadan dyan sa style mo Mr. Smith, kaya mamili ka ng paglalaruan mo,tsk stupid!" Pangaasar ko pa sa kanya.

Kinuha ko agad yung bag ko at lumabas na ng room. Bahala sya sa buhay nya sya naman ang nag volunteer na maglinis ng faculty room, kapag hindi na linis yun, patay sya!

Bigla ko nmang nakasalubong yung mga ka band mate ni bakulaw (Ryan) pero hindi nila muna ako napansin kaso nag uusap ata sila. Mababait tong mga to ka close ko nga sila e, yung bakulaw na yun lang naman ang ka rival ko.

"Hello Tania!" Biglang bati sa akin ni Mathew Habang Nakangiti Kaya Huminto Muna Ako. Sya ang pinaka bibo sa band nila.

Napatingin na rin sila Jacob at James, saby ngiti nila sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanila.

"Hello! Mathew, Hello rin sa inyo James and Jacob how's your day?" Masigla kong bati sa kanila.

"Okay lang naman ang araw namin, e ikaw kamusta ang araw mo ngayon?" Pagtatanong ni Jacob sa akin.

"Tss, tinanong mo pa, e kung kasama mo ba naman yung ryan the bakulaw na yun, magiging maganda ba ang araw ko ngayon?"-Me.

"Ikaw talaga, speaking of bakulaw-este ryan pala nasaan sya? Diba maglilinis kayu ng faculty room?!." Pagtatanong nya sa akin.

"Nandoon sa faculty room iniwan ko doong nangingisay!" Pagbibiro ko sa kanila.

"What!" Biglang sigaw nila sa akin.

"Grabe kayu kung makasigaw kala nyo naman nasa kabilang bundok pa ako no, o sige puntahan nyo na yun baka mamaya pag punta nyo duon basag na ang eggnog non! Haha."

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot, naglakad na kaagd ako papuntang parking lot ng Stanford.

Ng makita ko ang baby porsche 911 turbo ko. Syempre sumkay kaagad ako no.

Hinihimas himas ko muna yung manibela. Grabe Hindi pa rin ako makapaniwala na binilan ako ni Ate Cassy neto.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang ringtone ng CP ko. Yung ' Ako ang puso mo ' theme song yun sa my tag boyfriend, I'm a Wattpad addict lalo na yung mga story ni maevel anne.

~ Bigla kitang na-TAG...
...Nagalit ka naman. ~

~ Oh! Please aking crush makinig ka naman. ~

~ ikaw! ikaw! ikaw ANG AKING PUSO!
...Oo ikaw! Ikaw ang aking puso!~

~Sana sinta ganon ka rin diba...
...Ako! Ako! Ako! Ang Puso mo!~

Nagflash naman sa screen ng CP ko ang name ng besty koh!.Sinagot ko naman agad.

(Calling Besty Shaina...)

"Hello besty! Musta?!"

("Anong musta ka dyan!,parang hindi naman tayo nagkita kanina, ikaw dapat ang kamustahin ko! Uhmm, kamusta naman makasama ang isang cassanova slash prince charming ng stanford slash leader ng the black rhythm sa iisang kwarto, aber?")

"Tinatanong pa bayan besty syempre hindi okay! marinig ko nga lang ang pangalan nung bakulaw na yun nandidiri na ako, e kung makasama pa kaya sya sa iisang kwarto, geezzz! Over my dead gorgeous, beautiful, sexy and hot body, tska kung makagamit ka ng slash e ganun ganun na lang, e kung sinabi mo na lang bakulaw edi sana hindi sayang sa laway, sabi nga sa balita mag tipid sa tubig!Tsk, tsk!."

(" Ang dami mong dada e sasabihin mo lang naman hindi ka okay, tska kulang na lang kunin mo lahat ng adjective e no! Kung maka-' Over my dead gorgeous, beautiful, sexy and hot body' ka dyan e no, o sige bye na kita na lang tayo bukas!")

" Edi Wow! Sige bye na, ba-boosh"sabay tap ko ng end call.

Ay salamat na karaos rin, at salamat at buhay pa rin ako kahit na kasama ko yung bakulaw na yun.

Makauwi na ng baka mamaya nandoon na si ate cassy.

~ Just_MinHun95 ~
▪▪▪▪▪
A/N: Yes success ang chapter 1... kita kits na po tayo sa chap. 2. Muah muah. God bless you all.

My SoulMate, My SoulHate [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon