Hazel's day

220 2 1
                                    

(Resume from cafeteria scene)

Hazel’s POV

Lesbian pala tong si Akira. Hindi ko nahalata akala ko boyish lang gumalaw naka uniform kasi e di ko tuloy napansin. Pero gwapo nga sya ha kahit nagbuhat sya ng sariling bangko kaya naman nyang panidigan. Ang ganda ng kilabasan ng united nations nyang dugo.

“Uhm sorry for asking the obvious ha? Lesbian ka ba?” sabi ko.

“Oo, uhm pasensya na hindi ko nasabi ang awkward naman kasi kung ibubungad ko yun.” Akira.

“Ah okay lang walang problema yun. Actually I’m bi nga din eh.” ako.

“Uhm hello? Earth to Akira! Earth to Akira! YoooHoooo! Ano be yen in muntik nang tumulo laway mo. Ano ba nangyari at natulala ka na lang bigla?” Joey.

Hala sa akin natulala si Akira as in sa mata ko pa nakatitig. Kilig much! Haha ang gwapo nya talaga. Pero wait hindi dapat to I have a boyfriend. Hindi dapat ganito  mahal ko ang boyfriend ko hindi ako dapat kiligin para sa ibang tao.

“Hoy Akira matunaw naman ako nyan makatingin ka naman.” ako.

Napayuko si Akira napahiya ata.

“Tara na. Malapit na yung next class natin.” Joey.

Naglakad kami pabalik ng classroom medyo tumahimik si Akira napahiya ata sya talaga sa sinabi ko. Inaya ni Joey na umupo sa tabi namin si Akira kasi kilala ni Joey yung katabi ni Akira, wierdo nga daw talaga yun kahit nuon pa sa school nila ganun na ang kilos nun. Makatabi si Joey at Akira tapos ako nasa dulo katabi ko ang bintana at si Joey. Sa loob loob ko sana ako na lang katabi ni Akira gusto ko syang mas makilala.

Mabilis na natapos ang 2 classes namin sabay sabay kami umuwi kasi LRT ang sinasakyan namin. Bumaba si joey sa D. Jose naiwan kami ni Akira na magkasabay.

“Uhm okay ka lang?” ako

“Oo ayos lang ako. Bakit?” Akira.

“Kasi nung natapos ang break natin hindi ka na masyadong nagsalita may nasabi ba ako?” ako.

“Ah wala, ganun lang talaga ako minsan biglang tumatahimik madalas kasi nagiisip ako ng mga bagay bagay kaya bigla-bigla akong tumatahimik.” Akira.

“Ah ganun ba akala ko kasi may nasabi ako kasi okay naman kayo ni Joey usap naman kayo ng usap. Sure ka ba na walang problema?” ako.

“Sure ako” Akira.

Tapos biglang awkward silence.

Blumentritt Station

Blumentritt Station

“Uhm bababa na ako. Bye. Ingat.” Ako

“Ingat din. Bye.” Akira.

Hay buti na lang Blumentritt na. Ang awkward kanina di ko alam kung ano sasabihin ko. Bakit ba ganito talaga nabobother ako kapag di nya ako pinapansin? Sandali lang kami nagkasama pero parang ang tagal ko na syang kakilala? Hindi ako naninibago sa kanya parang ilang taon na kami magkasama. Pero hindi ito dapat hindi ko sya dapat iniisip. Nasaan na nga ba si Roland susuduin nya ako dito sa LRT station ngayon.

“Hi babe! How was your day?” sabi ni Roland with matching red roses pa.

“Aww babe ang sweet mo naman. Ok naman medyo kinakabahan lang ako kaninang umaga kasi wala nga akong kakilala sa school pero may naging friends nanaman ako kaagad. So saan tayo pupunta at bihis na bihis ka dala mo pa auto mo?” ako

“Sa Manila Ocean Park tayo. Happy 6th Monthsary babe.” Sabay kiss sa cheeks.

“Daan muna tayo sa bahay para makapagpalit ako ng damit at makapag-paalam na rin tayo.” Ako

Relationship Status: It's Complicated (Lesbian)Where stories live. Discover now